Part 15

9.3K 221 1
                                    

NAKAHANDA na ang gymnasium ng Victoria nang makarating sila roon. May mga tent na kung saan magse-set up na lang sila ng kani-kanilang mga gamit. Hindi na rin mabilang ang mga tao na nag-aabang sa kanila. Saglit silang pinulong ng pinaka-leader nila na si Angela, pagkatapos niyon ay naging abala na ang bawat isa.

Tinungo na ni Guinevere ang tent niya. "Charlie!" gulat na bulalas niya nang madatnan doon ang binata.

"Ako ang naatasan ni Ate Angela para maging assistant mo. Hindi kasi nakasama si Maggie," sagot ni Charlie habang abala sa pagse-set up ng mga gamit niya. Nakita niya ang mga dental tools na ini-sterilize na. Ang kahon ng gloves, needles, anesthesia, bulak, alcohol, at iba pa ay maayos nang nakasalansan. Mukhang alam naman ni Charlie ang ginagawa.

"Oh, okay."

"Actually, hindi ako inatasan ni Ate Angela, ipinagpilitan ko ang sarili ko sa posisyong ito. Doon ako dapat naka-assign sa Deworming," ngingiti-ngiting wika ni Charlie. "Pagkakataon ko na 'to para makasama ka."

Pinigilan niyang mapangiti. Pero pumapalakpak na yata ang mga tainga niya.

Naghanda na si Guinevere. Ang suot niya na jeans at cotton shirt ay pinatungan niya ng kanyang white dental laboratory scrubs. Siniguro niyang hindi makakasagabal ang buhok niya kaya mabilisang itinirintas niya iyon at tinalian ng rubber band. Mayamaya ay naghugas na siya ng mga kamay at nagsuot ng hand gloves. "I think we're ready for the first patient," aniya nang makatiyak na completely sterilized na ang mga gamit.

"Not yet. Sa palagay ko ay may nalilimutan ka pa."

"Ha?"

"This." Ngingiti-ngiting kinuha nito ang isang surgical mask at ipinakita sa kanya.

"Oh," she mouthed. Paano nga ba niya nalimutan iyon? "Yeah, thank you. Akina."

Hindi iniabot ni Charlie sa kanya ang mask. Sa halip ay lumapit ito sa kanya. "Ako na ang magsusuot sa 'yo." Bago pa siya makahuma ay nasa harap na niya ang binata. Napakasuwabe ng amoy nito. Hindi matapang at masarap amuyin. Napalunok si Guinevere. Hindi niya alam kung bakit tila nababalisa siya sa pagkakalapit nila. O marahil, nababalisa siya dahil alam niyang sa lakas ng atraksiyon sa pagitan nila, isang hakbang lang ay siguradong magtatagpo na ang kanilang mga labi.

Nagyuko si Guinevere ng ulo. Muntik pa siyang mapapitlag nang maramdaman ang mga daliri ng binata sa baba niya at marahang iniangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko. Nagsalubong ang kanilang mga mata subalit muli siyang nag-iwas ng tingin dahil hindi niya makayang salubungin ang mga mata nito.

"C-Charlie, ako na."

"Hush. Let me do this," mahinang usal nito habang nakatingin sa kanyang mukha. "Gwen, hindi ka naman seryoso sa sinabi mo, 'di ba?" mahinang wika nito.

"Sinabing ano?"

"Na hindi ang tulad ko ang tipo mo."

Hindi siya makasagot.

"Please answer me. You're breaking my heart."

"Charlie I—" Bumuga siya ng hangin bago inagaw rito ang mask. Isinuot niya iyon. "Please, pakitawag na ang unang pasyente."

"Now you're really, really breaking my heart." Kumulimlim ang mukha ng binata. Nawalan ng kislap ang mga mata. Animo pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura nito. And she couldn't stand seeing how miserable he is.

"Okay, I lied."

"Ano? Hindi kita narinig."

Hindi makapaniwalang pinanlakihan niya ng mga mata ang binata. Marahil ay December na para kay Charlie dahil nagliliwanag ang mukha nito na animo isang Christmas tree.

"Nagsinungaling ako."

"Alam ko," buong kumpiyansang sagot nito. "Tinanong lang kita para marinig ko mismo sa mga labi mo ang totoo."

Inirapan ni Guinevere si Charlie. "I hate you now."

"And you're lying again," tukso nito.

"Charlie!"

Nagtaas ang binata ng mga kamay na animo sumusuko. Pero hindi maipagkakaila ang saya nito. It was radiating all over him. Lihim na napapangiti na lang siya. "Trabaho na. Please, pakitawag na ang unang pasyente."

Ngumiti ito. "Okay."

Iyon lamang at naging abala na si Guinevere. Halos tooth extraction lang ang isinasagawa niya. At wala naman siyang mairereklamo pagdating kay Charlie dahil magaling na assistant ito. He really knew what to do. Iyon nga lang, imbes na mabawasan ang mga taong nakapaligid sa tent nila ay lalong dumarami. Okay lang sana kung mga pasyente ang mga iyon pero sa hindi miminsang paglibot ng mga mata ni Guinevere ay napansin niyang nakatutok lamang kay Charlie ang mga mata ng mga ito. Most of them were taking pictures of him. Kaya naman lalong naging maalinsangan ang paligid.

"And we're done. Good girl!" aniya sa batang binunutan niya ng ngipin. "Hindi naman masakit, 'di ba?"

Nahihiyang tumango ito.

"Ito." Iniabot niya sa bata ang reseta ng gamot. "Punta ka doon sa kabilang tent para mabigyan ka ng gamot. Okay?"

"Salamat po, Miss."

"Walang anuman."

Natilihan pa si Guinevere nang makitang nakatingin sa kanya si Charlie. There was fondness in his eyes as he looked at her. Nag-iwas siya ng tingin. Kailan kaya niya matututuhang salubungin ang tingin ng binata?

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon