Part 13

9.9K 248 5
                                    


CHARLIE stared at the ceiling of his log house. Napakabilis ng pangyayari. Sa unang beses na nakita niya si Guinevere ay tila tinangay na agad ng ipuipo ang damdamin niya. Ngayon ay wala na siyang pagpipilian kundi kilalanin ang damdaming nabuhay at pumuno sa puso niya. He fell in love with her at first sight. Mahal niya ito.

Inilabas niya ang kanyang cell phone at pinuntahan ang gallery niyon. Hinanap niya ang picture nito at nang makita ay tinitigan iyon.

Ganoon nga pala minsan ang pag-ibig, walang pinipiling oras o pagkakataon. Bigla na lang umaatake, bigla na lang namamahay sa puso. Ni hindi siya nagkaroon ng development o denial stage. Malinaw agad sa kanya na mahal niya ang dalaga. The feeling was so overwhelming. Ang totoo ay nakakadama siya ng takot sa damdaming iyon. It was so strong, so powerful. Dahil sa maikling oras lamang ay nakadama na agad siya ng possessiveness para sa dalaga. Gusto niyang laging hawakan ang kamay ng dalaga at laging nakadikit dito. Naroon din sa dibdib niya ang matinding urge na hagkan ito at gawing kanya. Hell yeah, the thought of making love with her was in his head. He wanted to make her his... forever.

Naulinigan ni Charlie ang pagdating ng helicopter. Mabilis niyang hinagilap ang T-shirt at isinuot iyon. Lumabas siya ng cabin at sumakay sa kabayo niya. Dumating na sina Connor, Sean, Jacob, at ang iba pa nilang mga pinsan na sasama sa medical mission bukas. Pagkalipas ng ilang araw ay babalik din ang mga ito sa California. Well, who knows, baka may magpaiwan na rin at dito na uli bumase sa Pilipinas katulad nila.

"GWEN?"

Napaigtad si Guinevere sa tinig na iyon ni Charlie, kasabay ng isang katok. Sinulyapan niya ang wall clock. Alas-onse na ng gabi.

"Bukas pa ang ilaw mo. Gising ka pa ba?"

"Ah, oo, nagbabasa-basa pa kasi ako," tugon niya habang tinutungo ang pinto. Pagbukas niya ay sumilay ang nakangiting mukha ng binata. "Hey, can I have a minute of your time? Hmm... dumating na kasi iyong iba naming pinsan at kinukulit ako na makilala ka kaagad. I told them, titingnan ko kung gising ka pa. At nakita ko nga na bukas pa ang ilaw mo, so... uhm... Puwede ba?"

"Ha? Ah... Eh..." Bigla siyang na-conscious. Agad-agad ipakikilala siya sa mga— Natigilan siya, paano, paglampas ng tingin niya sa likod ng binata ay nakita niya ang paparating na grupo. Nanuyo yata bigla ang lalamunan niya.

Umungol si Charlie nang lingunin ang mga pinsan. "Excited, guys?" The girls just giggled. Ang mga lalaki naman ay nakangiti. Muling tumingin sa kanya si Charlie. "Sorry about that."

"O-okay lang." Binalingan ni Guinevere ang mga pinsan ni Charlie. Nang tuluyang makalapit ang mga ito at mabistahan niyang maigi ang mga hitsura ay lihim na napapalatak na lang siya. May lalaking Valencia kaya na hindi guwapo at may babaeng Valencia kaya na hindi kaakit-akit? She silently asked herself. Tumikhim siya. "H-hi, guys. Ako si Guinevere. Third cousin ako ni Ate Febe. I'm a volunteer in the medical mission tomorrow."

"Jillian here. It's nice to meet you, Gwen. Welcome to the family," nakangiting wika ng isa. Hinagkan siya at niyakap.

"Err, sorry kung naistorbo ka namin. We're just so excited to meet you. I mean, after Ate Angela said that Kuya Charlie here is smitten with you, we couldn't help but—"

"Megan, bukas na ang daldal," singit ng isa pang dalaga. "Hi, Ate Gwen. I know it's super-duper late na kaya mamadaliin na namin ang pagpapakilala then bukas o after the mission na lang tayo mag-bonding. So, this is Megan. These three guys here are Connor, Sean, and Jacob. And oh, I'm Adrienne.

Isa-isa siyang niyakap at hinagkan ng mga ito. Pagkatapos muling sabihin na welcome to the family ay umalis na rin naman ang grupo. Nao-overwhelm siya sa presensiya ng magpipinsan.

"Sorry about that," ani Charlie nang tuluyang manahimik sa pasilyo.

"Wala iyon. Uhm... pasok na uli ako sa loob..."

Charlie chuckled nervously. Tila hindi nito alam kung ano ang sasabihin. "Okay. Goodnight."

"'Night," sagot ni Guinevere. Subalit lumipas ang ilang sandali na hindi tumitinag sa pagkakatayo ang binata. Nakatitig lamang ito sa kanya. Bahagyang tinaasan niya ng kilay ang binata.

"Eh..." Nahagod nito ang batok.

"May kailangan ka pa ba?"

"Yeah. This."

Hindi siya nakahuma nang mabilis na dampian ni Charlie ng halik ang mga labi niya bago ito tuluyang umalis. Dampi lang naman iyon pero sapat na para mawala siya sa sarili. Nahabol na lang niya ng tingin ang binata, kapagkuwan ay wala sa sariling napahiga siya sa kama habang hawak ang mga labing dinampian ng halik ng binata.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon