December 23, 2015 (wednesday)
NOLAN'S POV
Paglapag palang ng eroplano sa pilipinas hinanap ko sa arrival area si kuya Tor at ng makita ko siya ay pinauwi ko muna sa kanya ang mga gamit ko sa condo, si kuya Tor ang driver nina mommy at daddy papuntang office. bago ako pumunta sa pharmacy una kong naisip ay puntahan si amethyst kinakabahan ako habang binabaybay and daan papunta sa kanila.
Makalipas ang kalahating oras nakarating na ako sa village bago ako bumaba ng sasakyan isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Nang makakuha na ng lakas ng loob ay lumabas na ako at pinindot ang doorbell nila at lumabas ang mama ni amethyst agad naman nyang binuksan ang gate.
" Good morning po tita" nakangiti kong bati
" nolan?tama?" Tanong ni tita tumango naman ako bilang sagot sa tanong nya niyaya nYa ako pumasok sa loob. First time kong pumasok sa bahay nila simple lang kung titingnan sa labas pero may kalakihan sa loob. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ng makita kong palapit na si amethyst dahan-dahan lang siya kung maglakad malaki din ang pinagbago nya ang katawang mala maja salvador ngayon ay parang kim chiu na ang payat nya na lubog din ang mga mata.
" Hi nolan," nakangiti nyang sagot alam kong pilit lang ang ngiting yun dahil nagbago ang ekspresyon nya ng bahagyang tumanaw sa pinto na para bang may hinihintay.
" have a seat" anyaya nya
" anak,iwan ko muna kayo ng makapag-usap kayo." Paalam ni tita
"Kumusta kana amethyst?ang laki ng pinayat mo." Saad ko
" hindi ako okay nolan,namimiss ko na ng sobra ang pinsan mo. Ngayon dapat ang uwi nya eh" humikbi nyang sabi nakaramdam naman ako ng awa
" wag kang mag-aalala" saad ko
" magiging okay din siya.magigising din xian amethyst magtiwala ka lang. Sa ngayon kailangan ka ng anak mo ingatan mo din yung sarili mo para sa pagbalik nya maging masaya at buo ang pamilya nyo." Pagpapakalma ko sa kanya nakita ko namang nagpunas siya ng luha.
" Tama ka nolan, magpapakatatag kami ng anak nya para may dahilan siya na lumaban." Saad nya na unti-unti naman nasisilayan ang ngiti nya.
"Pero kahit anong gawin at isipin ko hindi pa rin maiwasan na hindi ko siya isipin,bahagi na siya ng buhay ko nolan" malungkot nyang sabi
"I know amethyst pero isipin mo din na may buhay ka rin na kailangan mo isave at yun ang baby nyo." Pahayag ko at nginitian siya bilang tanda na kaya nya mamuhay ng wala si xian pansamantala.
" balitaan mo ako nolan ha" saad nya
" i will" sagot ko at tumayo na ako para magpaalam sa kanya inihatid nya naman ako sa labas at hinintay na makaalis.
Pagkaraan ng ilang minuto at exactly 11 nakarating na ako sa pharmacy. Hindi masyadong marami ang costumer ngayon pero di bale ang importante mataas pa din ang sales namin every month. Pagkapasok ko palang rinig ko na ang napakalakas na boses ni yumi ilang na naman kayang gamot ang tinira nito ngayon.
" Hi Jowa!" Pasigaw nyang bati hindi ko alam kong ako tinutukoy nyang Jowa kaya napalingon naman ako sa likod ko baka kasi may tao sa likod ko.
" lilingon pa eh!" Dagdag nya.tiningnan ko ang ibang kasama namin na nagtatawanan
" good morning sir nolan!" Bati nilang lahat sa akin with a smile.
"Good morning din sa inyong lahat" nakangiti kong sagot Lumapit naman si yumi na nakasimangot infairness ang cute ng itsura Nya
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Romance11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...
