Part 31

8.2K 193 2
                                    

BAHAGYANG natensiyon ang mga kalamnan ni Guinevere nang umalalay sa lower back niya ang kamay ni Antonio. Palabas na sila noon ng restaurant.

Holy cow! What is he doing? Hindi lamang iyon. Habang kumakain sila, nahuhuli niya ang mga panakaw na sulyap ng binata. At sa hindi iilang beses ay hinahawakan ang kamay niya. O baka naninibago lang siya. Time, after all, change people. Pinilit niyang bale-walain iyon dahil baka siya lang ang nagmamasama.

"Miss, may nagpapaabot nito sa 'yo," anang waiter na humabol pa yata sa kanila. Iniabot nito ang isang maliit at nakatuping papel.

Tinanggap niya iyon. "Kanino galing?"

"Hindi ko po kilala. Ah, sige po, Ma'am, babalik na po ako sa trabaho ko." Bago pa siya makapagtanong uli ay nakaalis na ang waiter.

Binuksan niya ang papel.

Alam ko kung ano ang sekreto mo.

Namutla si Guinevere. Pakiramdam niya ay tinamaan siya ng kidlat. Nanlambot ang mga tuhod niya. Tila siya kandilang naupos. Maagap lamang siyang naalalayan ni Antonio. "Gwen! Okay ka lang ba?"

"N-nahilo lang ako," aniya bago isinandal ang ulo sa dibdib nito. Kailangan niyang gawin iyon para kahit paano ay makabawi ng lakas dahil pakiramdam niya ay hinigop ang lahat ng kanyang lakas. Ang mga tuhod niya ay nanginginig. Hindi pa niya kayang tumayong mag-isa.

Antonio wrapped his hand around her waist to support her. She was too shocked to cry. Dahan-dahan niyang nilamukos ang papel at hinawakan iyon nang mahigpit sa loob ng kanyang kamay. Sino ang nagbigay niyon sa kanya? Sino—bukod sa pamilya niya—ang nakakaalam ng sekreto niya? No one among her family members would betray her. Hindi iyon gagawin ng pamilya niya sa kanya. Sa halip ay gagawin nila ang lahat para maprotektahan lamang siya at ang sekreto niya.

"Guinevere!" anang tinig ni Charlie. Hindi niya alam kung nakakaringgan lang ba niya ang binata pero umaasa siyang naroon nga ito. Kailangan niya si Charlie. She needed to lean on him, to hold on him. Si Charlie ang makapagpapakalma sa kanya. Ang makapagbibigay sa kanya ng lakas. Naalala niya ang note. Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay niya para itago iyon sa puntong sumasakit na ang kanyang palad sa pagkakabaon ng mga kuko.

Naramdaman ni Guinevere ang paghawak ni Charlie sa braso niya. Pagkatapos ay hinila siya ng binata palayo kay Antonio. "C-Charlie..." aniya. Subalit nakadama siya ng panlulumo nang makita na madilim ang mukha nito at salubong pa ang mga kilay. Nagkikislutan pa ang mga facial muscles nito. He looked dangerous. Oh, please, hindi ito ang tamang oras para magselos ka, Charlie. Pero hindi niya matagpuan ang kanyang tinig. She felt so weary. Ninakaw ng note na iyon ang lahat ng lakas niya.

"Stay away from her!" ani Charlie kay Antonio. Dahil malakas ang tinig ni Charlie ay nakatawag sila ng atensiyon.

Nagsalubong ang mga kilay ni Antonio. His lips were a thin line. Subalit hindi nagpakita ng takot o pagkailang si Charlie. Tila lalo pa nga itong nag-init.

"Please, Antonio. Pasensiya ka na. Tatawagan na lang kita," pakiusap niya sa kaibigan.

"Hindi mo siya tatawagan!" Charlie hissed.

Tiningnan niya nang masama si Charlie bago tinalikuran.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon