CHAPTER FIFTY SIX

1.8K 33 14
                                    

September 16, 2018

NOLAN'S POV

Sunday ngayon kaya alam kong walang pasok si Yumi. Yayain ko siyang lumabas hindi ko alam pero habang nasa korea ako hinahanahanap ko ang boses ni yumi. Kaya ng bumalik ako sa pilipinas sinubukan kong makipag usap sa kanya pero galit siya sa akin. Galit siya dahil iniwan ko lang siya ng walang paalam kung kailan kailangan kami ni amethyst kaya lang kailang din ako ng pinsan at pamilya ko..pero wala eh galit pa din sana this time tanggapin na nya sorry ko. Tinawagan ko siya na susunduin ko siya buti nalang pumayag

Dumaan ako sa kanila at pinatuloy naman ako ng pamilya nya
Kaharap ko ngayon ang mga magulang ni yumi at kasalukuyang na hot seat ako.

" it's been a long time simula ng huli ka naming makita, ano nangyari sayo" tanong ng daddy ni yumi

" ah-ah nagpunta po ako ng korea nagkaroon lang po ng family problem." nahihiya kong sagot

" nanliligaw ka ba sa anak ko?" Diretsang tanong ng mommy ni yumi

" g-ganun po sana..kaya lang mailap po ang anak nyo sa akin eh" sagot ko na para bang nagsusumbong

" wag kang mag-alala iho kami bahala sayo." Pabulong na sabi ng mommy nya.ilang sandali lang ay lumabas na sa kwarto si yumi napanganga ako ng makita siya ang ganda niya kasi kahit simple lang ang  suot nya ang ganda pa rin nakafloral off shoulder siya at nakapony tail ang buhok.

" hoy DOLAN! isara mo yang bibig yan kung ayaw bibig ko ang ipang takip ko dyan." Saad na diniinan pa ang sabi ng DOLAN

" it's NOLAN not DOLAN ginawa mong gamot ang pangalan ko eh" pagtatama ko nginitian lang ako.

" eh sounds like eh bakit ba.DOLAN..DOLAN..DOLAN..POWER UP!" Panunukso nya namiss ko ang kaingayan nya kaya di ko na sinaway

" Hoyy yumi!itigil mo nga yan para kang bata dyan.kaya di ka nagkaka boyfriend eh!" Saway ng mommy nya

" Sige na umalis na kayo,para mahaba oras nyo." Dugtong ng daddy nya

Umalis kami ni yumi at nagpunta kami sa condo ko wala pa rin kaming imik sa isat-isa habang nasa biyahe pagkadating namin sa condo.

" bakit dito mo ako dinala?ano gagawin mo sa akin?" Saad nya sabay takip ng dibdib nya.

" wag kang ambisyosa yumi wala akong balak sayo." Seryoso kong sabi dun nya lang tinanggal ang kamay nya napailing nalang ako. Sabay kaming pumasok sa building at sumakay ng elevator papuntang roof top. Pagkadating namin dun kita ko sa reaksyon nya ang pagkasurprise sa nakita nya. Pinuno ko kasi  ng makukulay na bulaklak at baloons ang roof top at autumn leaves fake ngalang na nagkalat sa floor may tent din sa gilid at nilagyan ng christmas light ang paligid nito para mamayang gabi. Meron ding dalawang cooler na ang laman ay seafoods,meat and sausages and  electric grilled, nagpalagay din ako ng maliit na round table with chopstick and everything basta korean style na.

" wow ang aga naman ng camping" sambit nya

" ikaw nagprepare?" Dagdag nya tumango lang ako bilang sagot sa tanong nya

" you like it?" Tanong ko

" No!" Seryoso nyang sabi bigla naman kumunot ang noo ko

" i don't like it coz i love it!" Masaya nyang sabi at tumakbo sa may table.

" hindi pa kita kayang dalhin sa korea dahil alam kong tatanggi ka kaya ang korea nalang ang dinala ko dito para sayo" saad ko

" may sweet bones ka pala DOLAN ha" natatawa nyang sabi habang naglalagay ng pork belly sa electric grilled

DAHIL SAYO ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon