XIANDER RHYLE ALCANTARAZ' POV's
Hi there!yes,you read it right! Mahaba po talaga ang name ko but you can call me Rhyle. I'm turning 30 this year.single for now wait lang kayo bago ako mag 30 sana mapa Oo ko na si Amethyst ang first love ko.
So,ganito ko sisimulan ang kwento ko, nag-iisa lang akong anak 21 ako ng mamatay ang Daddy ko dahil sa sakit sa puso mula noon namuhay kami ni mommy na dalawang sa tulong na din ng konting pera na iniwan ni daddy para sa amin ay nakapagpatayo kami ng Pixie Pharmacy hanggang sa lumago at nagkaroon ng maraming branch sa pilipinas at sa ibang bansa. Sa ngayon ay si mommy ang nagmamanage ng pharmacy sa new york at ako naman dito sa pilipinas kasama ang pinsan kong si Nolan.
Ako ang may-ari ng Pixie Pharmacy kung saan nagtratrabaho si Amethyst at hindi nya alam yun at ng mga empleyado ko sa ibang branch.Dito ako sa bahay nag-oopisina, si Nolan naman ang nagspy sa bawat branch as a pharmacist . Kahit gustohin ko man pumunta sa pharmacy ay hindi pwede dahil sa condition ko.
Tatlong taon na ang nakaraan ng maaksidente ako kasama ang bestfriend ko masakit para sa akin ang nangyari bukod sa nawalan ako ng kaibigan nawalan din ako ng kakayahan makalakad. Minsan ko na ring naisip kitilin ang sarili kong buhay nun dahil pakiramdam ko wala na akong silbi. Ngunit sa tuwing nakikita ko si mommy,yung paghihirap nya na bumalik ako sa dati naaawa ako.ayokong iwan ang mommy ko, mula nun unti-unti kong inayos ang sarili at sinikap tanggapin ang kalagayan ko,hanggang isang araw unang beses kong mag fb matapos ang aksidente ay isang pamilyar na mukha ang aking nakilala at hindi ako pwedeng magkamali.alam kong siya yun si Amethyst. Nang makita ko ang profile nya para bang bumalik yung naramdaman ko para sa kanya nung highschool ako. 3rd year ako nun at 1st year siya may pagka nerd pa siya nun pero nung unang beses ko siyang makita without her eyeglasses ay nung dinala ko sya sa clinic na sugatan ang mukha dahil sa basag nyang eyeglasses.Mula noon nagustuhan ko na siya akala ko masusundan pa ang araw na yun ngunit hindi na pala dahil nagtransfer sya ng school.
Matapos ang ilang taon nakita ko ulit sya.sobrang saya ko nun kaya lang nalaman kong may bf pala siya si Jarred ka school mate ko pero di kami close.masyado kasing mayabang yun.mula noon inistalk ko na si amethyst nalaman ko ding Nag-aral siy ng pharmacist at nagkataon namang nakita ko ang resume nya sa mga applicants para sa pixie pharmacy, kaya di na ako nag dalawang isip na ihire siya.
After 2 years di ko na makita ang fb acct ni amethyst at nabalitaan ko nalang na nagdeactivate siya for personal reason. Nalaman ko ding hiwalay na si amethyst at jarred at dahil yun kay jasmine..si jasmine ang isa sa mga pharmacist sa kabilang branch kaya naisip kong ilipat at ihire si amethyst sa main branch at mula noon alam ko ang mga nangyayari sa kanya sa tulong ni nolan. Ako din ang nagpapadala ng mga flowers at chocolate sa kanya pero mukhang di ko na aaraw-arawin dahil ayon kay nolan hindi na daw tinanggap ni amethyst ang huli kong pinadala.😄
At ngayon heto ako nakahiga habang nakangiti ang saya ko ang saya ng puso ko. Dahil ka chat ko na sya araw-araw.kahit ang harsh nya na makipag-usap sa akin ngayon parang ang cute nya pa rin.sa lahat ng naging gf ko siya lang ang babaeng nagpapakilig sa akin ng ganito at nagbibigay ng kakaibang saya sa puso ko. Ang iniisip ko lang ay sana walang magbago matapos nyang malaman ang condition ko.pero hindi pa ako handang sabihin na ako ang boss na baka mas lalong iwasan nya ako.basta gusto ko nalang maging masaya ano man magiging takbo ng relasyon namin.mag-aasume na ako😄
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Romance11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...
