Part 2

22K 316 9
                                    


"HELLO, people!" maingay na bungad ni Roel sa kusina ng restaurant.

"Oh, crap!" bulalas ni Charlie. Dahil sa tila kulog na boses ng pinsan ay bigla niyang naibuhos ang isang sauce sa kaserolang nakasalang.

Napasipol si Roel. "Sorry."

"Sorry-in mong mukha mo!" angil niya. "Hindi ka ba puwedeng pumasok dito nang hindi nanggugulat? Look at what you did." Itinuro niya ang putaheng ineeksperimento. "Malapit ko na sanang ma-perfect kung hindi mo lang sinira ang diskarte ko ngayon."

He was Charlie Valencia. Isang chef at ngayon ay nagmamay-ari ng isang restaurant na masasabi niyang sikat din naman. Kung si Vicente na bata pa lang ay kinakitaan na ng talento sa pagkanta, siya ay hindi. Walang mag-aakala sa angkan ng mga Valencia na kahihiligan niya ang pagluluto at mamahalin iyon. Well actually, his love for cooking started from a challenge. Labinlimang taong gulang siya noon nang kumain silang magpipinsan sa isang restaurant. Hindi niya nagustuhan ang lasa ng pagkain. Sinabi niya noon na kayang-kaya niyang magluto ng mas masarap kaysa roon. Dahil wala naman siyang alam sa kusina, hinamon siya ng mga alaskador niyang pinsan. Magluto raw siya at kapag nakapagluto nga siya ng mas masarap ay bibigyan siya ng mga ito ng tig-iisang buy-that-wish. Puwede niyang ipabili ang ano mang bagay na gusto niya gaano man kamahal iyon.

Nahamon si Charlie at na-excite. Nagsimula siyang mag-aral kung paano magluto. Unfortunately—to cut a long story short—talo siya dahil hindi masarap ang iniluto niya. Nagkandapaso-paso pa naman siya noon. Fortunately, hindi nawala ang drive niyang matuto. Para iyong agila na lumilipad sa loob ng dibdib niya at nagnanais na makawala. Kaya naman animo laging dinaanan ng bagyo ang kusina nila. Then, every summer, he enrolled in a culinary school. Kitchen became his most favorite place. He realized he loved the craft. Hanggang sa magtuloy-tuloy na ang passion niya sa pagluluto. All of his hard work paid off. Natuto siya at naging magaling sa larangang iyon. 'Yours is an innate talent, we just honed it.' Iyon ang sabi noon sa kanya ng instructor niya. Inborn daw ang husay niya sa pagluluto.

"'Sus, ikaw naman. Malay ko bang nerbiyoso ka na ngayon. Sorry na. If I know, nakasulat na sa journal mo ang step-by-step procedure niyan, ang mga ingredients, at ang mga sukat ng bawat sangkap. Kilala kita."

Kinuha ni Charlie ang kaserola at itinaktak ang laman niyon sa waste bin. Tama naman ang kanyang pinsan na naisulat na niya sa kanyang journal ang lahat ng tungkol sa bago niyang putahe na ihahain exclusively sa kanyang restaurant.

Si Roel ay kumuha ng high stool at naupo roon. Siya naman ay kumuha ng malamig na tubig at uminom. Mayamaya ay inasikaso na niya ang paglilinis ng kusina. Alas-onse na ng gabi. Sarado na ang restaurant niya. Ang lahat ng empleyado ay nakauwi na maliban sa guwardiya at sa kanya. Naroon siya dahil kinokompleto pa ang bagong set ng menu na balak niyang i-launch next year.

Nilingon niya si Roel. Nakita niyang inaamoy-amoy nito ang isang putaheng nasa mesa. Lihim siyang natawa. Huwag kang magkakamali na tikman 'yan, Roel, aniya sa isip. Puwede niya itong bigyan ng babala pero napangisi na lang siya sa kalokohang naisip.

"Kailan ka mag-aasawa?" naitanong ni Charlie.

Tumaas ang isang kilay ni Roel. "Bakit mo naman naitanong iyan?"

"Well, mas matanda ka kaysa kina Enteng at Cedrick pero hindi ka pa rin nag-aasawa." Tatlong taon pa lang ang nakararaan mula nang permanenteng umuwi si Roel sa Pilipinas. Isang architect ang pinsan niya at sa California nakabase ang firm nito. Noong nakaraang taon ay ipinasya ni Roel na ilipat na ang main office sa Pilipinas bagaman tumatakbo pa rin ang kompanyang nasa California.

Nagkibit-balikat si Roel. "Kapag nakita ko na siya."

"Who?"

"I don't know who. Ang puso ko ang magsasabi kung siya na ang hinihintay ko. I'm sure my heart will know. Kapag dumating na siya, I'll pursue her, no questions asked."

Napangiti si Charlie sa sinasabi ng pinsan. Hindi na siya nagugulat na nagsasalita ng ganoon si Roel. Roel was romantic and sentimental. Walang broken marriage sa pamilya nila. Lahat ay successful. Iyon ay dahil puso ang nagde-decide kung sino ang gusto nilang makasama habang-buhay. Tulad niya, puso rin ang pagaganahin niya. And once his heart found the one, he'll pursue her no matter what.

"Hmm, in that case, sino kaya sa ating dalawa ang susunod kay Cedrick?"

"Hindi natin masasabi. Hindi tayo puwedeng magsalita nang tapos. For all we know, love finds a way."

And he couldn't agree more. 

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon