Part 9

10K 246 19
                                    


"GWEN..." Ang nakapatong na kamay ni Charlie sa ibabaw ng mesa ay naglakbay papunta sa gitna ng mesa.

Napalunok si Guinevere. Tila imbitasyon ang palad nito at pumupuno sa dibdib niya ang kagustuhang ipatong doon ang kanyang kamay at tanggapin ang imbitasyong iyon. Whatever it was. Binitiwan niya ang hawak na kutsara at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng kandungan niya. Charlie's eyes were dark. Nakakapanindig-balahibo ang emosyong nakasungaw roon. May mensaheng ipinaaabot ang mga mata nito.

"Gwen..." muling usal nito.

Her hands became restless. Hanggang sa hindi na mapigilan ni Guinevere ang kanyang sarili. Ipinatong niya ang kamay sa palad nito. Charlie's smile was triumphant and sexy. Isinara nito ang nakabukas na palad at marahang pinisil ang kamay niya. Napaungol siya. The way Charlie held and squeezed her hand was a little bit erotic. And arousing. Idagdag pa ang mga mata nito na animo may kakaibang kapangyarihan para pasunurin siya. Heat unfurled in the pit of her stomach. Tila biglang nanuyo ang kanyang lalamunan at kailangan niya ng tubig para pawiin ang uhaw na iyon. Tubig? No. Hindi tubig ang kailangan niya. Napatingin siya sa mga labi ng binata. A slight smile lifted the corners of his sensual mouth. Right then and there, alam niyang iyon ang kailangan niya para pawiin ang uhaw na nararamdaman.

"Gusto mo bang hagkan kita, Guinevere?"

Napasinghap siya. Paano nito nalaman ang laman ng isip niya?

"You have the look." Muli ay pagbasa ni Charlie sa iniisip niya. "Ipinapakita ng mga mata mo kung ano ang iniisip mo. Ngayon sagutin mo ang tanong ko; gusto mo bang hagkan kita?" mababa at nang-aakit ang boses ni Charlie.

"Yes, yes. Please. Kiss me," she begged. "Kiss me, Charlie."

Ngumiti si Charlie nang mapang-akit. Lalong naging brusko ang binata sa ngiting iyon. His boy-next-door look was totally gone. Nag-transform ito sa pagiging isang alpha sexy male who knew his game. And he was playing his game very well. "Ako, Guinevere, hindi mo ba mabasa kung ano ang iniisip ko?" Muli ay pinisil ng binata ang palad niya. "Try to read me, love."

Love. Lalong sinindihan ng salitang iyon ang emosyon ni Guinevere. She squeezed his hand back. Her fingers dueled with his fingers. Charlie gasped at the way she responded to his seduction. Ngumiti siya at sinubukang basahin ang laman ng isip ng binata sa pamamagitan ng mga mata nito. Nahigit niya ang hininga sa nababasa roon. Tila biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Her blood suddenly boiled to fever pitch. "Y-you want me..." aniya. At alam niyang iyon din ang gusto niya. She wanted him, body and soul.

"Greedily," sambot nito bago tumayo. He bent over and cupped her face with his hands. "I'll show you how much," anito bago inangkin nang buo ang kanyang mga labi.

--

"GWEN..."

"Hmm..." ungol ni Guinevere. Lunod na lunod na siya sa halik ng binata. His kisses were possessive, demanding, insistent. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. And yet she wanted more. So much more it almost hurt.

"Gwen..." muling usal ng binata. Dumampi ang kamay nito sa pisngi niya at bahagyang humaplos doon. "Guinevere, gising na..." anang malamyos na tinig nito.

Gising na? She was still under his spell. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. And there, sumalubong sa paningin niya ang nakangiting mukha ni Charlie. She blinked twice... thrice. Hanggang sa mag-init na lang ang buong mukha niya nang ma-realize kung ano ang nangyari.

Nakatulugan na niya si Charlie. At napanaginipan niya ang binata!

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon