CHAPTER FOURTY THREE

1.7K 34 2
                                        

continuation

December 21,2015 ( monday )

AMETHYST

Xian!!! Tawag ko sa asawa ko na nakatalikod sa akin tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya sa likod dun ko lang napansin na wala na siyang wheelchair bumitaw ako sa pagkakayakap at humarap siya sa akin ng nakangiti ang aliwalas ng mukha..

"Ganda" tawag nya sa akin at niyapos ng palad nya ang mukha ko at tinitigan na para bang minmemorya ang bawat parte ng mukha ko.

" Mahal na mahal kita ganda " saad nya saka ako hinalikan sa labi ng walang pagtutul hinyaan ko siyang sakupin ang mga  labi ko sa mga oras na ito hanggang siya na ang kusang pumutol sa halikan namin

" i missed you so much pangit..mahal na mahal din kita kahit ano mangyari ikaw lang ang huling lalake na mamahalin ko." Sambit ko saka ginawaran siya ng mabilis na halik at niyakap ng mahigpit

" i missed you too ganda..at mas mahal na mahal kita..kahit mawala man ako at mabuhay ulit siguraduhin kong sayo parin titibok ang puso ko." Nakangiti nyang sabi pero iba ang dinidikta ng mga mata nya para bang sobrang lungkot nya di ko maintindihan

" ano ibig mong sabihin?bumalik kana diba?andito kana.tinupad mo ang pangako mo na babalik ka " naguguluhan kong sabi sa kanya habang napansin kong umaatras siya palayo sa akin.

" pangit ano naman ba ito? Prank ba ito?pangit naman.hindi mo ko namimiss?hindi mo na ba ako mahal?" Umiiyak kong sabi sa kanya habang unti-unting lumalapit pero siya naman ay paatras

" hindi kayang sukatin ng kahit na ano ang pagmamahal ko sayo babe..mahal na mahal kita.sobra..babalikan kita!pangakooo!!" Sigaw nya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

"Xian!!!!!!"

" Xian!!!" Bulalas ko nilibot ko ang aking paninginn sa buong silid pero wala akong xian na nakita.

" Anak,nanaginip ka lang" wika ni mama na nasa tabi ko at may hawak na tubig

" M-mama si Xian...nakita ko si xian mama..nakita ko siya" umiiyak kong sabi kay mama na umiiyak na din

" ssshhh anak panaginip lang yun..ang baby mo?" Pagpapakalma sa akin ni mama dun lang ako bumalik sa wesyo sakto naman ang pagbukas ng pinto at pumasok si doc

" Ang b-baby ko ma??anong nangyari sa baby ko??" Nag-aala kong tanong

" calm down misis.. your baby is safe mabuti na lang at nasugod ka kaagad dito.pero kailang mo ng pahinga bawal ka mastressed o gumalaw masyado ayon sa kasi lab test mo mahina ang kapit ng baby mo " paliwanag ni doc

" pwede po ba akong mabyahe papuntang korea?" Tanong ko

" as of now i will not allow you to travel dahil sa condition mo" sagot ni doc

" naikwento sa akin ng mama mo ang nangyari at sa condition mo ngayon mahirap para sayo ang magbyahe abroad.we need to make sure na maging safe ka at ng baby mo kaya kailangan mo munang mag bed rest " paliwanag ulit ni doc nakinig lang ako at ng mapansin nya siguro na wala siyang makukuhang sagot sa akin kay mama na lang siya nagpaalam.

" anak mgpahinga ka muna.." saad ni mama at tinuluyan akong mahiga

" Ma, i need my husband miss na miss ko na siya" umiiyak kong sabi

"I know anak i know..sa ngayon kailangan mong magpakatatag para sa anak mo pagkatapos mong manganak papayagan kitang pumunta ng korea pero sa ngayon mas higit kang kailangan ng anak mo sayo siya kakapit anak kaya kailangan mong maging matatag para makita nya kayo ng daddy nya." Pahayag ni mama kasabay ng pagyakap nya sa akin muli namang bumukas ang pinto ng silid ko at pumasok sila kuya at ate hindi kasama si lola.

" kumusta siya ma?" Tanong ni ate

"Ayun.muntik na siyang makunan buti nalang nadala siya agad dito." Kwento ni mama

" magpakatatag ka bunso ha nandito lang kami di ka namin pababayaan" saad ni kuya

" may gusto ka bang kainin?" Tanong naman ni ate umiling lang ako at bahagyang ngumiti saka Pinikit ko ang aking mga mata at kusang kumawala ang mga luha ko.. naramdaman ko naman ang paghawak ni ate sa kamay ko.

Parang gusto ko nalang matulog ulit para kahit sa panaginip manlang makita ko ang asawa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para matiyak na ligtas siya. Muli kong minulat ang mga mata ko at hiningi ang phone ko kay mama iniabot naman nya ito sa akin. Pinindot ko ang number ni nolan

" Hello " bati ko

" amethyst,bakit?" Tanong nya

" update me nolan,lahat kung ano nangyayari kay xian " saad ko

"I will" sagot nya

" bakit di nyo na lang siya iuwi dito?si mommy kumusta?" Tanong ko

"Sinusubukan ni tita magpakatatag,sinuggest ko na rin yan kay tita pero hindi rin kami pinapayagan umalis dahil baka daw maging delikado para kay xian" paliwanag nya

" gusto ko siyang makita nola,gusto kong pumunta dyan pero ayaw din ako payagan" malungkot kong sabi

" bakit?" Tanong nya

" i'm pregnant nolan yun sana ang gift ko for xian this christmas..pero paano na ngayon yan" umiiyak kong sabi

" wag kang mawalan ng pag-asa amethyst ayon sa mga doctor lumalaban daw si xian kaya dapat lumaban ka din" saad nya

"Sasabihin ko kay tita ang condition mo.please amethyst be strong" dagdag nya

Matapos ang usapan namin ni nolan kinausap ko ang doctor kung pwede akong umuwi at sa bahay na magpahinga kahit paano gumaan ang pakiramdam ko.tama sila kailangan ko magiging matatag para sa pamilya at anak ko pati na rin kay xian.umuwi kami sa bahay at dun na ako nagpahinga sa tulong na din nila mama at mga kapatid ko ay nanatili akong kalmado . Baby, kapit lang ha sabay nating sasalubungin ang daddy mo kaya dapat lumaban ka din anak para kay daddy at kay mommy ha.love ka namin ng daddy mo" saad ko sarili habang hinihmas ang tyan ko. Maya-maya pa ay dumating na si yumi agad itong pumasok sa kwarto at niyakap ako ng mahigpit.

"Bes,i'm sorry dahil sa sinabi ko muntik na kayong mapahamak ng baby mo" umiiyak nyang sabi

" ok lang,salamat sayo dahil nalaman ko ang nangyari" saad ko habang pinupunasan ang mukha nya

" wag ka ng umiyak,di bagay Sayo nagmumukha kang dugyot." Nakangit kong sabi

"Wow!dugyot talaga ha.by the way bes..congrats mommy ka na" saad nya na nakangit ni at dumapa sa kama habang nakasandal naman ako sa headboard

" thanks..ninang kana din" aniya ko

" i'm exsoooited!ano pala plano mo?"nakangalumbaba nyang tanong

"Tuloy ang buhay,ayokong irisk ang buhay namin ng anak ko at tsaka andyan naman si nola eh iupdate nya daw sa akin ang mga nangyayari kay xian.after ko manganak saka ako susunod dun." Paliwanag ko

" sasamahan kita" saad nya

" sure!pero sa ngayon ikaw na muna bahala sa pharmacy ha." Bilin ko

"Walang problema.ok lang sa akin. Lalo na ngayon wala si nolan" nkangiti niyang sabi

" ows?di mo namimiss?" Tukso ko sa kanya bigla naman nag-iba ang ekspresyon nya at tsaka umupo

"Ang totoo bes,nakakamiss pala ang mokong na iyon!ang sarap kasi nya asarin..alam mo yun parang boy version mo siya.pero ang cute nya.."kinikilig nyang sabi

"Ayuun..! Ligawan mo kasi" natatawa kong sabi

"Ako?sa ganda kong ito?ako pa talaga manliligaw ha.pwes!" Naiinis nyang sabi

" bakit?ano gagawin mo?" Tanong ko

"Maghintay siya!kapag ligawan ang usapan pinag-iisipan yan!" Seryoso nyang sabi bahagya naman akong natawa.
Hlos hindi na namin malaman pareho kung anong oras kami nakatulog.

A/n: may gana mag-update eh di ko alam ano ending nito.palala ng palala😄

DAHIL SAYO ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon