Part 27

8.8K 220 7
                                    


NAUPO si Charlie sa sofa. Ang mga mata niya ay nakapako kay Guinevere habang tinutungo nito ang pinto. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Nabuksan na niya sa dalaga ang kanyang damdamin. Natakot siyang baka hindi maganda ang maging pagtanggap nito. Thank God, all went well. Bagaman hindi nakaligtas sa kanya ang pag-aalinlangan nito. There was something she was holding back. Nakita niya ang pagsungaw ng takot sa mga mata nito. Pero para saan ang takot na iyon?

"Tita Andie, Clara," ani Gwen nang mabuksan na nito ang pinto.

Nakita ni Charlie ang isang may-edad na babae at isang batang babae na sa tingin niya ay nasa dose hanggang katorse ang edad. Maganda ang bata at malaki ang hawig kay Gwen. "Pasok po muna kayo."

"Naku, hindi na. Hinihintay na ako ng tito mo sa kotse. Ikumusta ko na lang daw siya sa—" Natigilan ang ginang nang mapansin siya. Nagtatanong ang mga mata na tumingin ito kay Gwen.

He acknowledged their presence. Tumayo siya at bahagyang nagyuko ng ulo.

"Kaya ko kayo pinapapasok, Tita, para makilala ninyo si Charlie."

Pumasok nga ang dalawa. "Pamilyar ba siya sa inyo, Tita? Pinsan siya ni Kuya Brandon."

"Oh! Kaya pala pamilyar nga sa akin."

"Kumusta po kayo? Charlie Valencia po," aniya bago nagmano sa ginang. The old woman was pleased. "Manliligaw po ako ni Gwen." Sinulyapan niya ang dalaga. Halata ang pagkabigla sa mukha ni Guinevere. Ang matanda ay nangiti. Habang si Clara ay nanlaki ang mga mata. "Hello, Clara. It's nice meeting you."

"Ganoon din ako, Mr. Valencia."

Kinalabit ni Clara ang ate nito bago ngumiti nang makahulugan. Natatawang inilagay naman ni Gwen ang isang daliri sa nakatikom na mga labi na para bang pinatatahimik ang kapatid sa ano mang sekreto na mayroon ang dalawa.

"Mr. Valencia? Puwede bang Kuya Charlie na lang?"

Ngumiti si Clara. Surely, this little lady would be the envy of many when she grows up. Men would surely admire her and swoon over her. Katulad ng kung paano siya nabighani sa ate nito. "Sure."

"O siya, ako ay hindi na magtatagal at naghihintay sa 'baba ang tito mo." Bumaling ang ginang sa kanya. "Charlie, ikinagagalak kong makilala ka."

"Ganoon din po ako." Siya na ang nag-asiste sa ginang palabas. "Ladies, gusto ninyo ng pizza?" aniya sa magkapatid na nagbubulungan. Humahagikgik si Clara. Marahil ay tinutukso nito ang kapatid.

"See, Ate? Narinig mo 'yong sinabi ni Kuya Charlie? 'Sabi niya, 'ladies.' Sabi ko naman sa 'yo, eh. I'm already a lady."

"Ten ka pa lang, Clara, hello?"

Oh, sampung taon pa lang pala ito. Naisip ni Charlie na malaking bulas si Clara sa edad nito. Mas matanda si Gwen nang fifteen years. Pang-ilan kaya ito sa magkakapatid? "So? Gusto ninyo ng pizza?" Tumango ang mga ito. Inilabas niya ang kanyang cell phone para magpa-deliver.

"Magpapalit muna ako ng damit. Maiwan muna kita, Kuya Charlie. Oh, but wait, sigurado ka bang gusto mong ligawan 'yan?" Inginuso ni Clara ang kapatid. "Baka napapasubo ka. She's a lunatic, you know."

"Clara!" reklamo naman ni Guinevere.

Napangiti na lang siya sa pagkukulitan ng magkapatid. Masasabi niyang sobrang lapit ng mga ito sa isa't isa.

"I'm going to do you a favor, Ate. Bibilhan ko bukas ng helmet si Kuya Charlie," dagdag pa nito.

"Helmet?" clueless niyang tanong.

"Helmet. Para maprotektahan ang ulo mo. That way, mauntog ka man, hindi ka naman magigising sa katotohanan na lunatic talaga ang ate ko," anito bago mabilis na tinakbo ang silid.

He just burst into laughter. "I love your sister, Gwen. Magkakasundo kami. Lunatic ka pala?" nakangising wika niya sa dalaga na sinagot naman nito ng irap. Then he just pulled her into his arms and hugged her lovingly.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon