ANG SIMULA

11.3K 130 7
                                    

NOV.2015

Sisimulan ko na baka tamarin si Author hindi na naman matapos to. ✌

Sisimulan ko sa pagpapakilala. Ako nga pala si Amethyst Ventura, 27 years old bunso sa tatlong magkakapatid si kuya Zeus ang panganay si ate Pearl naman ang gitna. Simple lang ang buhay namin saktong nakaka-kain ng tatlong beses sa isang araw. Si nanay at lola ko lang ang kasama ko sa buhay at sa bahay may mga asawa na kasi ang mga kapatid ko at ako nalang wala. Yung tatay ko naman isang taon pa lang daw ako ng sumakabilang - BAHAY siya pero nung 22 ako nalaman kong sumakabilang Buhay na siya.. syempre may parte ng puso ko na kumirot dahil sa nalaman naming yung kasi hindi manlang kami nagkita ni kahit memories o picture manlang wala akong ala-ala sa kanya. Sa ngayon tatlo lang kami sa bahay balak ko nga mag-aral ng martial art eh in case may pumasok na stranger sa mansion namin eh puro babae pa naman kami. Ano laban ko dun? Charoot lang..

Oh ayan na kwento ko na ang mala MMK kong buhay.charoot! Ngayon papasok na ako sa trabaho bilang Pharmacist.
Sa Pixie Pharmacy. ( ang cute ng boteka namin noh? )
Nasa locker room ako ng masalubong ko si jasmine ang babaeng pinaglihi sa sama ng loob sa akin.hindi ko alam kung bakit ang init lagi ng ulo nito sa akin.

" Oh buti naman pumasok ka na.hindi ko alam kung bakit pinapasok ka pa ni boss eh dalawang linggo ka namang wala.!" Mataray na wika ninya sabay pasok ng gamit nya sa locker nya

" bakit di mo alamin? Kesa ako tong kinaiinisan mo." Sabi ko sabay talikod sa kanya wala ako sa mood eh..

" ang yabang mo ha! Kaya iniiwan ka ng boyfriend mo dahil masama ang ugali mo.! " sigaw nya buti nalang wala pang masyadong tao sa room.

" oh really? " saka ako lumapit sa kanya " alam mo Jas, hindi masama ang ugali ko pero kung ikaw ang kausap ko nagiging masama ako." Inis kong sabi sa kanya na nag-iba naman ang reaksyon nya.

" so what are trying to say na masama ako ha.! Wa__" galit nyang sabi at akmang sasampalin pa nya ako buti nalang alisto ako.

" subukan mong idapo yan sa mukha ko at pagsisisihan mong nagkausap pa tayo ngayon!" Bitaw ko sa kamay nya

" teka nga Ms. Cruz, dalawang taon na tayong magkasama sa pharmacy pero bakit hanggang ngayon galit ka sa akin? May nagawa ba ako sayo? Para magalit ka sa akin ng ganyan. Inagaw ko ba jowa mo? Sa pagkakaalam ko jowa ko ang inagaw mo!" Pasigaw kong sabi na siya namang ikinagulat ninya.

" That paano ko nalaman look? Ms.Cruz?well,matagal ko ng alam yun nanatili lang akong tahimik dahil ayokong mawala si Jared sa akin kaya tiniis ko ang tatlong buwan na away - bati na yon. Pero nitong huli kitang-kita ng dalawa kong mata ang kababoyan nyo! Pero may narinig ka ba sa akin?wala diba?! Wala" pasigaw kong sabi kasabay ng di mapigilang pagbasak ng mga luha ko na kanina pa gustong kumawala. Ang sakit-sakit..
Pinunasan ko ang mga luha ko saka muling binaling ang tingin sa kanya na kanina pa tahimik at nabigla sa mga sinabi ko.

" Kung meron mang dapat magalit sa atin ngayon, ako yun Jasmine!hindi ikaw!kaya pwede ba tama na!" Mahina ang ang pagkakasabi ko ngunit may diin saka ko siya tinalikuran habang nagpupunas ng mata.

" I'M SORRY! SANA MAINTINDIHAN MONG MAHAL KO SI Jared!" Sigaw niya. Hindi ko na pinansin ang sinabi nya at nagkunwari nalang na hindi ko narinig. Lumabas ako ng locker room at dumiretso sa rooftop total meron pa akong 15 mins bago magbukas si collin ng pharmacy.

Nandito ako ngayon sa rooftop hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko.ang sakit ng puso ko.bumabalik na naman yung sakit eh akala ko okay na ako..bakit ang sakit pa rin.

DAHIL SAYO ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon