CHAPTER FIFTY TWO

1.8K 42 9
                                    

Continuation

XIAN

Hinatid ko ang doctor  na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan nya naghintay ako sa labas hanggang sa makaalis siya. Ang bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan ang daang tinatahak nya palabas ng village, nang makita kong wala na kotse nya ay Bumalik na ako sa loob ng bahay at nabaling ang paningin ko sa isang key na may nakalabel na Mr.and Mrs. A' Room matagal kong tinitigan ang bagay na yun. Hanggang sumagi sa isip ko ang mga sinabi nya kanina " I-I..am..your..wife." Pag-amin nya habang umiiyak , so may asawa nga talaga ako pero bakit wala akong maalala sa kanya tapos napagsalitaan ko pa siya ng masama kanina at yung mga sinabi nya kanina pakiramdam ko ang sama-sama ko.napaka wala kong kwenta..

nakatungo ako ngayon dahil biglang sumakit ang ulo ko sa mga nangyari at sa pagpikit ng mga matA ko ang mukha ng doctor na yun ang nakikita ko

" Sana..*sniff* nga wala nalang akong pakialam sayo! Tatlong taon kong hiniling na sana wala na akong pakialam sayo.. *sniff* na sana hindi na kita mahal.. *sniff* na sana sumuko na lang ako..*sob* n sana hindi nalang ako naghintay..na sana napagod nalang ako." Umiiyak nyang  sabi habang nakatitig sa akin kita ko sa mga mata nya  ang magkahalong galit at sakit kaya natahimik ako sa mga sinabi nya.

" pe-pero hindi g-ganun kadali yun pangit..*sniff* siguro dahil mas pinili kong magstay ka sa puso kesa ang pakawalan ka. Mas pinili kong maghintay dahil alam kong babalik ka gaya ng pangako mo at para sa amin ng.....*paused* anak mo." Dagdag nya na wala pa ring tigil sa pag-iyak pakiramdam ko nadudurog ang puso ko sa bawat luha nya gusto ko siyang yakapin..gustong - gusto. Mas lalo akong nagulat ng sabihin nyang may anak kami. Bakit sa dami ng pwede kong makalimutan bakit siya pa? Bakit sila pa? Unti-unti na akong nakakaramdam ng sakit ng ulo ng pilit kong inaalala ang ugnayan naming dalawa.pero wala..wala akong maalala..

" pero ngayon.. binibigyan mo ako ng dahilan para mapagod at  sukuan ka..da-dapat ba * sniff* dapat ko rin bang pagsisihan na minahal kita." Patuloy nya habang umiiyak pa din siya at dahil muntik na akong bumigay i decided na pauwiin si kelly. Nang makauwi si kelly i told to her that kelly is not my gf and never be my gf kahit paano nagliwanag ang mukha nya.

Matapos alalahanin ang mga nangyari naisip kong buksan ang kwarto ko gamit ang susi na binigay ni doctora. Pumanhik na ako sa taas at gamit ang susi ay nabuksan ko ang kwarto bago pa man ako pumasok ay huminga muna ako ng malalim.
Pagkabukas ng kwarto agad na bumulaga sa akin ay ang malaking portrait ng wedding namin dalawa agad akong napaupo habang sapong-sapo ang ulo ko dahil sa panaka nakang pagsakit nito. Sunod kong nakita ay ang laptop sa ibabaw ng kama na para bang hindi manlang ginalaw..binuksan ko ito at tiningnan ang laman nakita ko ang mga pictures namin lalo na nung kasal namin at bakasyon sa batanes..kahit ang resthouse hindi ko maalala.

Napako naman ang paningin ko sa messenger na parang bang may bumubulong sa akin na buksan ko iyon.kaya kinakabahan man ay nagawa ko pa rin siya nakita at nabasa  ko ang palitan namin ng mensahe ni Ga-Ganda?" Yun ba ang pangalan nya? At ako pangit? Sa gwapo kong ito?malabo ba mata nun?" Bulong ko sa sarili ng biglang sumakit ng husto ang ulo ko dahil para bang may narinig akong boses at may nakikitang mukha.at hindi ako pwedeng magkamali si G-ganda yun.

Pangit!!!

I LOVE YOU pangit!

G-Ganda...

Mga katagang paulit-ulit na binabanggit ni ganda sa isip ko pakiramdam ko nagflashback ang lahat sa isip ko na mas lalong nagpasakit ng ulo ko. Pinilit kong makalabas ng silid dahil pakiramdam ko na susuffocate na ako. Sobrang sakit ng ulo ko at pinagpapawisan pa..

DAHIL SAYO ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon