CHAPTER FOURTY NINE

1.9K 35 9
                                    

Continuation..

( a/n: at dahil may tatlong nagcomment na mag ud ako.kaya eto po para sa inyo.)

Amethyst

Nasa Chapel pa rin kami ni mommy hinihintay ko siya na magkaroon  ng lakas ng loob na magkwento at ng maramdaman kong handa na siya nagsimula na akong magtanong.

" bakit po parang hindi ako kilala ni xian kanina? Bakit ang laki ng pinagbago nya? Bakit..bakit hindi ko po kayo macontact pati si Nolan? Ano pong nangyari sa loob ng tatlong taon? " sunod-sunod kong tanong kay mommy habang pinipigilan kong di maiyak sa harap niya.

" I-i'm sorry anak..alam kong kulang yung sorry na yun kumpara sa hirap na pinagdaanan na wala ang asawa mo. Almost a year kami sa hospital nun september 9, 2016 naman siya nagising mula sa pagkakacoma. Alam mo bang muntik na akong sumuko nun,nawalan na ako ng pag-asa na magigising siya pero buti na lang isang araw ay bigla siyang nagising yun nga lang hindi nya kami maalala sa unang araw hanggang sa unti-unti na nya kaming maalala. Inakala namin na bumalik na yung memory nya pero hindi pala lahat." Naiiyak na paliwanag ni mommy.Nadala na rin ako sa kwento nya.

" sinubukan kong ipaalala ka sa kanya pero kahit ang pangalan mo ay di nya maalala, labis akong nalungkot dahil alam ko kung gaano nyo kamahal ang isa't isa bago ang aksidente. Pinakita ko yung kwentas na suot nya bago kami maaksidente pati yung wedding ring nyo pero wala pa rin siyang maalala. Sumasakit daw ang ulo nya sa tuwing pinipilit nyang alalahanin." Patuloy na kwento ni mommy

"P-pero..pero bakit hindi po kayo umuwi?" Umiiyak kong tanong kay mommy hinawakan nya ang kamay ko bago siya magsalita

" Hindi kami agad pinayagan ng doctor makauwi dahil kailangan pa nyang sumailalim sa mga test at nagkaroon din siya physical therapy hanggang paunti-unti siyang nakakalakad. Nang masiguro kong nakarecover na siya nagdecide akong umuwi dito sa pilipinas at pumayag naman siya" dagdag ni mommy

" Sinubukan kong puntahan ka pero nanaig yung hiya ko sa mga nangyari lalo na ngayon inisip ko na baka masaktan ka lang ni xian kapag ipakilala kita as his wife. Malaki ang pinagbago nya gusto nya lahat ng gusto nyang mangyari masusunod. Bugnutin na din siya,  madalas na din kinatatakutan na siya sa company nya. " naiiyak na kwento ni mommy.

" paano po ako mommy? Paano ang anak ko? Kung hindi nya kami maalala." Umiiyak kong sabi kay mommy at agad naman nya akong niyakap na mas lalong nagpahagulgul sa akin.ang hirap pala ng ganitong pakiramdam akala ko sa mga teleserye lang nangyayari ito pero ngayon nangyayari na rin sa amin. Kung kailan abot kamay na namin siya hindi naman nya kami maalala

" yun ang gusto kong ipakiusap sayo amethyst " saad ni mommy sabay hawi ng ilang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko.

" ano po ibig nyong sabihin?" Nagtataka kong tanong

" wag mong sukuan ang anak ko amethyst.kailangan ka nya ngayon kayo ng anak mo." Pakiusap ni mommy

" kahit kailan hindi po ako sumuko kay xian hindi ko siya susukuan. Mahal ko po ang asawa ko at hindi po nagbago yun" aniya ko kay na nakangiti na ngayon.

" Thank you amethyst..kapag madischarge na siya babalik ako ng korea para magkaroon kayo ng time" nakangiting sabi ni mommy

" wag nyo po munang banggitin kay xian ang tungkol sa amin ni baby zoe. Hayaan nyo pong ako ang magsabi sa kanya sa tamang panahon" pakiusap ko

" Zoe pala ang pangalan ng apo ko?" Maiyak-iyak na sabi ni mommy

" opo,  pwede nyo po siyang dalanwin kong kelan nyo po gusto pero mas mabuti pa po siguro kong bukas ko po kayo dumalaw sa bahay ako na po magbabantay kay xian bukas kasi duty naman po ako." Sagot ko kay mommy ng biglang..

DAHIL SAYO ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon