CHAPTER SEVENTY ONE

1.8K 44 8
                                    

Continuation

XIAN

Magtatanghali na pero wala pa rin akong natatanggap na tawag at text mula kay ganda hanggang sa napabalikwas ako ng mag beep  ang phone ko at mabilis itong dinampot.

From:  Ganda

Kasama ko si zoe ngayon baka sa hotel na muna kami tumuloy, uuwi ako kapag ready na akong kausapin ka.

Mabilis kong dinial ang number nya para tawagan ngunit naka off na ito. Kasalanan ito ni LORRAINE!! Galit kong bulong sa sarili at mabilis na lumabas ng opisina ko para puntahan si lorraine ng makarating ako sa labas ng pinto nya ay mabilis ko itong binuksan at lumapit sa kanya.

" you know what?!this is all your fault!!" Gigil kong duro sa kanya.

" Me?how? Ako lang ba talaga xian?!" Pang-iinis nyang tanong saka tumayo

" kung hindi ka bumalik!at kung hindi ka nagpasa ng mga video kay amethyst hindi mangyayari ito! at Hindi magagalit sa akin ang asawa ko!!" Pasigaw kong sabi sa kanya

"Bakit xian? Natatakot ka ba na mahulog ulit sa akin? Kung galit man si amethyst hindi lang yun dahil sa akin kundi dahil din sayo!! Mag-isip ka nga! At alam kong mahal mo pa ako dahil nararamdaman ko yun!" Sigaw nya na mabilis humarap sa akin dahilan para makita ko ang pangilid ng mga luha nya..

" wala akong pakialam sa nararamdaman mo!! Mula sa araw na ito itatak mo dyan sa kokote mo na hindi na kailanman babalik ang dating tayo!!!mahal ko si Amethyst at hindi na mababago yun ng kahit na sino MASKI IKAW!!!" Galit kong sabi sabi sa kanya para tuluyan na siyang humagul-gul

"No xian please!!don't say that!...  ano gusto mo gawin ko para bumalik ka lang!" Pakiusap nya habang hawak ang magkabilang kamay ko

" Nothing Lorraine!!dahil si Amethyst lang ang babae para sa akin at sana matanggap mo yun.ako na  nakikiusap sayo layuan mo na ako at ang pamilya ko" kalmado kong sabi sa kanya.

" kung sa tingin mo sa ganitong paraan mo ako mapapasuko nagkakamali ka..kung hindi ka naman lang mapupunta sa akin mas mabuting ng walang m___" putol nya saka bumalik sa upuan nya

" w-what do you mean lorraine??" Nagtataka kong tanong

"Leave!" Utos nya

"Ano plinaplano mo?" Dagdag ko

" i said leave!!!" Sigaw nya dahilan para lumabas ako ng opisina nya na puno ng katanungan sa huli nyang sinabi. Ano na naman ba ang plinaplano mo lorraine? Siguraduhin mo lang na hindi mapahamak ang mag-ina ko dahil sisiguraduhin kong kakalimutan ko ang pinagsamahan natin. Himutok ko sa sarili at tuluyan ng umalis para bumalik sa opisina ko.Gusto konv tawagan si nolan pero alam kong magagalit yun sa akin lalo na si yumi kapag malaman nila ang kalokohang ginawa ko kahit ang totoo wala naman talaga nangyari sa gabing yun.. i hate you lorraine for ruining my life!" Napasapo nalang ako sa mukha sa sobrang inis sa sarili ko.





-------------

AMETHYST

" Sa tuwing ba magkikita kita ay umiiyak ka?"

Sa kasagsagan ng pagmumuni-muni ko ay isang pamilyar na boses ang muling pumukaw sa akin dahilan para mapatingin ako sa kinaroroonan nya.

"B-bakla?" Gulat kong sabi bigla namang sumimangot ang mukha nya.

"Wow ha! Masyado ka ng namemersonal." irap nyang sabi

DAHIL SAYO ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon