Continuation
XIAN
Magkasama kami ngayon tatlo sa kwarto habang pareho naming pinagmamasdan ang natutulog naming anak
" Ganda" tawag ko
"Hemmn" sagot nya sabay lingon sa akin
" hindi ka ba nahirapan palakihin si zoe ng wala ako?" Tanong ko umayos sya ng pwesto at nakatagilid na siyang humarap sa akin habang nakatukod ang kanan nyang kamay sa ulo nya.
" hindi naman, siguro dahil kasama ko sila mama at lola sa bahay, pero emotionally? Nahirapan ako..mahirap dahil wala ka sa mga panahong kailangan kita.pero kinaya ko para kay zoe at sayo." Malungkot nyang sabi nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko at naawa din sa kanya
" Ganda, i'm sorry" paghingi ko ng sorry sa kanya
" ok lang..hindi mo naman kasalanan yun at mas lalong hindi mo ginusto yun" seryoso nyang sabi
" sino kasama mo sa delivery room? " tanong ko
" ako lang, bawal si mama sa loob eh,asawa lang dapat ang nandun. Alam mo bang limang oras akong naglabor? *sniff* Sobrang sakit nun at dumodoble *sniff* yung sakit sa tuwing iniisip kita. hinang-hina na ako sa pagpush noon sa kanya pero ayaw nyang lumabas para na akong baliw na kinakausap siya sa loob ng tyan ko. Then the doctor asked me kung kaya ko pa kasi i-CS nalang daw ako pero tumanggi ako." umiiyak nyang kwento hindi ko rin maiwasang hindi malungkot para sa asawa ko.
" tumanggi ako kasi alam kong kaya ko siyang ilabas.buti nalang sa huling push ko lumabas siya yung hirap at pagod ko nun napalitan ng saya ng marinig ko ang unang iyak ng anak ko.. " dagdag pa nya saka nagpunas ng luha
" I'm so proud of you babe, " saad ko at inabot ko ang noo nya para dampian ng halik.
" how about you? Paano kayo nagkakilala ng kelly na yun?" Pag-iiba nya ng usapan. Muntikan ko ng makalimutan si kelly at nung huli naming pagkikita.
" a year ago i guessed. nakilala ko siya sa isang bar sa korea kaya lang nabalitaan ko na wala na siya sa korea nasa pinas daw at sinundan ko sya dito ng magdecide si mommy na uuwi kami sa pinas. " sagot ko nakita ko namang biglang nagseryoso ang mukha nya
" ah so madalas na kayo magkita nun?" Tanong nya na para bang may pagseselos sa boses nya
" 2 times pa lang yung huli ay nung muntikan mo na siyang kaladkarin." Nakangiti kong sagot saka naman siya umupo
" mahal mo ba siya?" Seryoso nyang tanong
" no!." Mabilis kong sagot saka tumayo at naglakad papunta sa kanya
" halikan lang ba talaga ang nangyari sa inyo?" Maiyak-iyak nyang sabi
" yes..walang ibang nangyari at siya ang unang humalik nun hindi ako." Seryoso kong sagot sa kanya saka binuhat si zoe at nilagay sa crib para dun matulog.
" sinubukan kong magmahal noon sa korea o tanggapin ang pagmamahal ni kelly pero hindi ko kaya. Para bang may humahatak sa akin palayo sa mga babaeng nakakausap ko." Paliwanag ko at sinundan siya na bumaba sa hagdan wala pa rin siyang imik tahimik lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko
" G-ganda" tawag ko sa kanya na hinawakan siya sa kamay.
" are you upset?" Tanong ko seryoso pa rin ang mukha nyA
" what do you want to eat for dinner?" Seryoso nyang tanong saka tumingin sa kamay kong nakahawak pa rin sa kamay nya kaya binitawan ko siya bago pa man siya mag-apoy Ganda naman..wag ka ng magalit ikaw lang naman ang mahal ko eh. Bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan siyang papasok ng kitchen. Nagtungo sya sa may ref para kumuha ng lulutuin pero bago pa man nya mabuksan yun niyakap ko na siya agad sa likod.
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Romance11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...
