Chapter 28: Goodbye

63 4 0
                                    

Prudence.

Hindi ako makatulog. Parang may bumabagabag sa isip ko na hindi ko na naman maintindihan.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Mahigit alas dose na ng hatinggabi pero hindi man lang ako nadadatnan ng antok. "Ken?" bulong ko sa sarili nang madatnan ko si Ken na nakaupo sa kama. Nakajacket siya ng kulay itim habang nakikinig sa malungkot na kanta.

Now I know na yung mga panahong pinakinggan ko ang mga kanta na iyon ay mga songs niya pala sa tape na nasa loob. Malulungkot at halatang nakakaiyak.

Somebody told me you were leavin'
I didn't know

Umupo ako sa katapat niyang sofa. Napansin naman niya iyon agad kaya inabutan niya ako ng isang baso. Pagkakuha ko, tubig naman ang nakapaloob doon.

Somebody told me you're unhappy
But it doesn't show

"Ken," tawag ko sakanya.

"I'm fine."

Somebody told me that you don't want me no more.
So you're walk and out the door.

Hindi. Alam kong hindi siya maayos. Nakikita ko sa mga mata niya ngayon na parang naiiyak siya. Na parang pinipigilan niya ang mga luhang naiipon sa mga mata niya. "Walang mangyayari kung hindi mo ilalabas, Ken."

"I know." He chuckled. "I know what do I need to do. I know what I'm doing and I fucking know why I'm still waiting."

Nobody told me you've been cryin' every night
Nobody told me you've been dyin' but didn't want to fight.

"Alam kong wala ako sa lugar para sabihin sa'yo ang salita na ito pero," dapat ko nga bang sabihin? O baka naman mas lalo lang siyang ma-offend sa sasabihin ko? "Ang tanga mo."

"How did you know?" ngumisi ito ng nakaloloko. "Ikaw lang ang kauna unahang babae na nakapagsabi ng salitang iyan sakin."

Hindi ako nakapagsalita agad. Maybe nagulat lang ako ng onti dahil sa narinig. Ako lang ang kauna unahang babae na nakapagsabi ng salita na iyan sakanya. Ibig sabihin, wala pa ni isa ang nakakakita ng katangahan niya bukod sakin. "I thought wala ng makakakita pa ng pain na nararamdaman ko maliban sa sarili."

"Pwes, nagkakamali ka," buong tapang kong wika sakanya. "Alam ko kung ano ang nasa loob mo Ken the president. At nararamdaman ko rin ang nararamdaman mo ngayon."

"Dapat na ba kitang pakinggan sa sinasabi mo?"

"Ken the president, pwede ba, ikaw naman muna ang makinig sa sasabihin ko?"

"And why do I need to do that? Are you my parents? Relative? Sister? Tss. Tanging malalapit na tao lang sakin ang pinakikinggan ko, Prudence."

Tinawag na niya ako sa pantawag kong pangalan. Mabuti naman at binalik na niya ang pantawag niya saaking iyon. Pero yung tono naman ng pananalita niya, medyo hindi ko na naman nagustuhan. "Hindi nga ako ganun kaclose sa'yo, pero kaibigan mo naman ako."

"Are you crazy? I never thought na magiging kaibigan kita dahil lang sa bagay na 'to."

Huminga ako ng sobrang lalim. Gusto kong isumbat sakanya na hindi nga niya ako tinuring na kaibigan pero para sakin naging part na siya ng buhay ko. Itinuring ko na siyang kaibigan noon pa man. Subalit dahil sa naiintindihan ko rin ang nararamdaman niya, ako dapat ang mag adjust at habaan ang pasensya saamin na dalawa.

"Ken," seryosong tawag ko sakanya. "Hindi mo man ako kaibigan o ano pa man, pero tulad din kita. Dumaan rin ako sa pagiging broken hearted at nakaranas rin ako ng sobrang sakit." lalo na yung mga panahon na niloko lang pala ako ni Oliver at ginawang panakip butas. "Naiintindihan kita. Hindi ko man nababasa ang laman ng isip mo pero sa tingin ko ay umaasa ka pa rin na babalik siya. Na babalik si Andrea sa'yo kahit na alam mong imposibleng mangyari."

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon