School.
Dali dali kong pinaharurot ang maliliksing mga binti sa daan. Nagsisising hindi nakinig sa bulong ng alarm clock at ngayon ay nagagahol sa oras.
Anong oras na ako natapos sa isang assignment. Taksil talaga ang isip kapag pagkatapos mangakong iidlip lang.
Patuloy lang ako sa pagtakbo at pag iwas sa mga taong nakaharang sa bawat daan. Buti na lang at may mga nakakasalubong akong nagjojogging kaya hindi halatang masyado akong nagmamadali.
Kaya mo 'to Prudence. Last 5 minutes nalang at paniguradong makakaabot ka pa sa klase nito.
Napatalon ako sa gulat nang may isang kotse ang bumusina mula sa likuran ko. Napahinto saglit upang tumingin at masama na tinignan iyon nang lapitan.
Kulay itim ito at black tinted pa. Umikot ako sa pwesto ng driver seat at kumatok dito. Nais kong malaman kung ako ba ang tinatawag o hindi. Nauubos na ang oras ko.
Pagkababa ng salamin ay bumungad sakin ang mukha ng kinaiinisan kong tao. Nakashades habang fierce na nakabaling sa harap ng sasakyan. "Ikaw?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
Muling nanariwa sa isipan ko ang sinabi niya kahapon.
"Runner this time?" he asked na tila ba insulto ang dating sa'kin. "You know the policy in school to those who set foot late."
Napairap ako. Kailan pa naging tsismoso ang taong ito? Umayos ako ng pagkakatayo at makalipas ang ilang segundo ay iniyuko ko ang sarili at inis na hinarap si Ken. Siya ang kasalukuyang nagmamaneho. "You know what, I regret nilapitan ko ang kotse mo. Not worth talking," nawalan ng gana kong sabi at umalis.
"Then not worth leaving." he continued.
I stopped. What the,
Hindi na ako nag isip pa ng kung ano ano at tumakbo na lang sa gilid ng daan. Habang tumatakbo napapansin kong nakabuntot ang sasakyan niya sa'kin.
So ganito siya mang asar, huh?
Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo. Kahit nakakaramdam na ako ng hingal at uhaw ay mariin ko iyon na tiniis para lamang makaabot sa tamang oras. Sa susunod makikinig na ako sa alarm clock. Kung ganito lang rin naman ang magiging kapalit.
Napahinto ako sa pagharang ng kulay itim na kotse. Naglikha iyon ng nakakabinging ingay na pati ang mga tao sa paligid ay nagulat sa narinig. Sino ba naman kasi yung tangang tao na gagawa ng palabas na ihaharang ang kotse niya sa nilalakaran ng mga tao?
Lumabas siya at nagpakita. Kaagad na nagreflect sa suot na silver mirror sunglasses ang sinag ng araw. Litaw ang awtoridad sa suot. Lumingon siya sa pwesto ko, ngumisi. "You only have 2 minutes left, susugal ka pa?"
This time divert na ang tingin ng mga tao. Napahiya ako sa lagay na 'yon.
Matapos ang huling ngisi ay bumalik na siya sa loob. Naghihintay na lumapit. Kinahihiya ko ang araw na 'to dahil pakiramdam ko resulta ito ng pagiging late ko. Subalit hindi ako tanga at basta na lamang ibababa ang pride para lang sa walang kwenta.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilagpasan ang mga nanonood na tao. Now I accept na kung late, edi late. May magagawa ba ako para pabalikin ang oras?
When I finally reached the gate, kapansin pansin na wala na roon na kahit isang tao. Tanging mga guards in their black suit ang nakaabang at nakatayo. Sarado ang gate. For sure hindi na magpapapasok pa. But to think that I'm a transferee at wala pa gaanong alam, ipapalusot ko iyon.
Panlulumo ang naging resulta ng ginawang pamimilit ko. Hindi ako pinapasok ng mala-armadong security guards na nagpadagdag pa ng takot sa'kin ang hawak na batuta. Hindi naman siguro nila i-pupukpok sa'kin di'ba?
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Novela JuvenilIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...