Unang araw niyang mag sisimulang mag aral dito sa Gremory Elementary School at hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan, palinga-linga siyang nag lakad pa punta sa room niya hanggang sa makarating siya doon.
"Aaah! Ano ba!"
Kamuntikan na akong masubsob sa pintuan ng room namin kung hindi ko lang na itukod ang dalawalang kamay ko sa pintuan.
"Ano ka ba brother? Masyado ka namang kabado"
Kung hindi lang masamang manakit kanina pa sana ito bumulagta sa kina tatayuan nito.
Napa buntong hiningang tiningnan ko ito
At tinangal ang kamay nito sa balikat ko."Kuya pwede mo naman akong tawagin maririnig naman kita kahit sa kabilang bundok ka pa"
Nilagay namin ang mga gamit namin sa napili naming upuan at hinila na ka agad ako nito sa labas at sa kaka-hila nito sakin hindi ko sinasadyang mabanga ang batang kasabay naming mag lakad.
Agad akong humingi ng sorry dito at tinulungan ito sa pag kuha ng mga gamit nito at ng makita ko ito ay parang huminto ang paligid at parang may banda sa dibdib ko.
Naka tulala lang ako dito hangang sa umalis ito sa harapan ko.
"Huy! Na pano ka dyan! Wala na si miss beautiful"
Parang na tauhan ako at naramdaman kong namula ang mukha ko ng tuksuhin pa ako ni kuya Hendry dahil sa pagka tulala.
Hinila na ako nito sa gate kung saan nag hihintay si nanay Ely.
"Nay!"
Tinakbo na namin ni kuya Hendry ang gate at yumakap dito.
"Nanay pagalitan mo na yan si Justine"
Napa tingin naman ako kay kuya na naka ngisi at napa simangot ng sabihin nito iyon mabuti na lang at pina tahimik ito ni nanay.
"Hendry tuma himik ka muna"
Agad namang tumahimik si kuya at parehas na kaming nakinig kay nanay.
"Justine kailangan niyo lagi mag sabay ng kuya mo dahil hindi natin alam kung may mag tatangka na namang kuhanin ka"
Napa yuko na lang ako at humingi ng sorry dito.
"Huwag kayong mag alala nay lagi akong na sa tabi ni Justine"
Inakbayan ako ni kuya at ginulo ang buhok ko.
"Tandaan mo ang mga bilin ko at ng mommy mo Justine ikaw din Hendry walang pwedeng maka alam na ikaw ang anak ng mag asawang Williams"
"Opo nay"
Sabi ko na lang at ngumiti dito
"Cge na at baka ma late pa kayo"
Tinakbo na namin ni kuya ang room namin pero hindi pa rin ma alis sakin ang mangamba dahil baka ma kidnap na naman ako sa pangatlong pag kakataon.
BINABASA MO ANG
Love me (Gxg)
RomanceLoving her is a mistake, a sin. Pero anong magagawa niya kung sa unang pag kikita pa lang niya dito parang na magnet na ang mga mata niya dito? Isa si Justine sa mga estudyanteng nahuhumaling kay Chloe. Pero ma pag biro ang tadhana dahil ni hindi ma...