Continuation
LORRAINE
Gabi na ng makarating ako sa resort ni alexa at masaya naman akong sinalubong ni alexa
"Welcome besh!" Masigla nyang bati
" where are they?" Tanong ko
"Yun agad?di mo manlang ako kukumustahin?" Saad nya
" besh kunusta kana?ok na?so asan sila?" Mataray kong sabi
" ito naman masyadong aligaga..nasa rooftop sila girl." Nakangiting sabi nito
" infairness dyan kay xian ha..inutusan ang ilang staff ko para sa surprise date nila ng asawa nya.kakakilig" kinikilig nyang kwento nakaramdam ako ng inis sa mga kwento nya kaya wala akong imik na pumasok sa silid ko na katabi lang sa room nila xian nilapag ko sa kama ang mga gamit ko at naupo sa may coffee table na katabi ng bed ko at matatanaw mula sa bintana ang kagandahan ng resort
" So what's your plan?" Tanong ni alexa na siyang pumukaw sa akin tumingin lang ako sa kanya na para bang nag-iisip sa gagawin ko
" hindi ba pwedeng hayaan mo nalang sila besh?mukha namang masaya si xian eh" saad nya dahilan para taasan ko siya ng kilay kanina pa ito ha..kaibigan ko ba talaga ito nakakabanas na ha!" Inis kong bulong sa sarili
" at ako ano? Hahayaan ko sila maging masaya habang ako nganga?" Inis kong sabi sa kanya
"Kalma besh!eh sino ba kasi nang-iwan?" Usal nya kung hindi ko lang kaibigan ito kanina pa ito tinamaan sa akin.
"Saglit nga..kanino ka ba kampi ha?" Nakaismid kong tanong sa kanya
" sayo siyempre ang a___" diko na siya pinatapos sasabihin nya ng marahan ko siyang tinulak-tulak palabas..
" alis na!baka mamaya makonsensya pa ako sa mga sermon mo" taboy ko sa kanya
" oh sige..kung may kailangan ka nasa baba lang ako pwede mo din akong tawagan." Bilin nya habang nasa pinto na siya
Tumango lang ako bilang sagot sa mga sinabi nya..
Nang makaalis si alexa ay nahiga muna ako at muling pinanood ang video namin ni xian sa opisina. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin ka ulit xian bulong ko.
--------
XIAN
Magkasama kaming kumakain ni ganda,ang sarap pala ng ganitong pakiramdam na kami lang dalawa hindi ko maiwasang hindi siya titigan sa liwanag ng mukha nya..sobrang amo pa.
" wag ka ng kumain pangit..titigan mo lang ako mabubusog kana" seryoso nyang sabi habang naghihiwa ng steak nya
" bakit kasi ang ganda mo " saad ko dahilan para mapangiti siya
" ganda " tawag ko
" hemmn"sagot nya
" kamukha mo Inday" saad ko hindi ko alam kung bebenta sa kanya ang joke ko sana matawa o kiligin manlang siya.
" Sinong Inday ha? Don't tell me babae mo yun?" Seryoso nyang sabi dahilan para matawa ako..
" Sino si Inday?" Dagdag pa nya
" Inday will always love you " pakanta kong sabi umaasa na matawa siya pero biglang sumeryoso ang mukha at inabot ang kandila sa harap namin at marahang pumikit
"Hoy gandA!ano ginagawa mo?" Nagtataka kong sabi
" pinagdadasal ang namatay na isang joke" seryoso nyang sabi habang ako natawa sa naiisip ng babaeng ito.
" pinag-isipan ko pa naman ang joke na yun" nakasimangot kong sabi marahan nyang nilapit ang mukha nya sa akin at bahagyang tinaas ang baba ko
" hindi mo kailangan malungkot dahil masaya na akong nag-eeffort ka para mapasaya at mapatawa ako. I love it" saad nya at dinampian ako ng mabilis na halik dahilan para kiligin ang kalamnan ko at napahawak na lang ako sa pisngi ko.
" ang cute mo kung kiligin." Nakangiti nyang sabi
" kaw kasi eh.. balik na tayo sa room ganda" yaya ko
" ok sige..bukas nalang tayo maligo sa pool malamig na din kasi." Saad nya
Natapos ang gabi namin ni ganda ng masaya at sana lang wala ng mangyari na hindi naaayon sa kagustuhan ng distiny namin ni ganda..
A/n: salamat po ulit sa matiyagang paghihintaya.lablab ko kayo.😘
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Romantik11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...
