December 24,2015
Yumi's POV
" Good morning Yumi my love" bati ko sa sarili di pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi buseet na yun balak pa akong idamay sa pagpapakamatay nya!paaano nalang kung nabangga kami?paano ako? Paano yung family ko? Higit sa lahat ayokong mamatay ng Virgin pa noh! Saktong ibabato ko yung phone ko ng pumasok si mommy
" Sige itapon mo yan ng ikaw ang itapon ko sa labas" seryosong sabi ni mommy
"Ano na naman ba hinaing mo dyan?" Tanong nya at umupo sa gilid ng kama ko.
" Si nolan po kasi nakakainis!hindi nya ako gusto" malungkot kong sabi at tinakpan ang mukha ko ng unan
"Pero gusto mo siya?!" Tanong ni mommy
"O-opo" nauutal kong sagot ng bigla nya akong binatukan
" eh bakit mo nagustuhan!? Hoy yumi di kita pinalaki ng ganyan!dapat ikaw ang gusto" paninindigan ni mommy akala nya ako gustuhin eh dahil wala pa daw akong dinadalang lalake sa bahay..
" mommy naman..hindi naman kagandahan ang anak nyo.inexpect ko na yun" saad ko
"Eh parang sinabi mo ng hindi ako kagandahan nyan anak.wag ganun!" Pabirong sabi ni mommy
" you're the most beautiful mom in the world or the universe rather." Masigla kong sabi kay mama na nakataas pa ang dalawang kamay.
"Aysus! Oh sha bumaba kana mag grocery tayo para sa noche buena mamaya ." Bilin ni mommy.
Pagkatapos kong maghanda ay bumaba na ako para kumain ng magring ang phone ko. Si Mr. Sungit lang naman.
" bubuksan mo yung gate o pasasabugin ko ang buong bahay nyo." maawtoridad nyang utos sa kabilang linya sa takot na mawalan kami ng bahay lumabas na ako siyempre.
" ano namang trip mo ha.?" Tanong ko habang papalapit sa kanya
" there!" Turo nya sa likod ng kotse nyang nakabukas kaya pumunta naman ako sa kinaroroonan ng kotse nya at laking gulat ko nalang ang laman nun.
" ano ito? binili mo lahat ang tinda sa super market?" Gulat kong tanong habang nakapameywang
" binili ko lang kung anong posibleng ihanda sa noche buena" saad nya
" bakit?" Tanong ko
" sorry sa nangyari kagabi hindi ko intensyon na takutin ka" pagsososrry nya. May puso din pala ang mokong na ito.
" ok lang.pag ulitin mo pa yun ipapasampal kita sa lola ni amethyst!" Saad ko natawa naman siya sa sinabi ko sakto namang lumabas si daddy.
" hoy yumi!ano yan?sa kalsada ka nagpapaligaw?" Sigaw na tanong ni daddy
" Dad,hindi po siya nanliligaw hindi siya ang tipo ko," sagot ko
"Sino yan?" Tanong ni na papalapit sa akin
" ah ito po? "Turo ko kay nolan
" siya po yung inutusan ko mamili nitong grocery na gagamitin ni mommy mamamaya.napadami nga po.kaya pinapagalitan ko.nagsayang po ng pera eh." Sagot ko kay daddy at inismiran ko naman si nolan na para bang umuusok na ang ilong sa galit.
" ah ganun ba.salamat iho ha..naabala ka pa nitong anak ko." Pagsorry naman ni daddy na marahang pinalo yung balikat ni nolan.
" sige po dad,kami na po magdadala nyan." Saad ko at pumasok naman si daddy tiningnan ko si nolan na nakapikit at nakasandal sa kotse nya habang nakalagay naman ang mga kamay nya sa loob ng pantalon nito.ang perfect nya tuloy tingnan.
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Romance11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...