Part 43

9.4K 223 0
                                    

"ATE?" TAWAG-pansin ni Clara.

"Ha?" ani Guinevere.

"'Sabi ko, nagugutom na ako. Puwede bang kumain na muna tayo?"

"Ah... Sig—" Hindi na natapos ni Guinevere ang sasabihin dahil hinila na siya ni Clara papasok sa isang restaurant. Nasa mall sila para bumili ng ilang pasalubong. Nagdesisyon kasi sila ni Clara na babalik na sila sa Iloilo. Mamayang gabi na ang biyahe nila.

Sumulyap siya sa suot na wristwatch. Twenty hours, five minutes... Iyon ang eksaktong oras ng paghihiwalay nila ni Charlie mula kahapon. Bukas ang cell phone niya pero walang text o missed call man lang mula rito. Hindi siya tinatangkang kontakin ng binata. Wala rin siyang naririnig na ano man mula kay Febe o kahit na kaninong Valencia.

Nalulungkot at nasasaktan si Guinevere. Pero hindi siya nagagalit sa binata. Alam niyang kailangan nito ng oras para pag-isipang mabuti ang lahat. He needed time to reassess himself, his love for her. Iyon nga lang, alam niyang lumalabo ang bukas para sa kanila. Charlie Valencia came from the perfect family. He had the perfect background. Hindi niya masisisi ang binata kung sa huli ay magdesisyon ito na hindi pala kayang i-involve ang sarili sa isang babaeng may anak na. Sana lang ay magkaroon si Charlie ng sapat na tapang para humarap sa kanya at sabihin ang desisyon nito. Hindi iyong pakiramdam niya ay nakabitin ang kanyang buhay.

Pero paano nga ba kapag dumating ang kinatatakutan niya? What if Charlie really wanted out of their relationship? God! She could not bear the thought. Ngayon pa nga lang na wala pang beinte-kuwatro oras niya itong hindi nakikita o naririnig ang boses ay grabeng pangungulila na ang nadarama niya. She missed him so badly. Halos hindi siya makahinga. Her heart was aching. If worst comes to worse, magagawa kaya niyang lumimot? Magagawa kaya niyang mabuhay? Dahil pakiramdam niya ay lumalabo ang bukas at dumidilim ang mundo ngayong wala sa tabi niya ang binata. Parang napakalungkot ng paligid at—

"Ate...?" anang tinig ni Clara pati na ang tunog na nilikha ng pagpitik ng daliri sa hangin ang nagpabalik sa naglalakbay niyang isip.

"I-I'm sorry. May iniisip lang ako. Ano uli ang sinasabi mo?"

"Sabi ko, um-order ka na. Naka-order na ako ng sa akin."

Iminuwestra ni Clara ang waiter na nasa gilid nito. Hindi niya napansin ang paglapit ng waiter. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang menu.

Nagtaas siya ng mukha nang makapili. "I'll have Lemon Chicken—" Natigilan siya. Tila pamilyar sa kanya ang waiter. Doon din lang nag-sink in sa isip niya na ang restaurant na kinaroroonan nila ay ang restaurant na kinainan nila ni Antonio. Nanlamig siya. "I-ikaw ang nag-abot sa akin ng note noong isang araw," wala sa sariling wika niya.

"Anong note, Ate?" tanong ni Clara.

"A-ah... yes, Ma'am, naalala ko po," anang waiter bago ito bahagyang yumuko, pagkatapos ay ngumiti na animo humihingi ng pasensiya. "I'm sorry about that, Ma'am. Nagkamali po ako, hindi pala para sa inyo iyong note."

Kumabog ang dibdib ni Guinevere. Nagkamali? Hindi iyon para sa kanya? "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Ang instruksiyon po kasi sa akin ay ibigay ang note sa babaeng nasa labas ng restaurant na nakadamit ng kulay-blue."

"Blue? I'm wearing a lavender dress."

"Ahm, medyo color blind po kasi ako. Dalawang babae ang nakita kong nakakulay-asul na damit. Middle aged woman ang isa. Ipinagpalagay ko na lang na para sa inyo iyong note kasi, hmm, ka-age mo lang 'yong nagpapabigay na babae. Nalaman ko po agad na nagkamali ako kasi sinita agad ako n'ong babae na nagpaabot. 'Tapos nakita ko po na medyo nagkaroon na yata ng tensiyon sa pagitan ng kasama ninyo at ni Chef Charlie kaya nahiya na akong lumapit sa inyo," paliwanag nito. "Pasensiya na po."

Napatango na lang si Guinevere. At the same time, gumaan din ang dibdib niya. Isang pagkakamali na nagkaroon ng sunod-sunod na reaksiyon: anxiety, fear... and her confession.

Kung ganoon, walang ibang nakakaalam ng sekreto? Kunsabagay, nagbibilang naman na ng oras ang sekreto niya dahil sisiguruhin niyang hindi iyon mananatiling sekreto. Clara deserved the truth.

"Chef Charlie? Kilala mo si Charlie?" Silly question. Sikat nga pala ang binata. Kinumpirma iyon ng sagot ng waiter. Sinabi na niya ang order at nagmadali nang umalis ang waiter pagkatapos humingi uli ng pasensiya.

"I'm clueless!" Clara exclaimed.

Ngumiti lang si Guinevere bago humabi ng ibang kuwento.

"Hi, ladies!"

Sabay silang napalingon ni Clara sa tinig na iyon. "R-Roel, hi! Come and join us," aniya. Naipakilala na siya ni Charlie kay Roel. Nalaman din niya mula kay Clara na ipinasyal pala ito ni Roel noong araw na bumili si Charlie ng singsing.

"Kuya Roel!" bati ni Clara na halata ang tuwa. "This is why you called me and asked where we were? Pupuntahan mo kami?"

Oh, hindi alam ni Guinevere na tumawag si Roel kay Clara. Kunsabagay, kanina pa nga pala siya wala sa sarili.

Roel kissed their cheeks and flashed his gorgeous smile. Naging maagap ang waiter sa pagdadagdag ng isa pang upuan para sa binata. Naupo si Roel. "Well, napag-utusan kasi ako ni Kuya Charlie na ako muna ang bahala kay Clara hanggang sa makarating dito si Ate Febe."

Kumabog ang dibdib ni Guinevere. The name Charlie registered like lightning. Ano ang ibig sabihin ni Roel? "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Ngumiti si Roel. "Kuya Charlie is waiting for you."

Napanganga si Guinevere. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang magtanong ngunit hindi niya mahagilap ang tinig. Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. At nakakasilip siya ng pag-asa.

"Naghihintay na sa labas ng mall ang kotse ni Kuya Charlie."

"Go, Ate. Ano pa ang hinihintay mo? Huwag mo akong alalahanin. Narito si Kuya Roel," ani Clara.

Hindi na nakapagsalita o nakapagpaalam man lang si Guinevere kay Clara. Dali-dali na siyang tumayo at malalaki ang hakbang na umalis. Hanggang sa hindi na siya makontento sa malalaking hakbang. Hinubad na niya ang suot na high-heeled shoes at binitbit iyon bago tinakbo ang palabas ng mall. Ang tibok ng puso niya ay nakikipag-unahan na sa bilis ng kanyang mga paa. A tear fell but she managed to smile at the same time. She had not lost Charlie. Alam niya, ramdam niyang may bukas na naghihintay para sa kanila ng binata.

Oh, God! I'm so nice, am I not? Kaya ngayon ay pinasasaya N'yo ako nang ganito? Well, thank You, so much! Thank You for giving me my happiness. My love.


Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon