Part 32

8.3K 208 0
                                    

"MAGSALITA ka, huwag mo akong patayin sa pananahimik mo," basag ni Charlie sa katahimikan. Nasa kotse na sila noon. Seryoso pa rin ito. Salubong pa rin ang mga kilay. Iyon si Charlie, madaling basahin ang emosyon. Hindi nito itinatago ang damdamin.

"Nasaan si Clara?" matabang na tanong ni Guinevere.

"Nasa restaurant. She's safe there."

At iniwan nito roon si Clara para lang sundan siya at mag-espiya? Isa lang ang ibig sabihin niyon, wala itong tiwala sa kanya. She kept her silence. Mas maigi na iyong manahimik siya kaysa ilabas ang galit na nasa kanyang dibdib. Isa pa, alam niyang magiging outlet lang iyon ng frustration niya na dulot ng note na natanggap niya. Kailangan na niyang sabihin kay Charlie ang totoo bago pa siya maunahan ng iba. Iyon nga lang, natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. Naisip niya na paano kaya kung makipaghiwalay na lang siya kay Charlie? Magiging mas madali kaya sa kanya ang lahat?

"Simula ngayon ay hindi ka na sa kanya makikipagkita o makikipag-usap man lang."

Marahas na napabaling si Guinevere kay Charlie. Sinabi nito ang mga salitang iyon na animo batas na dapat niyang sundin. She hates it. "Dinidiktahan mo ba ako ng mga dapat at hindi ko dapat gawin, Charlie?"

"Don't argue with me, Guinevere," anito sa tonong may pinalidad.

Pagak na natawa si Guinevere. "Ngayon naman, ayaw mo akong makipagtalo sa iyo? Hindi mo ako puwedeng diktahan, Charlie. Antonio is my friend. Kilala ko na siya bago pa man kita makilala."

"Well, that friend of yours has a thing for you!"

"Oh, come on, Charlie. Kung totoo man iyan o hindi, alam mong hindi 'yan ang issue sa pagitan nating dalawa ngayon. Ang kaso ay hindi mo ako pinagkakatiwalaan!"

"Alam mong hindi totoo 'yan."

"Yeah?" sarkastiko niyang tanong dito. "Kaya ba sinundan mo ako?"

"Ang lalaking iyon ang hindi ko mapagkatiwalaan, Gwen. Hindi ko gusto ang paraan niya ng pagtingin sa 'yo na para bang sa isip niya ay hinuhubaran ka na niya! Oh, Crap! He made a pass at you!" Mataas pa rin ang boses nito.

"Nahilo ako. Kailangan kong sumandal sa kanya para hindi matumba," balik niya. Bagaman aminado siya sa sinabi ni Charlie. Hindi lamang niya puwedeng aminin iyon dahil lalong uusok ang bumbunan nito sa selos at galit. "Hindi mo na pinansin na masama ang pakiramdam ko. 'Tapos heto ka, kung makapag-react, akala mo, pinagtataksilan kita."

"Alam mong hindi iyan ang iniisip ko sa 'yo. I was angry because—"

"Because what? Because you said Antonio has a thing for me and you are jealous? What happened to your trust and faith in me? Kung may tiwala ka sa akin, maiisip mo na kahit ipangalandakan pa ni Antonio ang sarili sa akin ay walang silbi iyon. Ako ang magdedesisyon. Kung may basehan ang ipinagkakaganyan mo, sa tingin mo ba nasa tabi mo pa ako ngayon?" Hamon niya rito. "You are just unreasonable. Hindi pa nga kita masyadong kilala, katulad ng kung paanong hindi mo pa rin ako kilala nang lubusan..." Ipinikit na ni Guinevere ang mga mata at bahagyang tumalikod kay Charlie para iparating na ayaw na niyang makipag-usap. Wala siyang lakas para makipagtalo sa binata dahil halo-halo ang umookupa sa isipan niya.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "I'm sorry."

Hindi siya sumagot. Naalala ni Guinevere ang minsang pinag-usapan nila ni Brandon...

"Malakas ang impact mo kay Charlie, alam mo ba iyon? Binago mo siya."

"Paanong impact, Kuya? Napabuti o napasama?" Pilit niyang itinatago sa pagtawa ang nerbiyos. Paano ba naman, para sa kanya ay mabigat na statement ang sinabi nito. Binago raw niya si Charlie. But in what sense?

Tumawa si Brandon at hindi niya napigilang lihim na mapabuntong-hininga sa nararamdamang paghanga. Goodness! Tinig pa lang ng mga ito ay sapat na para bumigay ang puso ng kababaihan. Gustong isipin ni Guinevere na paborito talaga ng Diyos ang mga Valencia.

"Napabuti. I mean, ibang-iba na kasi siya ngayon. 'Yong Charlie noon ay makulit sa amin pero mahiyain sa iba, mapang-asar at—how do you describe it, hmm... isip-bata?" Natawa uli si Brandon. "He's playful. 'Yong tipong maaasar ka kasi akala mo hindi ka sineseryoso. Pero ngayon, I mean, mula noong dumating ka sa buhay niya, bigla siyang nag-mature. Sineseryoso na niya ang mga bagay-bagay. Parang bigla, naging responsible siya. Oh, let me rephrase that. Dati na siyang responsible pero ngayon nababanaag na iyon sa kanya. Suddenly, he became this mature man who knows what he wants."

Tumaba ang puso ni Guinevere. Ganoon ba talaga niya binago ang buhay ni Charlie?

"Gwen, napansin ko rin na tuwing babanggitin ka niya sa amin, there was a certain emotion in his eyes. Possessiveness? Too much love? Yeah, ako man, ganyan din kay Febe. Kaya lang gusto kong warning-an ka at paalalahanan. You are Charlie's first love. Ikaw rin ang una niyang seryosong relasyon, 'tapos ganyan pa katindi. Ang gusto kong sabihin ay bago lahat ito kay Charlie, therefore hindi pa niya alam i-handle ang emosyon niya. He might get jealous over little things and make it a big issue. Just be patient with him..."

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon