Part 34

8.1K 200 2
                                    


"HINDI ka pa raw niya mahaharap ngayon," ani Clara na ikinalaglag ng balikat ni Charlie. Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Guinevere kahapon. Aminado si Charlie na siya ang may pagkakamali, hinayaan na naman niyang mangibabaw ang selos at pag-angkin dito. Hindi na siya nadala sa unang beses na nangyari iyon. He tried calling Guinevere yesterday pero hindi ito sumasagot kahit sa text. Bumalik din agad siya para makipag-ayos sa dalaga pero hindi siya hinaharap ni Guinevere. Umuwi siyang lulugo-lugo. Pakiramdam niya ay pasan-pasan niya ang buong daigdig sa kanyang mga balikat. Hindi siya mapalagay. Mabigat ang loob niya sa hindi nila pagkakaunawaan ng dalaga. Kinaumagahan ay pinuntahan uli niya ang dalaga pero ayaw siyang harapin. Ngayong pahapon na ay ayaw pa rin. Nakakaramdam na siya ng matinding frustration.

"Okay lang ba siya?"

"Sabi niya, kapag nagtanong ka, sabihin ko daw na 'oo,'" matabang na sagot ni Clara.

Oh, crap! Pati yata si Clara ay galit na rin sa kanya. Tila pinipilit na lang nitong maging civil sa kanya.

Marahas na napabuntong-hininga si Charlie. Sinulyapan niya ang silid na kinaroroonan ni Guinevere. Kung puwede lang na ipagpilitan niya ang sarili para makapasok doon ay ginawa na niya. Subalit alam niyang hindi iyon makabubuti.

"Ano'ng ginawa mo sa kapatid ko, Kuya Charlie?" tanong ni Clara na marahil ay hindi na nakatiis. "Nagkaganyan lang siya mula kahapon. 'Tapos ngayon, ayaw ka niyang makita. What did you do?" Hindi maipagkakaila ang protectiveness ni Clara para sa ate nito na animo hindi papayag na masaktan si Gwen.

"May hindi lang kami pinagkaintindihan. But I promise you, aayusin ko ito. It's my fault and I am very sorry. Gayunman, alam mo naman siguro na hindi ko sasadyain na saktan ang ate mo, 'di ba? Alam mong mahal ko siya. Mahal na mahal. Aayusin ko 'to."

"Then please make it soon. Kung ano man ang pinag-awayan ninyo, siguradong dinaramdam niya iyon dahil hindi ko siya mapakain."

"Ano?" Noon na tuluyang pumuno ang pag-aalala sa dibdib ni Charlie. Hindi siya makahinga na para bang may pumipisil sa puso niya.

"Hindi siya kumain kagabi at hindi pa rin siya kumakain buong araw ngayon. Tatawagan na sana—"

Hindi na pinatapos ni Charlie si Clara. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang silid. Magagalit sa kanya si Gwen dahil sa pagpasok niya roon pero wala na siyang pakialam. Mamamatay siya sa pag-aalala rito. Pinihit niya ang seradura. Salamat na lang at bukas dahil kung hindi ay sisirain talaga niya ang pinto. "Gwen?" Wala sa silid ang dalaga. Binalingan niya si Clara na nakasunod sa kanya. "Nasaan ang ate mo?"

Hindi na niya kailangan ng sagot ni Clara dahil narinig na niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Tutunguhin na sana niya ang banyo nang pigilin siya ni Clara sa braso niya. "Hindi ka puwede diyan! Nagsha-shower si Ate."

He sighed. He was being impatient. May kinuha siya sa kanyang bulsa at ipinakita kay Clara. "Intensiyon kong pakasalan ang kapatid mo, okay? So you have nothing to worry about," wika niya na bahagyang hininaan ang boses. Isang marriage proposal sa loob ng banyo? Hindi magandang ideya. But it was quite unique at hindi na siya makapaghihintay pa para pagplanuhan ang proposal niya. He just loved her so much.

Nanlaki ang mga mata ni Clara sa singsing na ipinakita niya. Clara grinned afterwards. "Okay. Pero sorry, Kuya Charlie, hindi ka pa rin puwede diyan." Hinila na siya ng bata palabas.

"Pero—"

"I'll tell you when she's dressed."

Naiikot ni Charlie ang kanyang mga mata. Wala na siyang nagawa kundi sumunod kay Clara. Okay, so, hindi na bathroom proposal ang mangyayari.


Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon