Prudence.
"Beach house?" tanong ko pagkababa na pagkababa namin ng kotse. Yeah. Isa nga itong beach house. Mahahalata mo palang sa buhangin na natatapakan namin ngayon.
Sinalubong kami ng sariwang hangin. Nalilipad tuloy ang buhok ko. Sinundan ko lang ang taong kasama ko na kanina pang walang imik. Badtrip na naman siguro.
Sinabayan ko siya sa paglalakad.
"Ken the president, anong ginagawa natin dito?"
Sobrang ganda kasi. Tapos eto lang ang bukod tanging bahay dito sa beach na ito. As in wala ng kasama pa.
Dahil sa hindi naman niya ako sinagot ay tumakbo na ako papasok ng bahay. Inunahan ko na siya. Tch. Wala namang pake yun eh.
*_* OMG!! Beautiful!!!!!! Ang gandaaaaaaa!!!
Nakanguso kong tinignang maigi ang malaking vase sa may bandang sala. Seryoso? Vase talaga eto? Eh bakit walang laman na bulaklak?
Tapos yung malaking frame din. Mukhang realistic. Parang lalabas na yung malaking pating sa painting eh.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang ganda. More on gawa siya sa glass pero hindi naman ganun kainit dahil sa malapit ng lumubog ang araw. Mga ilang oras rin ang binyahe namin papunta dito.
Masasabi kong mas malaki ang mansyon na unang tinirhan namin dito Bacolod kaysa dito. Tansya ko na kalahati ito ng mansyon na iyon.
Masaya kong pinindot pindot ang aquarium. Yung sa glass lang naman. Nasisiyahan kasi ako sa mga isda eh. Hehehe. Wala na. Lumayo tuloy.
Umayos ako ng pagkakatayo at humarap saakimg likuran. Akmang tatakbo na sana ako papalapit sa cute na istatwa nang mapansin ko si Ken na nakasandal sa pinto. Ay. Oo nga pala.
"Sorry. Nasiyahan lang." nahihiyang sambit ko at saka dahan dahan na lumapit sakanya. Nanatili lang ang mukha niyang nakatingin sakin. "Did I tell you to stop?"
"Ha?"
"I'm just watching you. Go on."
Ha? Tama ba yung narining ko? Hindi pa naman ako bingi hindi ba?
Kusang gumalaw na lang ang katawan ko at tumakbo sa kung saan. Ewan ko ba. Siguro nagkakaganito ako dahil sa first time ko palang makapunta sa lugar na ito. Ang ganda. Grabe. Paniguradong mahal to.
Tuwang tuwa akong napapatalon sa malambot na sofa. Hindi naman ako siguro papagalitan at pagbabawalan ng lalaki na ito hindi ba? Diba? Ayieeee!!! Ang sayaaaaaa!!!
Dali dali kong kinuha ang unan sa gilid nito at isinabay sa pagtalon. Hinahagis ko lang naman ng mataas tapos sinasalo habang tumatalon. Ohaaaaa!!!! Happy Kid is me!!
Napatingin ako sa direksyon ng taong nakasandal pa rin sa pinto. Walang emosyon lang siyang pinapanuod ako kaya binato ko siya ng unan. Sapul!!!!! Hahahaha! Saktong tumama sa buong mukha niya. "Hoy Ken the president! Halika, samahan mo ko dito!"
Walang reaksyon niyang pinulot ang unan. Naglakad siya papalapit sakin at inaasahan ko na sanang makikigaya siya sa ginagawa ko pero hindi. Nilapag niya lang ang unan sa gilid ng isa pang sofa tapos ay umalis na siya dito sa sala.
"Aray!!!"
Tumalon ako sa sahig at nagkunwaring natamaan ang tuhod ko sa pagkakatalon. Actually umupo pa talaga ako't lumuhod. Dali dali naman na lumapit sakin si Ken. Halata sa mukha nito ang pag aalala. "What happened?"
"Yung tuhod ko....." yumuko ako para hindi niya halatang nagpapanggap lamang ako. Eh hindi ko magawang umiyak eh! "Tss. Ang kulit kasi."
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Teen FictionIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...