KINABUKASAN
Nahuli na ako ng gising masama kasi ang pakiramdam ko pakiramdam ko lalagnatin ako ayoko mang bumangon pero kailangan dahil sa trabaho ko.
" oh anak akala ko di ka papasok.okay ka lang ba?" Tanong ng maganda kong ina.
" masama po pakiramdam ko ma,lalagnatin po ata ako." Malungkot kong sabi.
Hinipo naman ni mama ang noo ko para alamin kung may lagnat nga ako.
"Wag ka nalang kaya munang pumasok" wika nya
Sakto namang lumabas si lola at ate ng kwarto para sumabay sa pagkain
" masyado mo kasing pinapagod ang sarili mo this few days kaya ayan nabigla ang katawan mo." Sabat ni ate
"Mawawala din po ito mamaya,iinom naman po ako ng gamot eh." Sagot ko
Matapos kumain nagpaalam na ako sa kanila para pumasok sa trabaho, pagdating ko sa pharmacy nakita kong abala sila chris sa pag-oorganize ng mga gamot.
"Good morning." nakangiti kong bati sa kanila
"Good morning po madam" bati ni chris
" ok ka lang ma'am?ang putla nyo po kasi" tanong ni maddie
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko.baka maya-maya mawala na rin ito." Sagot ko
" magpahinga po muna kayo ma'am sa opisina tatawag nalang po kami kapag may problema." Si nolan
" oh sige katokin nyo ako kapag may problema ha.salamat sa inyo." Paalam ko sa kanila saka pumasok ako sa opisina ngunit bago ako magpahinga inayos ko muna ang financial report kahapon para maibigay ko sa main office.
Isang oras din bago ko natapos ang report naisip ko munang umidlip kahit minuto lang baka kasi dahil sa pagod lang ito. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ako nakatulog ang alam ko lang nagising ako sa sobrang init dahilan para pagpawisan ako ng bongga. Kaya lumabas ako ng opisina na pawisan.
" Hi" bati ko sa kanila habang inaayos ko ang nagusot kong damit
" oh ma'am!akala ko magpapahinga po kayo. Sa itsura mo po parang tumakbo kayo paroon at parito." Nakangiting sabi ni janine
" medyo ok na pakiramdam ko, pero parang sira ata ang aircon sa opisina ang init eh." Wika ko
" baka po nakatimer yun kaya na off." Sagot ni nolan.
"Baka nga," maikli kong sagot
Dahil nga sa pinagpawisan na ako medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Nang biglang may natanaw akong pagkain sa table nila.nagutom tuloy ako.
" ang dami namang food ito sino may birthday?" Tataka kong tanong sabay kagat ng pizza
" wala pong may bday mam,meron pong nagpadala yan dito hindi po sinabi kanino galing" si chris
" na naman?" Tangi kong sabi
" ito pa po mam para daw sa inyo" si maddie sabay abot ng isang inumin na hindi ko alam kun coffee o shake kaya tinikman ko muntik ko namang mailuwa dahil sa sama ng lasa
" Tea,hindi ako umiinom nito.kanino ba galing ito?" Tanong ko
"Sabi ni manong tanggapin nalang daw namin kasi baka mawalan po siya ng trabaho." Sagot ni chris
"Ganun?sige sa susunod na may magdeliver ulit let me know first.okay? " sabi ko
"Yes madam." Silang lahat.
Ang saya ng araw ko kapag kasama ko sila no dull moment pero di pa rin talaga mawala sa isip ko kung sinong nilalang ang nagpapadala sa akin ng kung ano-ano..haiissst..
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Romance11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...
