September 12,2018
AMETHYST
Nagising ako ng maaga para makipag-usap kina mama at lola. Nadatnan kong tulog pa si zoe sa crib nya na nasa tabi ng bed ko. Habang tulog pa si Zoe ay dumiretso na muna ako sa banyo para maligo.
Matapos ang isang oras na preparation ay bumaba na muna ako habang tulog pa si zoe 9 pa naman ang pasok at 6:30 pa lang ng umaga.
" Oh ang aga mo naman ata ngayon anak." Saad ni mama
" maaga lang po nagising pero mamayang 9 pa po ang pasok ko" sagot ko at umupo sa table na nakaharap kay lola
" may problema ba apo?bakit parang di ka mapakali?" Tanong ni lola
" Ka-kasi p-po " hindi ko masabi-sabi sa kanila ang tungkol nag dadalawang isip pa ako kung sasaBihin ko dahil nga may tampo si kay xian
" ano?" Ulit ni lola pareho silang nakatitig sa akin at naghihintay ng sagot.
" Si..si xian po bumalik na..pero..pero nasa hospital po siya ngayon." Kinakabahan kong sabi sa kanila
"Talaga?kailan pa?" Gulat na tanong ni mama
" 1 month na po" sagot ko
" ano?? 1 month na pero di manlang naisipang dumalaw sa inyong mag-ina dito? " bulalas ni lola
" yun nga po ang problema, may amnesia po si xian at tanging ang ala-ala lang namin ang nabura sa memorya nya." Malungkot kong sabi
" siyam na buwan po siyang na coma.sumailalim sa iba't - ibang test pati therapy para makalakad siya.at ng makita ni mommy na nakarecover na siya nagdecide si mommy na umuwi na dito. Kaya lang 2 weeks ago na aksidente naman siya dahil sa pag-akyat ng bundok." Paliwanag ko.
" Jusmiyo naman! Napakamalapit pala sa aksidente ang batang yan" saad ni lola
" kailan siya dadalaw dito. ? Ano plano mo?" Tanong ni mama
" sinabi ko kay mommy na wag nya banggitin kay xian ang tungkol sa amin ni zoe. Ako nalang po ang bahala magsabi " aniya ko na may bahagi ng puso ko na unti-unting nadudurog dahil sa nangyayari sa buhay namin. Hanggang maramdaman kong nakayakap na sila mama sa akin
" kaya mo yan anak..anuman ang mangyari kasama mo kami" saad ni mama
" ipasampal mo nga sya sa akin apo baka maalala ka na niya" aniya ni lola habang minamasahe ang mga palad nya.Natawa nalang ako sa tinuran ni lola.
Matapos ang usapan namin umakyat na ako sa taas para ibaba si zoe gising na din ito ng datnan ko.
" hey..good morning baby." Nakangiti kong bati kay zoe at dinampian siya ng kiss sa lips.
" mowl..ning ..mam" putol-putol na bati ng baby ko saka binuhat siya at iniwan ko kay mama.
" bye ma,bye lola and baby" paalam ko sa kanila
" mag-ingat ka anak ha,may bagyo pa naman sa sabado" bilin ni mama
" super typhoon daw eh" dugtong ni lola
" gusto nyo po bang sa hotel na muna kayo matulog ngayon?" Saad ko
" wag na..uuwi ka naman bukas diba?at saka pupunta dito mamaya ang ate at kuya mo." Wika ni mama
"Tatawag po ako mamaya, baka po dumalaw si mommy para makita si zoe,kayo na po bahala sa kanya ma"
sabi ko at tumango naman sila bilang tugon sa sinabi ko saka ako nagpaalam sa kanila at exactly 9 ay nakarating na ako ng hospital. Pagkatapos kong mag log in diretso ako sa pedia lounge para ilagay ang mga gamit ko. Nagulat ako ng biglang may nagbukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO ( Complete )
Roman d'amour11/15/2018 #1-chatserye 07/20/2019 #2- chatserye tayo sa rankings..yohooo!isang mahigpit na yakap para sa inyo Tunghayan ang kakaibang pagmamahalan ng dalawang nilalang ?at alamin kung sila nga ba'y tinadhana ngunit di pinagtagpo o pinagtagpo ngun...
