CHAPTER EIGHTEEN

2.4K 46 3
                                    

Continuation.

" G-Ganda." Nauutal ninyang sabi hindi agad ako nakaimik nakatitig lang ako sa gwapo nyang mukha..gusto kong tawagin nya ako ulit sa pangalan na yun..isa pa..

" G-Ganda " ulit ninya upang ako'y mahimasmasan at di ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para yakapin siya ng mahigpit at ng mapansin kong may nakatayo pala sa likod nya at yun ang mom nya saka lang ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at muli siyang tinitigan ng wala pa ring imik.nanatili akong nakaharap sa kanya.

" Enjoying the view Ganda?" usal ninya sabay pitik ng mga daliri niya dahilan para mapukaw ang aking ulirat.

" Wala namang kaenjoy-enjoy sa nakikita ko ngayon. " palusot ko pero ang totoo nag-eenjoy nga ako sa nakikita ko at naisip kong hindi bagay ang salitang Pangit para sa kanya.ansama ko.

" Ah iha,excuse me bakit mo tinawag na Pangit ang gwapo kung anak?" Tanong ng mommy ninya na nakaismid pa sa akin..hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako kapag tinawag ang anak kong Pangit naku mangagalaiti din ako sa galit.

" Sorry po ma'am,by the way I'm Amethyst Ventura" pakilala ko sabay abot ng kamay ko,nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya ang kanina galit ngayon ay gulat naman.

" A-Amethyst? You mean..my son's Girlfriend" gulat ninyang tanong sabay tingin kay Xian na kanina pa tahimik at nakatungo ang ulo.anong nangyari  sa taong ito,madaldal naman ito kapag ako ang kausap bakit ngayon ang tahimik di ako sanay.

" Anak ha, di mo naman sinabi na Ganito kaganda ang Girlfriend mo." Nakangiting sabi ng Mom

" Mom" nahihiyang sabi ni xian  na iniiwasan akong tingnan

" wha?i'm just stating the truth..Oh by the way iha, I'm Pia Alcantaraz Xian's Mom and please call me tita not Ma'am masyadong Pormal" Natatawang sabi ni Tita Pia kuno.close na kami eh😄

Tiningnan ko lang si xian hindi pa rin nagbabago ang itsura nahihiya na kinakabahan na ewan.kaya naman umupo ako sa harapan nya para magpantay kami at makita ang buo nyang mukha at hinawakan ko ang baba nya para iangat ito ng kunti sapat para magkatinginan kami..

" Masyado kang Pangit para yumuko." Nakangiti kong sabi sa kanya dahilan para ngitian nya din ako makita ang dalawang dimples sa pingi nya na mas lalong nagpapapangit sa kanya.. my gosh..hindi familiar sa akin ang pakiramdam na ito ha..para akong kinikilig na ewan.

" Mabuti pa maghanap muna tayo ng resto na makakainan,sumabay ka na amethyst ha." Nakangiting sabi ni tita pia at akmang itutulak na ninya ang wheel chair ni xian pero pinigilan ko

" Ah tita ako na po" wika sabay hawak sa wheel chair ni xian

" ok para naman magkausap kayo." Si tita at sabay na kaming pumasok sa mall mamaya nalang siguro ako bibili ng regalo for tita mariz

" Pangit...bakit ang tahimik mo today?di ako sanay" wika habang tinutulak siya alam kong naririnig ni tita mariz ang usapan namin dahil nakita kong bigla itong natawa.

" Nahihiya kasi ako Ganda.hindi ko inexpect na sa ganitong ayos mo ako makikita." Sagot ninya na nakatungo pa din at nakadikit ang dalawa ninyang kamay siguro dahil kinakabahan siya.

" Unexpected naman talaga..ako nga din eh..buti nalang maganda ako." Seryoso kong sabi dahilan para matawa siya ng konti gosh ang pangit ninya talaga pati tawa nya kahit tipid ang sarap pa rin pakinggan.

" Ang cute ninyong dalawa nakakatawa yang endearment nyo..hayy naku kabataan nga naman.." natatawang sabi ni Tita Pia

"Kahit ano naman ang hitsura mo maganda ka pa rin para sa akin." Nakangiti ninyang sabi sabay tumingala para makita ko ang pagkindat ninya..dahilan para mag-init ang mukha ko sa kilig?my God yung puso ko bumibilis ata yung tibok dapat na ata akong magpatingin sa isang cardiologist..omoo!

DAHIL SAYO ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon