December 5,2015 ( Saturday )
AMETHYST POV
Nagising ako sa liwanag ng araw na nagmumula sa bintana.umupo ako sa kama at nag-inat muna bago tumayo..ibaba ko na sana kamay ko pero nagulat ako sa presensya ni xian.kaya dahan-dahan ko nalang binaba ang mga kamay ko
" Good morning gorgeous, " bati ni xian na nakangiti agang-aga nang-iinis naman ata
" Good morning too handsome" nahihiya kong bati sa kanya
"Ang puti pala ng kili-kili mo ganda" natatawa nyang sabi agang-aga mang-asar ano kasi ginagawa nya sa gilid akala ko tuloy momo
" naman! Inborn yan!" Saad ko dahilan para matawa siya
" kumusta tulog mo?"tanong nya
"Ok naman..kinaya lang" tipid kong sagot
"Labas tayo babe ,magbihis ka na habang wala pa si mang berting" tugon nya
" oh sige!" Excited kong sagot saka pumasok agad sa banyo ng makita ko siyang palabas ng kwarto.
After 30 mins lumabas na ako ng kwarto wearing a white pants and yellow blouse. Saktong paglabas ko may kausap siyang delivery boy at pinermahan nya ito.
" what's that?" Nagtataka kong tanong.ang laki kasi ng box
" i think ito na yung gown na susuutin mo" saad nya sabay abot sa akin kaya kinuha ko naman para buksan.
" gown?parA sa akin?galing kanino?" Sunod-sunod kong tanong
" naalala mo yung friend ko na sinabi ko sayo?" Tanong nya tumango lang ako bilang sagot sa tanong nya
" galing sa kanila yan ikakasal kasi sila bukas at invited tayo.yan daw ang suot ng mga brides maid." Paliwanag nya
"Ganun?biglaan naman,sabay tayo ha" tugon ko
" yun nga babe,di tayo magsasabay kasi aattend ako ng meeting bago pumunta ng church magkita nalang tayo dun..ipapasundo kita kay mang berting para ihatid sa church.." saad nya..kainis naman bakit kailangan ako lang mag-isa.
"Ehhh..nakakahiya paano kong di ka dumating?" Malungkot kong tanong sa kanya
" hindi mangyayari yon.dadating ako pangako..basta kailangan mong pumunta dahil hindi kumpleto ang brides maid kong wala ka" aniya habang tinitingnan nya ako na nagbubukas ng box at sobrang naamazed sa ganda ng gown.
" you like it?"tanong nyA
" yes..ang ganda..alam mo ba isa ito sa mga design na gusto ko kapag ikasal ako.simple but elegant" saad ko habang nakaharap sa salamin at kunyaring sinuaukat..
" you look like a princess babe" saad nya sabay hawak sa kamay ko at dinampian nya ng halik ang ibabaw ng palad ko
" Thank you" sagot at bahagya kong tinaas ang mukha nya para dampian na halik ang noo nya.matapos kunyari sinukat yung gown binalik ko ito sa box at saktong dumating si mang berting inalalayan niya si xian na makasakay ng van.
" saan tayo pupunta?" Tanong ko
" sa tukon church kung saan dun gaganapin ang wedding ng friend ko" sagot nya
"Bakit natin kailangan pumunta dun eh hindi naman tayo ang ikakasal." Usal ko
" wala lang,gusto kong makita mo yun baka magustuhan mo at maisipan mong dun tayo ikasal" paliwanag nya nginitian ko lang at isinandal ang ulo ko sa kanya habang nasa biyahe
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Romance11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...
