Part 11

10K 257 12
                                    


ILANG minuto lang at nasa bukana na ng grand villa sina Charlie at Guinevere. Nakita ni Guinevere sina Angela, Febe, Brandon, at Marko sa veranda na marahil ay inaantabayanan ang pagdating nila. Kumaway ang mga ito sa kanya. Gumanti rin siya ng kaway at ngiti.

Naunang makababa si Charlie ng kabayo nito. Bahagyang tinapik ng binata ang pisngi ng kabayo bago malalaki ang hakbang na tinungo ang kinaroroonan niya.

"Let me help you," anito nang maabutan siyang bumababa ng kabayo.

Bago pa makasagot si Guinevere ay nasa magkabilang baywang na niya ang mga palad nito at buong lakas na iniangat siya mula sa kabayo. Para hindi siya ma-out of balance ay awtomatikong ipinatong niya ang magkabilang kamay sa mga balikat nito para kumuha roon ng suporta. By doing so, napalapit sa mukha nito ang punong-dibdib niya. Naramdaman niya ang tila pagsamyo ng binata sa katawan niya. Imahinasyon lang ba niya iyon? But goodness, he smelled her for so long it was as if he was filling his lungs with her scent. Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat ng binata. Tension seized her body. Nakatayo na siya sa mga paa niya pero hindi pa inaalis ni Charlie ang mga kamay nito sa magkabila niyang baywang. At magkaharap pa rin sila na halos ilang dangkal lamang ang layo ng kanilang mga katawan sa isa't isa. Charlie looked as if he was in a trance. Nakatitig lamang ito sa kanya.

Sa sulok ng mga mata ni Guinevere ay nakita niya ang mga pinsan ni Charlie na nag-aabang sa kanila. Namula ang buong mukha niya. Sigurado siyang nakita ng mga ito ang moment na iyon sa pagitan nila ni Charlie.

Agad siyang nakalayo sa binata. "Thank you."

Tumango ito. Kung siya ay namumula ang mukha, ito ay tila walang pakialam kung nakita man ng mga pinsan nito ang pangyayaring iyon. Sa gulat pa niya ay nakuha nitong alalayan siya sa lower back niya at iginiya papunta sa villa.

"C-Charlie..." naiilang niyang wika. Ang kamay nito sa lower back niya ay nagpapawala sa kanya sa katinuan. The heat from his palm was surging through her body. Ano na lang ang sasabihin ng Ate Febe niya at ng mga pinsan nito?

Sinulyapan lang siya ni Charlie, at nginitian! Halos matisod si Guinevere dahil sa ngiting iyon. Why, it was a sexy, devilish grin.

"Gwen, welcome again to our haven. It's so good to see you again," ani Angela. Makahulugan ang ngiti nito, ganoon din ang mga mata. Sa katunayan ay hindi lamang si Angela ang may ganoong tingin at ngiti kundi lahat ng nasa harap niya.

Isa-isa siyang niyakap at hinagkan sa pisngi ng mga ito.

"It's unfair," wika ni Charlie.

Kunot-noong napatingin ang lahat sa binata.

"Unfair..." muling bulong nito. Lahat sila ay naguluhan doon. Mayamaya ay natawa sina Brandon at Marko. Hanggang sa ang tawa ng mga ito ay nauwi sa mataginting na halakhak.

"Hello? Ano'ng meron, guys? Care to share?" ani Febe.

Tumikhim si Brandon. "Well, I think, Charlie said it was 'unfair' because he didn't get any hug or kiss from Gwen earlier."

Sabay-sabayna napa-"ohh!" ang mga ito. Lalong namula ang mukha ni Guinevere dahil doon.Iniwasan niyang sulyapan si Charlie dahil baka kung ano pa ang mabasa niya saekspresyon nito.    

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon