Chapter 4

8.8K 310 8
                                    

Justine pov

"Ano na girl? Tagumpay ba?"

"Tssk, ako pa ba? Syempre kailangan ko siyang i-close no para maka kuha ng information sa kuya Hendry niya"

"Buti na lang napag tiisan mo yung pag mumukha nung weird na nerd na yun"

"Well tiis lang naman ang ginawa ko para lang kay Hendry at tsaka may gusto yun sakin since elementary pa lang, lagi ko kaya yung nahuhuling naka tingin sakin ang creepy niya lang gosh and I'm not a lesbo"

Parang sinaksak ng sampung katana ang puso ko ng marinig ang mga pinag uusapan ng isang grupo sa garden ng school kung saan mag babasa sana ako ng mga notes ko.

Narinig ko pang nagtawanan ang mga kaibigan nito bago ako umalis.

Alam ko namang may gusto ito kay kuya Hendry pero masakit pa rin ang marinig lahat ng sinabi nito sakin.

Nag lakad na ako pa puntang gym kung saan naroon si kuya at Ryan na nag lalaro ng tennis pero naka salubong ko sila James mga kaibigan ni Chloe

"Akala mo siguro tinantanan ka na namin ano? Hahaha asa ka pa!"

"As if naman magugustuhan ka ni Chloe sa panget mong yan!"

Nagtawan sila at mas minabuti ko na lang na wag na silang pansinin at pa alis na sana ng ibalya ako ni James sa locker ko naramdaman ko na lang na kumirot ang ulo ko ng tumama iyon sa matalas na parte ng lagayan ng padlock.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos nerd"

Agad na napa baling ang mukha ko ng sampalin ako nito, tumalsik ang salamin ko at nalasan ko na ang dugo sa bunganga ko.

"Tssk! Wala ka talagang kwentang kalaro, guys ma le-late na tayo sa next class natin"

Bago pa ako iwan ng mga ito ay binigyan nila ako ng suntok sa sikmura bago ikinalat ang mga gamit ko sa sahig.

Napa buntong hininga na lang ako at nag umpisa ng pulutin ang mga gamit ko, pinunasan ko ang dugo sa labi ko at sa leeg ko ng maramdamang may malapot na likido na nasa leeg ko.

Hindi na lang siguro ako papasok ngayon dahil sa itsura ko ngayon, wala pa naman akong dalang damit at hindi rin ako pwedeng mag pakita kay kuya Hendry ng ganito baka sumugod yun sa dance squad ng school.

Nakita ko ang salamin ko na hati na sa dalawa at basag rin ang lente nun kaya itinapon ko na lang iyon.

Nilagay ko na lang ulit ang mga libro ko sa locker at nag lakad papuntang clinic.

Dito na rin ako dumaan sa likod para walang maka kita sakin na estudyante.

Love me (Gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon