CHAPTER SIXTY ONE

1.6K 34 3
                                    

Continuation

AMETHYST

Ang bilis naman ng oras halos hindi ko mamalayang gabi na hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-uusap namin ni Lorraine kanina bakit ang pakiramdam ko nanghihina ako pagkatapos naming mag-usap. Nagulat ako ng biglang nagring ang phone ko at si xian ang tumatawag siguro nasa labas na siya para sunduin ako kaya inayos ko na ang table ko at lumabas ng lounge bago sagutin ang tawag ni xian.

" bakit ang tagal mong sagutin?!" Pasigaw nyang tanong dahilan para bahagya kong inilayo ang phone sa tenga ko.

" ganyan kana ba bumati ngayon?" Malungkot kong sabi parang pakiramdam ko gusto kong maiyak.

" s-sorry nainis lang ako..nasa labas na ako" sarkastiko nyang sabi inoff ko naman ito agad sa di kalayuan ay natanaw ko na si xian lumapit ako sa kanya at kiniss siya sa cheeks ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa sa loob ng kotse  Siguro nagsumbong sa kanya si lorraine.

" why did you do that?" Seryoso nyang tanong habang di nakatingin sa akin at tuloy lang sa pagmamaneho

" i didn't do anything " sagot ko na nakatingin sa labas ng bintana.

" come on amethyst! Hindi iiyak ng ganun yun kung wala kang ginawa! Ininsulto mo yung tao,pinagsalitaan mo pa ng masama,sinampal at minura mo pa siya!" Galit nyang sabi this is the first time na sinigawan nya ako dahilan para maiyak ako ng palihim habang nakatingin pa rin sa labas..

" yun ba ang sumbong nya sayo?" Tanong ko habang pigil ang pag-iyak

" bakit ka ba nakipagkita kita sa kanya? Para gawin ang mga bagay na yun?!" pasigaw nyang sabi.

" tingin mo magagawa ko yun? Ganun ba ang pagkakakilala mo sa akin?nakipagkita ako sa kanya para itanong ang kaugnayan nyo,dahil hindi mo naman naikwento sa akin na siya pala ang EX GIRLFRIEND mo! Yung ex mo na minahal mo ng limang taon at yung ex mo na muntik mo ng pakasalan!!" Umiiyak kong sabi dahilan para bigla nyang apakan ang brake ng kotse..

"Tapos ako? Ano nalang? Maghihintay na sabihin mong ex mo siya?tapos s-sorry na naman." Dagda ko

" G-Ganda i-i'm sorry " saad nya sabay hawak ng kamay ko at pinunasan ang luha ko.

" yun ang dahilan..k-kung bakit ako nakipagkita sa kanya..d-dahil nacurious ako sa closeness na meron kayo nung birthday ni zoe at nung mag-insist ka na ihatid siya kahit alam mong kailangan kita ng gabing yun!! pinili mo pa rin siyang makasama " Mariin kong sabi sabay sapo sa mukha ko ang mga kamay ko dahil sa hindi mapigil na pag-iyak

" g-ganda hindi ganun yun.." bawi nya

" ang sakit ng pakiramdam ko ngayon alam mo ba yun?dahil ok lang sayo na sigawan ako na hindi alam ang side ko. " umiiyak ko pa ring sabi.

" babe i'm sorry i really am..ano gusto mo?tell me gagawin ko.please.." pagpupumilit nya

" kunin na natin si zoe." Mahina kong sabi at patuloy lang siya sa pagmamaneho wala pa rin kaming imik sa loob ng kotse hanggang makarating kami sa bahay nila mama. Tulog si zoe ng kargahin ni xian at napansin din ni mama ang hindi namin papansinan namin ni xian.

" anak may away ba kayo?" Tanong ni mama pero hindi ko lang siya kinibo at yumakap ako kay mama

" sshhh..normal lang ito anak..alam kong pareho nyong malalampasan ito basta mag-usap lang kayo." Saad ni mama tumango lang ako bilang sagot sa sinabi ni mama at tuluyan ng nagpaalam.

Pagkadating namin sa bahay ay pinasok ko si zoe sa nursery room nya.

" G-ganda sorry na " saad ni xian sabay yakap sa likod ko

" bakit di mo sinabi sa akin?" Tanong ko

"Kasi baka magselos ka kapag sinabi kong ex ko siya." Sagot nya

" hindi ako magseselos kong sa simula palang alam ko ng ex mo siya.." saad ko

" nabigla din kasi ako sa pagdating nya nung birthday ni zoe kasama siya nila mommy sa condo." Sagot nya

" at alam lahat ng family mo at wala manlang isa sa kanila ang nagsabi sa akin?" Gulat kong tanong para humiwalay sa pagkakayakap sa kanya

" i'm sorry i told them na ako nalang ang magsasabi sayo..sorry ganda..promise di na mauulit" saad nya at sabay yakap dahilan para tumugon na din sa yakap nya.

" i'm sorry din kung nakipagkita ako sa kanya without your permission..pero pangit di ko siya ininsulto." Sagot ko.

"Sshhh i know babe..dahil kilala kita at hindi mo magagawa yun..and i want you to trust me..wala akong gagawin na ikakasira ng family natin " saad nya at bahagya ko siyang hinalikan sa labi

" I love you so much ganda" saad nya

" I love you too pangit.." sagot ko.

Pagkatapos naming mag-usap ay iniwan namin si zoe sa room nya at nagtungo na kami sa room namin.

" pangit " tawag ko

"Hemmn" sagot nya habang tinutulungan ko syang tanggalin ang necktie nya

" i saw jarred kaninang umaga with his son" sabi ko kita ko naman sa mukha nya ang pagkagulat

" nakaconfine ang anak nya " dagdag ko

" ikaw ang doctor nila?" Tanong nya

" yup,pero baka bukas madischarge na sila " sagot ko

" kumusta naman daw siya?" Tanong nya

" ok naman sila..pero si Jasmine ay wala na daw." Saad ko habang nagtatanggal ng hikaw ko

" what do you mean wala na?" Tanong nya ulit

" she's dead nagkaroon daw ng complication ang pagbubuntis nya" sagot ko nakita ko siyang natahimik bigla

"Oh bakit ka natahimik?" Tanong ko

" paano kong balikan ka nya ulit?" Malungkot nyang tanong

" ano ka ba,hindi na mangyayari yun may asawa at anak na ako..ipagpapalit ko pa ba kayo?" Nakangiti kong sabi

" promise?" Saad nya

" promise..ikaw lang ang huling lalakeng mamahalin ko" sagot ko

" at ikaw lang din ang huling babae na mamahalin ko ganda." Saad nya sabay dinampian nya ang labi ko ng matamis na halik mula sa lalakeng mahal ko at mahal ako...

Sana lageng ganito...masaya lang...

A/n: hindi ko alam kung hanggang kelan ang chapter na ito..😄 basta ienjoy nalang natin ito.😂 fighting! 하이탱! 😍😘

DAHIL SAYO ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon