Part 39

8K 204 4
                                    

"Hush, love, stop it. Kung iyon ang sekretong sinasabi mo, then forget it. Hindi magbabago ang pagtingin ko sa 'yo. Ikaw pa rin ang gusto kong maging asawa. Ikaw pa rin ang gusto kong maging kahati ng puso ko at maging ina ng mga magiging anak ko. Paniwalaan mo ako. Hindi mahalaga sa akin ang kahapon, Gwen. Ang bukas ang mahalaga. Ang bawat bukas sa piling mo. Can't you see? I'm loving you with all my heart. With all my heart..."

"I'm loving you with all my heart. With all my heart..."

She sobbed. Biglang nanikip at sumakit ang lalamunan ni Guinevere dahil sa banta ng hagulhol. "H-hindi mo naiintindihan."

"Alin ang hindi ko naiintindihan? Tell me, love. You can tell me anything, you know..." He cupped her face. Pinahid nito ang mga luha niya. "Gusto mo bang sabihin sa akin na minumulto ka ng kahapon? Ibig kong sabihin, may video ba? May pictures? Is someone threatening you? Tell me, ako ang aayos ng lahat. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo." Tinitigan siya ng binata nang buong intensidad. Na para bang handa itong gawin ang lahat para sa kanya. "Pagkatiwalaan mo ako, Gwen. Walang sino man o ano man ang makakapagpabago ng pagmamahal na binuhay mo sa puso ko. Don't be scared. I am here. Forever."

Lalong napaiyak si Guinevere, kapagkuwan ay bumitiw kay Charlie. Muli niyang tinuyo ang luhaang pisngi ngunit agad ding nabasa iyon ng mga luha. Tumalikod siya sa binata at ilang beses na huminga nang malalim para pagluwagin ang naninikip na dibdib. She cleared her throat so the words would come out easily. She prayed so hard for courage.

Nang makakuha ng sapat na lakas ng loob ay muli siyang humarap dito.

I love you, I love you! "Alam kong mahal mo ako. Naniniwala ako roon. Nababasa ko iyon sa mga mata mo, Charlie. Nararamdaman ko sa bawat sulyap mo at sa bawat dampi ng kamay mo sa balat ko. You make me feel as if I'm the most beautiful girl in the whole world. Kaya lang..." Huminga siya nang malalim, "K-kaya lang, matatanggap mo ba ang isang dalagang-ina?" tanong niya.

Charlie drew a sharp breath, namutla at bumuka ang mga labi sa pagkabigla. Maging ang mga mata nito ay nanlalaki rin. Tila ito itinulos sa pagkakatayo. He was just too shocked to respond. "Dahil iyon ang pagkatao ko, Charlie. May anak na ako."

Naupo si Charlie sa sofa. Animo kailangan nitong maupo dahil kung hindi ay matutumba na lang bigla. Dumaan ang nakabibinging katahimikan. Tumingin sa malayo si Guinevere, parang pinipilas ang puso sa naging reaksiyon nito.

"N-nagbibiro ka ba?" mahina at malamig na tanong ni Charlie.

"H-hindi ginagawang biro ang ganitong bagay."

Where is your love? Nasaan na ang pagmamahal na sinasabi mo? Please, tell me that you still love me. Sabihin mong tanggap mo pa rin ako. Gusto na niyang isamo rito.

Nanahimik uli si Charlie, hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla.There was just that faraway look in his eyes.

"S-si C-Clara. Siya ang anak ko."


Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon