CHAPTER SIXTY SEVEN

1.6K 37 1
                                    

Continuation

LORRAINE

Successful ang plano ko binayaran ko yung waiter sa bar para tawagan si Xian at ipaalam dito na lasing na ako habang naghihintay kay xian ay ininom ko muna ang wine na hawak ko sakto naman ng maubos yun ay natanaw ko na si xian kaya nagkunwari akong lasing sa harap nya. Nakangiti akong inaalalayan nya papunta sa room ko na katabi lang ng room nila. naramdaman ko naman ang paghinto nya sa hallway kaya nagkunwari agad akong lasing na lasing na.

" t-thi i-is my r-room baby " saad ko mabilis naman nyang kinuha ang susi sa kamay ko at siya na ang nagbukas agad naman nya ako binaba sa bed ko. Akmang aalis na siya ngunit mabilis kong hinawakan ang kamay nya.

"D-don't leave me..." pakiusap ko habang marahang nakapikit ang aking mga mata para tingnan siya at ang reaksyon nya.

" Your drunk lorraine and my wife needs me " saad nya na nagpainis sa akin.

"P-please " pilit ko sa kanya at hindi ko napigilang maiyak hindi ko alam kung lasing talaga ako o dahil nasasaktan ako sa tuwing babanggitin nya ang asawa nya..ako dapat yun xian..ako dapat ang asawa mo

" L-lorraine itigil mo na ito parang awa mo na kahit manlang sa pinagsamahan natin." Pakiusap nya pero iling lang ang tanging nasasagot ko sa mga sinabi hanggang sa pakiramdam ko masusuka ako.

Urrrggghhh!! At tuluyan ng bumigay ang sikmura ko dahilan para masukahan ang damit ko nakita ko dali-dali siyang nagtungo sa banyo agad ko namang kinuha phone nya na naiwan sa side table at sinend ang number ni amethyst sa phone ko pagkatapos ay mabilis at maingat ko itong binalik bago pa siya lumabas ng banyo.

" I-iwan ko itong towel at tubig magbihis kana.i have to go." Paalam nya

"Babe please.wag mo kong iwan dito" malungkot kong sabi lumapit siya at kinuha ang face towel at nilagay yun sa noo ko nakakuha ako ng chance para kabigin siya palapit sa akin at gawaran ng malalim na halik.ramdam ko ang kagustuhan nyang kumawala ngunit mas lalo kong diniin ang ulo nya hanggang di ko namalayang napalakas ang moan ko at dun ko lang naramdaman na tumutugon na siya sa bawat halik ko hindi ko palalampasin ang gabing ito na hindi ka maging akin ulit xian sisiguraduhin kong sa susunod na mga gabi sa akin kana uuwi. Bulong ko habang di pa rin tumitigil ang halikan namin sinubukan kong alisin ang damit nya ngunit bigla siyang tumigil at lumayo sa akin.

" no..no..no lorraine di pwedi ito." Balisa nyang sabi sabay tungo sa pinto agad akong napatayo at pinigilan siya niyakap ko siya sa likod

" please xian..make love with me kahit ngayon lang" saad ko na mahigpit pa rin siyang kayakap.

" stop it lorraine!ganyan ka ba despirada?magkaroon ka naman ng respito sa sarili mo kahit kunti" gigil nyang sabi habang nakaharap sa akin

" ou! Despirada na kung despirada i don't care!kong ito lang ang paraan para bumalik ka sa akin!" Maiyak-iyak kong sabi

" do you know the hell you're talking about lorraine huh?hindi ganitong lorraine ang kilala at minahal ko noon.you've changed!" Gigil nya

" y-you..k-kissed me remember?hindi lang isang beses alam kong mahal mo pa ako xian at yun ang panghahawakan ko!" Sigaw ko at bigla nalang nanghina ang tuhod ko at nagdilim ang paningin ko..

"L-Lorraine!" dinig kong Sigaw ni xian bago pa tuluyan akong nawalan ng malay... xian.......







-----------

AMETHYST

Nagising akong wala na sa tabi ko si xian kaya nagdesisyon akong bumaba na lang sa pool baka nauna siya. Pero bakit di nya ako ginising?pangit na yun.. bulong ko baka naman napasarap lang tulog ko. Dagdag ko. Pagkababa ko dumiretso na ako sa pool area para maligo tamang-tama di masyadong marami ang tao kaya agad akong lumusong pero ilang minuto na ako sa pool wala pa rin ang anino ni xian. Nasaan na yun? Bulong ko umahon ako sa pool para itext si xian ngunit may unregistered number na nagmessage sa akin. Nagsuot muna ako ng robe bago buksan ang message na yun at ng muli kong damputin ang phone ko bigla akong nakaramdam ng kaba na hindi ko maintindihan.. nang i-open ko yung message ay laking gulat ko ng makita ko si xian at lorraine na naghahalikan sa loob ng opisina ni xian.

DAHIL SAYO ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon