Paglabas ko ng opisina naabutan kong busy sila sa mga costumer nila kaya naman lumapit na ako para tumulong,tahimik lang kami lahat lalo na si chris na nakakapagtaka lang dahil ngayon lang di siya tumalak😃kaya ng iaabot ko yung gamot sa huling costumer ko ako na mismo ang bumasag sa katahimikang nababalot sa loob ng Pixie Pharmacy ( parang horror lang)
"Oh chris,tahimik mo today.may problema ba.?" Tanong ko kay chris habang inaabot nya din sa costumer yung gamot na binili nito.
" Meron kasi ako ngayon Madam eh.ang hirap pala maging babae." Seryoso nyang sagit habang nakahawak sa puson na akala mo namang may matris,sa pagkakasabi nyang yun nagtawanan na kami nakitawa na din pati ibang costumer.
"Sira ka talaga bakla!akala ko kung ano na nangyari sayo at ang tahimik mo..di kami sanay." Natatawang sabi ni maddison
" ang seryoso nyo kasi eh,mamayang lunch pa ma ang schedule ko magpasaya.charoot!peace tayo madam!" Nakangiti nyang sabi habang naka peace sign pa sa akin nginitian ko lang siya naisip ko kasing itanong sa kanila ang tungkol sa ka chat ko baka kasi isa kanila ang may ari ng account.baka lang naman😊
Kaya nung lunch habang naglalabasan ng mga baon nila sumabay na din ako kesa magmukmok sa opisina.nagsimula na silang magkwentuhan habang ako tahimik lang na nakikinig sa kanila.
" Ma'am,ok lang kayo?mukha pong ang lalim ng iniisip nyo." Tanong sa akin ni nolan
" ou nga ma'am pansin ko din,kanina pa po kayo walang kibo.may problema po ba?" Sunod na tanong ni janine,kaya di na ako nagdalawang isip magtanong sa kanila.
"May kilala ba kayong rumple ang pangalan sa messenger?" Tanong ko sabay subok ng pagkain ko na kanina pa nagrereklamo.
" meron po ma'am,bakit?" Takang tanong ni chris
" seriously?" Mabilis kung sagot kay chris
" opo si Rumpletiltskin yung villain sa once upon a time" natatawa nyang sagot.akala ko pa naman kilala nya.
" hindi yun,.kasi nagchat sa akin eh mukhang kilala nya ako." Sagot ko
"Nako mam!baka poser yan,ingat po kayo sa mga ganyan" sabat ni maddi
"Yun nga ding iniisip ko eh" maikli kung sagot saka inubos ko na ang pagkain ko at nagpaalam na sa kanilang mauna na ako sa opisina.
Pagkaupo ko sa opisina ginawa ko na yung trabaho para hindi na ako mag-uwi sa bahay ng paper works gusto kung makapagpahinga ng maaga.
Sa kasagsagan ng aking trabaho biglang nag ring ang phone ko agad ko naman itong sinagot ng hindi tinitingnan ang phone ko kung sino ang tumatawag.
" Hello,who's this?" Tanong ko habang nakatingin sa laptop ko.
"Hoy bess!!anong who's this ka dyan?di mo sinave number ko ha?!" Sigaw ng bestfriend ko na pinaglihi sa mega phone
"yumiii!!! Sorry bes diko tiningnan phone ko eh may ginagawa kasi ako." masaya kong sagot
" Busy ka ba bes?miss you na." Malungkot nyang sabi
"Miss you too bess..ok lang naman ako kahit toxic minsan." Sagot ko
"Dito din toxic lage.may love life ka na ba? Marami bang gwapo dyan?" Sunod-sunod nyang tanong.
"Puro kami babae isa lang lalake" sagot ko kinoseder ko ng babae si chris.😊
" ayy!sayang,dito 3 ang lalaki 3 ang babae sumunod kasi si collin eh.kainis" naiirita nyang sabi
"Eh syempre patay na patay yun sayo." Natatawa kung sabi
Matapos ang usapan namin ni yumi naisipan kong magrest muna ngunit bigla nalang nag message yung rumple na yun..di ko na pinansin gusto kung magpahinga,pero ilang minuto nagmessage na naman.kaya nireply ko na malayo pa naman mag 1.
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Roman d'amour11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...
