Part 21

8.8K 226 0
                                    


HATINGGABI nang maalimpungatan si Guinevere dahil sa haplos sa kanyang pisngi. Dala ng takot ay napatili siya. Pero hindi nakawala ang tili niya dahil maagap na natakpan ang kanyang bibig. Then a familiar scent filled her senses.

Charlie...

"Sshh, huwag kang matakot, Gwen. Ako ito, si Charlie. Huwag kang matakot. Hindi kita sasaktan. I'll never do that," anito bago tinanggal ang palad na nakatakip sa bibig niya.

"Charlie," aniya bago naupo at sumandal sa headboard ng kama. Inabot niya ang lampshade para buksan iyon pero pinigilan siya ng binata. Sinanay ni Guinevere ang kanyang mga mata sa dilim. Unti-unti ay naaninag na niya ang profile ng binata. Nakaupo ito sa gilid ng kama. "What's wrong with you, Charlie? Anong oras na? Bakit narito ka sa silid ko? Ini-lock ko ang pinto bago ako natulog."

"Alam ko kung saan nakalagay ang master keys kaya ako nakapasok dito. I'm sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko."

"Kahit na iyo pa ang bahay na ito, kahit na alam mo kung nasaan ang master keys, hindi ka dapat pumapasok sa kuwarto ng may kuwarto. At least, magkaroon man lang ng kahit kaunting privacy ang guest nin—" Natigilan si Guinevere nang malanghap ang amoy ng alcohol. "Lasing ka? Charlie, seriously, tinatakot mo ako." Oo, bumibilis ang tibok ng puso niya pero hindi siya natatakot. Ang totoo, bukod sa pagbilis ng tibok ng puso niya ay halos hindi na rin siya makahinga. Because Charlie was in her room, in the middle of the night, and heat was radiating between them.

"No, no, please. Huwag kang matakot, Gwen. Nakainom lang ako pero hindi ako lasing. Trust me, okay?"

"Bakit ka narito?"

"I want to be with you. Gusto kong hagkan ka, gusto kong—"

"Damn it, Charlie! Ano'ng tingin mo sa akin? An easy lay?!" mahina ngunit mariin niyang putol. Bagaman wala iyong gaanong kumbiksiyon. Maging siya ay hindi kumbinsido sa sinabi niya. Dahil ang totoo ay gusto rin niyang makapiling ang binata. Gusto rin niyang mahagkan ito. Gusto niyang mapaloob sa mga bisig nito.

"Hindi! Siyempre, hindi. Jesus!"

"Kung ganoon ay lumabas ka na."

"Ano?"

"Narinig mo ang sinabi ko. Lumabas ka na bago pa may makaalam na narito ka sa silid ko."

"The hell I care!" Tumayo si Charlie at nakapamaywang na tinungo ang pintong nagkokonekta sa terrace. Hindi nito binuksan ang sliding glass door sa halip ay hinawi lamang ang makapal na kurtina. Agad pumasok ang liwanag sa silid niya. It was a full moon. Noon niya napagtuunan ang hitsura ng binata. Nakasuot pala ito ng pajama at isang sando. He was barefoot and he was just so sexy, so male.

"What's gotten into you, ha?"

"You!"

"Me? B-bakit ako? Ano'ng ginawa ko—" Napasinghap si Guinevere nang hubarin ni Charlie ang sando nito. The moon was so good at him dahil lalong pinatingkad ng liwanag ng buwan ang kakisigan nito. Oh, hell! Yeah, Charlie was so sexy. Hindi naman pala ito payat. He was just toned. In fact, malinaw niyang nababanaag ang mga guhit ng abs nito. Napalunok siya. Her pulse was suddenly racing. Tila nagpa-palpitate siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso. The look in his eyes made her breathing ragged. "W-what... what are you doing?"

"'Yong Antonio na kausap mo kanina, boyfriend mo ba 'yon?"

"What? Seriously, ano'ng—" Siya na rin ang natigilan nang tila kidlat na tamaan siya ng isang realisasyon. Nagseselos si Charlie! Sa pagkakatanda niya ay nag-iba ang mood ng binata pagkatapos niyang manggaling sa comfort room. Noon niya nakita si Antonio. At posibleng nakita siya ni Charlie dahil umalis din ito sa tent para ikuha siya ng snacks. Baka nga susundan pa sana siya ng binata.

Natutop ni Guinevere ang kanyang bibig. Pagkatapos ay napabunghalit na lang siya ng tawa.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon