Part 24

11.4K 243 39
                                    


NATIGIL sa paghakbang si Guinevere papunta sa dock ng Supercat nang mag-vibrate ang cell phone niyang nasa kanyang bulsa. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Charlie. Tumahip ang dibdib niya. Kagigising lang kaya nito? Ano kaya ang naging reaksiyon nito nang malamang umalis na siya?

Halos mag-uumaga na rin kasi nang umalis si Charlie ng silid niya. At sa loob ng ilang oras na magkasama sila ay walang usapang nangyari sa pagitan nila. They let their body talk and do the talking; they made love relentlessly. At least, iyon ang gusto niyang ipakahulugan sa nangyari sa kanila. That they made love and did not just have sex. Umaasa siyang hindi lamang physical attraction ang nararamdaman nito para sa kanya, na pagmamahal ang nais nitong ipakahulugan sa mga sinabi nito. Umaasa siya na kaya ito possessive at nagseselos ay dahil mahal din siya. Din. Because she was in love with him. Iyon ang damdaming inamin niya sa sarili bago tuluyang ipagkaloob kay Charlie ang sarili. It was so sudden. Or was it? Hindi kaya noon pa man, sa pagtingin-tingin sa mga larawan nito, ay nagkakaroon na ito ng puwang sa puso niya? Gayunman, kung sakaling mahal nga siya ng binata ay komplikado pa rin ang lahat. Hindi pa siya kilala ng binata. Hindi siya sigurado kung magagawa nitong tanggapin ang pagkatao niya.

Hindi pinansin ni Guinevere ang tawag hanggang sa mawala na iyon pero isang saglit lamang ay muling nag-ring iyon. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Alam niyang kailangan nilang mag-usap subalit hindi pa siya handa. Nang matapos ang ring ay sinamantala niya iyon para i-off ang kanyang telepono. Itinuloy niya ang paglapit sa barko at ibinigay sa inspector ang kanyang ticket. Open air ang pinili niya. Ibig sabihin ay sa labas lamang siya mauupo at hindi sa air-conditioned cabin.

Ilang sandali pa at umalis na sa pantalan ang barko.

"Guinevere!"

Pakiramdam ni Guinevere ay tumalon ang puso niya sa tinig na iyon. Napatayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa railing. Nahigit niya ang hininga nang makita si Charlie sa pantalan. He looked exhausted na marahil ay dala ng pagtakbo. And what the hell! Naka-pajama at sando pa rin ito, ang suot nito nang maghiwalay sila. Paano ito nakalapit ng ganoon sa pantalan gayong hindi naman ito pasahero? Ah, hindi na dapat niya itanong ang bagay na iyon. Isa nga pala itong Valencia.

"Gwen! I love you!" buong lakas na sigaw ni Charlie. Dahil medyo malayo na ang barko sa pantalan ay mahina na rin ang dating ng tinig nito subalit malinaw niyang narinig ang sinabi nito. "Naririnig mo ba ako? Mahal kita!" muling sigaw nito, walang pakialam sa mga taong nakatingin dito.

Nakagat ni Guinevere ang labi. Agad nag-init ang kanyang mga mata. So, you really love me, huh? Ganoon pa rin kaya ang sasabihin mo kapag nakilala mo na kung sino ako?

"Gwen!"

"Si Charlie Valencia 'yon, ah!" namamanghang bulalas ng ilang pasahero na nakakilala sa binata.

"Oh, my God! Siya nga!"

"Sino si Gwen? Ang suwerte naman niya..."

Nakagat na lang ni Guinevere ang labi nang tumuon sa kanya ang mga mata ng mga pasahero. She shyly smiled at them. Nang ibalik niya ang tingin sa pantalan ay halos maliit na ang binata dala ng distansiya.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon