Part 33

8.2K 193 5
                                    


"NO! HUWAG! Parang awa mo na, huwag mong gawin ito sa akin! Maawa ka! Maawa ka! Ano'ng kasalanan ko sa 'yo? Please... please maawa ka. Huwag! Nooo! Mommy! Daddy! Tulong, tulungan ninyo ako. Tulong! Mommy! Daddy! Tulungan n'yo ako!" Nanginginig ang katawan na tili ni Guinevere. Subalit ang lahat ng iyon ay nasa isip lamang niya. Hindi niya mailabas ang kanyang tinig dahil sa telang nakabusal sa bibig niya. Ang mga kamay at paa niya ay nakatali. At ang mga mata ay nakapiring. Habang may lalaking nagsasamantala sa kanya.

Hindi niya kilala kung sino ito. Kagagaling lamang niya sa school, pagkatapos ay dumeretso siya sa isang mall para bumili ng ilang school supplies. Alam ng kanyang mga magulang ang tungkol sa pagpunta niya sa mall dahil nagpaalam siya. Pauwi na siya at inaantabayanan ang sundo na ipinadala ng mama niya. Ang pagkakamali niya ay bahagya siyang lumayo sa karamihan. Walang ano-ano ay may tumigil na van sa harap niya at bago pa siya makapag-react ay nasunggaban na siya at naisakay roon. Duda siya kung may nakakita dahil napakabilis ng pangyayari. Nawalan siya ng malay dahil sa pampatulog na ipinaamoy sa kanya. Nang magising siya ay nakatali na siya, nakapiring, at may busal sa bibig. At ngayon ay naglalakbay na sa katawan niya ang palad at mga labi ng demonyong kumuha sa kanya. Hindi siya makasigaw. Hindi niya maipagtanggol man lang ang sarili. She was so helpless. Wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak nang umiyak habang sa loob ng isang umaandar na van ay ninanakaw ang kanyang dangal.

"Nooo!"

"Ate... Ate, gising! Ate?"

Nagmulat si Guinevere ng mga mata. "Ate. Ate, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Clara. She was in a state of shock. Nang bumalik sa isip niya ang napanaginipan ay nanginig na ang kanyang katawan. Hindi siya aware na basang-basa na ang mukha niya ng mga luha. She was actually crying in her sleep.

"Ate? Okay ka lang ba?"

Tiningnan ni Guinevere si Clara. Without even thinking, she pushed her.

"Ate?!" gulat na wika ni Clara sa ginawa niya. Nagising siya. Hindi rin siya makapaniwala sa ginawang pagtulak dito.

Kinabig niya ang bata at niyakap nang mahigpit. "C-Clara... I'm sorry!" she cried.

"Ate, nanaginip ka ba? Masama ba ang napanaginipan mo?" puno ng pag-aalalang tanong nito.

Kinagat ni Guinevere ang kanyang labi. Hindi lamang iyon basta masamang panaginip. Isa iyong bangungot. Bangungot na dulot ng multo ng kahapon. "B-binangungot ako. A... A-akala ko, totoo." Naglandas sa mga pisngi niya ang maiinit na luha. Kung sana ay isang masamang panaginip nga lang iyon. Subalit ang masakit na katotohanan ay totoo iyon dahil iyon mismo ang pinagdaanan niya. She was kidnapped and raped inside a running van.

Justice was served immediately. Hindi kalayuan sa pinagbagsakan sa kanya ay nahulog ang van sa isang malalim na bangin. Naging malaking balita iyon. Nagliyab pa ang van kaya naman sunog na bangkay na lang ang na-recover. Ang alam lang niya ay hindi taga-Iloilo ang nang-rape sa kanya, pati na ang driver ng van. Hindi na niya tinangkang kumuha pa ng mga impormasyon.

"Hush, Ate. Panaginip lang iyon, bangungot. Nagising ako dahil pabiling-biling ka. Akala ko, hindi ka lang makatulog. Natakot na ako nang makita kong basa na ang mukha mo sa luha. You were biting your lip so hard. Panaginip lang iyon, Ate."

Alam ni Guinevere na nagpapakatatag lang si Clara para sa kanya. Ito man ay natatakot dahil noon lamang siya nasaksihan ng bata na ganoon kamiserable.

Kung hindi pa nito binanggit ang kanyang labi ay hindi pa niya mararamdaman ang hapdi roon. Hindi na siya magugulat kung nagsugat iyon.

"Just forget it, Ate. Please, huwag ka nang umiyak."

Forget it? Nagawa niya. Ngunit sa maikling panahon lamang. Sinira ng insidenteng iyon ang buhay niya. Guinevere was devastated and ruined. Walang nagawa ang mga magulang niya noon kundi dalhin siya sa isang dalubhasang doktor na makakatulong sa kanya para pansamantalang malimutan ang pangyayari sa tulong ng hypnosis. Tinatawag iyong Post-hypnotic amnesia. So a doctor hypnotized her into forgetting the incident. Tagumpay ang hypnosis ngunit may nag-trigger sa isip niya para bumalik ang alaala niya noon.


Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon