COntinuation
Matapos ang lunch back to work na kami nang may nakaipit na yellow sticky note sa computer ko.
"today is your day and wear that smile everyday" nakasulat sa note yan.
Sino kaya naglagay nito.? Baka si andrei tiningnan ko si andrei mukhang hindi naman habang si collin mas lalong hindi baliw to sa gf nya eh..napangiti nalang ako habang nag-iisip kung sino sa kanila naglagay ng note. Napawi naman agad ang ngiti ko ng lumapit si jasmine may dalang sobre.
" oh ayan" sabay abot ng sobre..
bastos talaga ang bruhang to kakagigil.
Binuksan ko naman agad ang sobre at laking tuwa ko ng mabasa ko yung letter.. sa wakas naapproved na.hindi ko nalang sinabi sa mga kasama ko para di na sila malungkot sa pag-alis ko ang importante alam ni yumi. Sabay kami aalis sya sa SM branch ako sa makati.Pag-uwi ko sa bahay agad kong binalita kina nanay na sa makati na ako maassign natuwa naman na sila dahil 2 sakay lang mula sa bahay. Kaya habang naghahapunan kami magana akong kumain.
" Dahan-dahan naman anak baka mabulunan ka nyan." Saway ni nanay
" ang gana mo kumain nitong nakaraan.buntis ka ba?" Naku chi-chi sinasabi ko sayo!" Sabi ni lola dahilan para muntik ko na akong maduwal at matapon lahat ng kinain ko.
" ayan..ayan.!! Sabi ko sayo Terry buntis ang anak mo.!ayan oh naduduwal pa!!naku!" Dugtong ni lola at tuluyan na akong humagalpak sa tawa..
" La, relax lang paano ako mabubuntis eh walang namang bf tong apo nyo.." natatawa kong sabi
" eh yung si ano...ano nga ba pangalan ng hinayupak na yun? " tanong ni lola kay nanay
" Jared ho nay.jared.." sagot ni nanay hindi ko alam pero naaliw ako sa kanilang dalawa..
" ou yun nga..baka yun yung ama.." sabi ni lola na di mawala ang tingin sa akin na para bang naghihintay ng kasagutan..
" lola, malabo po mangyari yun.." sagot ko
" eh kailan ka ba mag-aasawa?sana mabigyan mo na kami ng apo.chi-chi" dugtong naman ni nanay
" bukas po.agad-agad"natatawa kong sabi hanggang sa tawanan nalang ang nangyari.
Habang nasa kwarto ako nakapa ko ulit sa uniform ko ang note.hindi mawala sa isip ko kung sino naglagay nun..baka naman may isang concern citizen lang na naglagay..ay ewan basta masaya ako kasi bukas ang first day ko sa makati branch..ang saya-saya!!
...........KINABUKASAN.......
" Nay!lola! Alis na po ako..kain nalang po kayo ha..punta daw sila ate mamaya dito daw matutulog.." sigaw ko kasi nasa kwarto pa sila maaga akong nagising kaya ako na nagluto ng kakaiinin nila.
" fighting anak" sigaw ni nanay natawa nalang ako nahawa na sa mga korean drama si nanay at lola eh.libangan nila
Pagpasok ko palang sa pixie pharmacy biglang may pasabog comfetti na ang ibang pharmacist.. At naglinya sa harap ko para magpakilala.
MADISON PEREZ- 1 year pa lang sa pharmacy 25 years old
CHRISTIAN AQUINO- 1Yr&2Mos. 26/ gay
KYLA MAGPANTAY- 1Yr /24YRS.OLD
NOLAN SABULAO- 1YR.&4MOS./25
JANINE AGUIRRE- 1YR & 3MOS. 23
"Welcome po ma'am" masigla nilang bati
" Thank you na overwhelmed naman ako dun.masaya ako na makilala kayo lahat." Masaya kong wika
Sinamahan naman ako nila madison at christian sa opisina ko ang ganda ng opisina ang sosyal.may isang set ng sofa , table, chandelier at bed sa isang room. Grabee ang sosyal..
" ganito din ba ang opisina ng dating manager?" Tanong ko habang iniikot ang kabuuan nito
"Yes, mam..wallpaper lang po ang binago." Sagot ni chris
" eh kayo? Saan ang quarters nyo?" Tanong ko.
" doon po ma'am " sagot ni maddy sabay turo n isang room."
Matapos akong iikot sa opisina inayos ko din ang gamit ko at lumabas para tulungan sila. Nakita kong bakante ang isang cashier.
" ako na muna maghahandle sa isang cashier ok lang ba?" paalam ko
All smile naman sila lahat.matapos ang nakakapagod na trabaho break muna kami habang wala pang costumer. Sumabay na ako maglunch sa kanila di ako sanay kumain mag-isa,madalas kasi si yumi ang kasabay ko mula ng magtrabaho ako sa pixie pharmacy.
" Buti ka pa ma'am sumasabay sa amin.yung dating manager namin ayaw ninya kaming kasabay , pasosyal masyado kakaimbyerna." Himutok ni chris habang nakapilantik pa ang mga daliri.
" ngayon ma'am bet na kita." Dugtong ni kyla habang nakangiti
" salamat sa inyo basta ba ayusin lang natin yung trabaho ha..walang lamangan at walang kompetisyon higit sa lahat walang inggitan." Pangaral ko na nakangiti sa kanila.
" kaw palang po ma'am ang nagsabi sa amin ng ganyan kaya asahan nyo po't magiging loyal kami sa inyo." Saad ni nolan with matching salute pa.
" salamat guys,yung lang naman ang gusto ko. Ibigay nyo sa akin ng buo ang tiwala nyo at ibibigay ko ng buo ang tiwala ko sa inyo. Pero wag nyo hayaan masira yun kasi mahihirapan na kayong ibalik yon.pramisss. " sabi ko saka tumayo at inilahad ko ang kamay ko sa kanila.
"Deal??" Wika ko,tumayo naman silang lima.
"Olah!bet ko to si ma'am" masayang sabi ni janine
" Deal!!fighting team GEM"! Sigaw nilang lahat sabay tawanan
" saan galing yung gem?" Takang tanong ko
" galing yun sa name mo ma'am diba ang amethyst isang gem.kaya yon agad naisip ko kanina." Paliwanag ni maddy
" Grabee girl ang talino mo.idol na kita bes" natatawang sabi ni christian.
Matapos ang lunch hindi na masyadong madami ang costumer kaya pumasok muna ako sa opisina para asikasuhin Ang inventory ng mga gamot. Ilang minuto lang ay may kumatok sa pinto.
" come in" utos ko
"Ma'am may pabulaklak po kayo." Sabi ni chris
"Huh?kanino daw galing?wala naman akong ineexpect." Takang wika ko
"Anonymous po eh," sabi nya sabay tingin sa note.
Tumayo ako para kunin yung bulaklak at isang box ng ferrero
"Thanks chris.akin na yung flowers pagsaluhan nyo ang chocolate." Utos ko
Tuwang-tuwa si chris na lumabas ng opisina habang nilagay ko naman sa vase ko ang flowers.. inferness ang bango.pero sino naman kaya ang taong to hindi naman ganito si jared kaya hindi pwede na siya yung nagpadala nito.
Wait iisa lang kaya ang nagbigay sa akin ng note at nagpadala ng bulaklak na to.? Whooaah! Oh boy!whoever you are thank you.pinapagaan mo ang loob ko.
Matapos ang trabaho sabay- sabay na kaming umuwi at kanya-kanyang paalamanan.. nakauwi na ako sa bahay ng madatnan ko pa si ate pero yung pamangkin kong cacai tulog na napagod ata sa trabaho.
" oh kumusta ang trabaho mo?balita ko nagpalipat ka ng branch." Tanong ni ate
"Opo ate,para maiba naman." Sagot ko
"Kumain ka na hindi ka na namin hinintay nagutom na din kasi kami eh.." dagdag pa ninya
Habang kumakain kwentohan lang kami ni ate.parang wala pa rin siyang pinagbago kahit may sariling pamilya na siya pati sa amin may oras pa rin siya para kumustahin kami.kaya mahal ko to eh..
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Romance11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...