Part 38

7.9K 219 2
                                    

"Tama ka. Mahal din kita. Mahal na mahal." Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya. Mabilis niya iyong pinahid bago mariing kinagat ang labi. Sobrang mahal kita. That's why I want to spare you from the pain.

Naramdaman ni Guinevere ang pagtayo ni Charlie at paglapit sa kanya. Then he wrapped his arms around her. Napapikit siya, bumibilis ang tibok ng puso. She was at home in his arms. Ayaw niyang umalis doon pero paano na kapag hindi naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap nilang iyon?

Hinagkan ni Charlie ang ulo niya. "Sabihin mo sa akin kung ano'ng problema." Normal na uli ang boses nito bagaman nararamdaman naman niya ang tensiyon sa katawan ng binata.

"S-sinabi ko na kung ano'ng problema, hindi ba? Hindi mo pa ako kilala. I have secrets..."

"Hindi mo pa rin ako kilala. I have secrets, too. Pero aayusin naman natin ang lahat, 'di ba? We have a lifetime to know each other. Basta nagmamahalan tayo, sapat na iyon. Mahal ko ang lahat-lahat sa 'yo. Marry me, Guinevere."

Humarap siya kay Charlie. Hindi na niya itinago ang lumuluhang mga mata. After all, ayaw rin namang magpapigil ng kanyang mga luha. "I... I w-was... I was r-raped... at the age of fourteen."

Hindiipinikit ni Guinevere ang kanyang mga mata. Gusto niyang makita   ang reaksiyon ng binata. Charlie gasped. Halata ang gulat sa mukha nito. Pinahid niya ang kanyang luha gamit ang likod ng kanyang palad bago tinungo ang minibar. Kumuha siya ng alak at nagsalin sa kopita, at inisang-lagok iyon. Gumuhit ang init at pait sa lalamunan niya pababa sa kanyang tiyan. Kailangan niya iyon. Kailangan niya ang espiritu ng alak para lalo pang lumakas ang kanyang loob.

"K-kagagaling ko lang ng school noon. Pumunta ako sa mall para bumili ng school projects. Then... then may isang van na dumukot sa akin. The moment I was inside the van I lost consciousness. N-nang magising ako..." Mariing ipinikit niya ang mga mata. "N-nang magising ako ay nakatali na ang mga paa at kamay ko. Nakapiring ako at... at may busal sa bibig. Gusto kong sumigaw. Gusto kong humingi ng tulong. Gusto kong manlaban... Pero ni wala akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Ang tangi ko lang nagawa ay umiyak; humingi ng tulong at murahin sila sa isip ko. Hindi ako—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil malalaki na ang hakbang ni Charlie na tinungo ang kinaroroonan niya, pagkatapos ay tila kidlat na ipinaloob siya sa mga bisig nito. Mahigpit siyang niyakap.

"Charlie..." Napasigok si Guinevere. Naroon ang assurance sa higpit ng yakap nito. Naroon ang pagmamahal.

"Hush, love, stop it. Kung iyon ang sekretong sinasabi mo, then forget it. Hindi magbabago ang pagtingin ko sa 'yo. Ikaw pa rin ang gusto kong maging asawa. Ikaw pa rin ang gusto kong maging kahati ng puso ko at maging ina ng mga magiging anak ko. Paniwalaan mo ako. Hindi mahalaga sa akin ang kahapon, Gwen. Ang bukas ang mahalaga. Ang bawat bukas sa piling mo. Can't you see? I'm loving you with all my heart. With all my heart..."

"I'm loving you with all my heart. With all my heart..."


Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon