Naka tulala lang ako habang pinag mamasdan ang queen bee ng eskwelahan dito sa gremory elem. School, napaka ganda nito at hindi ko alam kung bakit lagi na lang ako na tu-tulala kapag nakikita ko ito. Nabitin lang ang pag de-day dream ko ng tabihan ako ni kuya Hendry."WaSup! Brother!"
Napa iling na lang ako dito at tinangal ang kamay nito sa balikat ko.
"Kuya stop calling me brother"
Asar na sabi ko dito, tumawa lang ito at ini-lapag sa harap ko ang isang chocolate cake sa harap ko.
"Basta your my brother hahaha, here you can eat this hindi naman ako mahilig sa chocolates"
Malawak ang ngiting nilingon ko ito sabay kain ng bigay nito.
Nag paalam na itong pupunta na ng gym para sa practice nito ng tennis.Nag mamadali akong nag lakad papunta ng room ko ng may ma bangga ako, agad na humingi ako dito ng pasensya at agad na pinulot ang mga librong nahulog.
"Ayos ka lang ba?"
Na estatwa ako sa pag kuha ng isang libro ng marinig ang boses nito hindi maka paniwalang tinignan ko ito na nag patulala sakin.
"I-i-I'm sorry ulit"
Wala sa huwisyong sabi ko dito, ngumiti lang ito sakin at umalis na.
Di maka paniwalang sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiko na ito papuntang library."Wow!"
Kinikilig na inayos ko ang malaking salamin na halos sakupin ang kalahati ng mukha ko sa sobrang laki.
Hindi maitago ang saya ko habang nag lalakad pa punta sa locker ko ng biglang may tumabig sa kamay ko nag kalat ang mga dala kong libro na ilalagay ko sana sa locker ko.
"Bat parang ang saya mo ngayon payatot?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya kaya
Tinulak-tulak ako ni James sa balikat at sinipa naman ni Andrei ang isang libro ko na sinundan ko ng tingin kung saan napunta.Napa igik ako sa sakit ng sikmuraan ako ni James, napahawak ako sa tiyan ko dahil hindi ako maka hinga.
Tumawa pa silang dalawa at hinablot ang salamin ko kukunin ko na sana iyon ng patirin ako ni Andrei naramdaman kong may sumipa sa binti ko at ng pag angat ko ng tingin naka ngisi lang sila sakin sabay tapak sa salamin ko.
"Ang boring mo talagang payatot ka"
Kinuha ko na ang mga libro ko ng maramdaman kong umalis na silang dalawa.
Tiningnan ko ang tuhod ko na nagasgas at pa ika-ikang nag lakad sa locker ko at nilagay ang mga libro ko.
"Patay na naman ako nito kay nanay"
Bulong ko ng tingnan ko ang ibabang labi ko na nakagat ko ng patirin ako ni Andrei.
Tumingin ako sa paligid at napa buntong hininga ng malamang walang mga estudyante ang naroon baka isumbong nanaman nila kay kuya ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Love me (Gxg)
RomanceLoving her is a mistake, a sin. Pero anong magagawa niya kung sa unang pag kikita pa lang niya dito parang na magnet na ang mga mata niya dito? Isa si Justine sa mga estudyanteng nahuhumaling kay Chloe. Pero ma pag biro ang tadhana dahil ni hindi ma...