Justine pov
Habang nag lalakad pa uwi ay may ngata-ngata akong chocolate ice cream, hindi ko kasabay umuwi si kuya ngayon dahil may practice ito kasama si ryan dahil malapit na ang laban nito sa 4th year students.
*Beep! Beep!*
Napa lingon ako ng may bumusina sakin at ng makita kung sino yun ay agad na sinubo ko yung ice cream ko bago tumakbo dito.
"Mum!?"
Niyakap ko ito ng mahigpit na agad namang sinuklian nito ng higpit ng yakap nito.
"Kamusta ang baby ko?"
Inilayo ako nito at tiningnan ako nan laki pa ang mga mata nito ng makita ang pasa ko sa pisnge.
"Anong nangyari sayo?! Sino ang may gawa nito sayo?"
Hinaplos nito ang mukha ko at ng mapa tingin ito sa bonnet na suot ko ay agad na tinanggal nito iyon huli na ng mahabol ko ang kamay nito.
"Oh my god! What happened to you Justine?!"
"Mum I'm okay"
Parang imbestigador itong tiningnan ang katawan ko at ng itaas nito ang damit ko ay dito na ito umiyak agad ko itong niyakap.
"Mum pls don't cry, I really hate it when I see you crying"
Pinunasan ko ang luha nito bago inakay sa kotse.
"Kuya kala nanay po"
"I'm going to tell this to your father Justine and I'm not going to hide this one"
Umayos ito ng upo at inayos ang sarili, ng maka rating sa bahay ay agad na hinanap nito si nanay selly.
"Mum pls don't do this, nanay doesn't know about this"
Agad naman itong kumalma at tinignan ako bago nag salita ulit.
"Your going home with me"
"But mum I want to stay here"
"And that's final, you can't change my decision Justine"
Tumango na lang ako dito.
"I understand mum, but can I stay here till kuya Hendry's game? I promise I'll go with you"
Napa buntong hininga ito at tumango.
Nakita ko si nanay na pumasok ng bahay agad na nag pa alam ako na sa kwarto na lang ako, ayaw kong makitang malungkot si nanay pag nalaman nito ang desisyon ni mummy.--------
Inayos ko ang mga gulay na inani ko para ma ibenta sa bayan ni tatay at binuhat na iyon papunta ng bahay, nag linis na rin ako ng bakuran at inilagay na sa trycycle ang mga inani ko para mamaya ay aalis na lang kami ni tatay.
Ng matapos sa gawain ay pumasok na ako sa loob kamuntikan pa akong umatras ng makita kung sino ang bisita namin sa sala na bini - bigyan ni nanay ng juice.
"Justine"
"Harujuskong bata ka! Ang tigas talaga ng ulo mo diba sabi ko sayo si tatay mo na lang ang mag aani ng mga gulay?"
Pinunasan ni nanay ang pawis ko at inayos ang buhok ko bago nilagyan ng bimpong hawak nito ang likod ko halos mamula ako sa kinakatayuan ko ng makita ang reaksyon ng bisita namin.
"Nay naman hindi na ako bata"
"Hindi ka na nga bata pero ang tigas pa rin ng ulo mo, hala mag bihis ka dun at asikasuhin mo tong bisita mo"
Agad namang sumunod ako dito at nag palit lang ng damit ko saka bumaba upang kausapin si Chloe.
"Anong ginagawa mo dito?"
Agad na tanong ko dito.
"Bakit hindi ka pumapasok?"
"Pumapasok ako baka hindi mo lang napapansin"
Sabi ko dito at tumingin dito.
"Iniiwasan mo ba ako Justine?"
Umiling ako dito at tumayo na.
"Hatid na kita sa inyo mag gagabi na"
Wala na itong nagawa ng nag lakad na ako palabas ng bahay at kinuha ko ang bike ko sa bodega at pinunasan ang angkasan na upuan nun.
"Nay hatid ko lang si Chloe ah babalik ako agad"
"O sige mag ingat kang bata ka ha"
Pina angkas ko na si Chloe sa likod ko at nag umpisa ng mag pedal.
"Humawak ka sa damit ko baka mahulog ka dyan"
Hindi ito sumunod sakin at nag kibit balikat lang ako dito.
Ng may madaanan kaming bako ay bigla itong napayakap sakin na ikinapula ng mukha ko at sigurado akong mahihiya ang kamatis sa mukha ko ngayon, naramdaman ko pang hinimas nito ang tyan ko na ikina singhap pa nito.
"Ang lambot"
"Ahhmm, p-pwede bang tig-tigilan mo yung t-tyan ko?"
Hindi ito sumagot pero yumakap lang ito sakin narinig ko pa itong sininghot ang damit ko na lalong ikinapula ko.
Minadale ko na lang ang pag pepedal ko hanggang sa marating na namin ang bayan at tinanong ko dito kung saan ito naka tira na agad naman nitong itinuro sakin.
Huminto kami sa napa kalaking bahay na magara at bumitaw na rin sa wakas si Chloe sakin."Salamat sa pag hatid"
Tumango ako dito
"Ahmm, Chloe bakit ka pumunta sa bahay namin? Wala naman dun si kuya Hendry nasa school pa yun ngayon"
"Wala lang sige"
Agad na pumasok na ito sa bahay nila at ako naman ay nag madaling umuwi para matulungan si tatay sa pag benta ng mga gulay.
BINABASA MO ANG
Love me (Gxg)
RomanceLoving her is a mistake, a sin. Pero anong magagawa niya kung sa unang pag kikita pa lang niya dito parang na magnet na ang mga mata niya dito? Isa si Justine sa mga estudyanteng nahuhumaling kay Chloe. Pero ma pag biro ang tadhana dahil ni hindi ma...