Part 25

9.3K 219 8
                                    

NAKAHIGA na si Guinevere sa kanyang kama at handa nang umidlip nang may mag-doorbell. "Argh, please get lost. Bumalik ka na lang. I'm beat," usal niya bago isinubsob ang mukha sa malambot na unan. Agad din naman siyang napabangon nang maalala si Clara. Pero katatawag lang niya at sinabi ni Clara na paalis pa lang ang mga ito sa airport.

Bumangon na rin siya. Mabilisan niyang hinubad ang malaking loose shirt na pantulog at agad nagsuot ng sando at shorts. Nang maayos na ang sarili ay dali-dali na siyang bumaba, lalo pa at nakadiin na yata sa buzzer ang kamay ng nagdo-doorbell.

"Yes— Charlie!" gulat na bulalas ni Guinevere nang mapagbuksan niya ang binata ng pinto.

"Hi," anito bago walang sabi-sabing pumasok sa loob ng bahay kahit hindi niya iniimbitahan.

"Paanong nangyari na nandito ka na agad sa Maynila? Halos kadarating ko rin lang, ah," kumakabog ang dibdib na wika niya. Iyon na ba ang oras para malaman ni Charlie ang pagkatao niya?

"Eroplano," maikling sagot ni Charlie bago siya kinabig at siniil ng halik. He wrapped his arms around her. Halos pangapusan siya ng hininga sa iginawad nitong halik. "Wala akong ideya na ngayon na pala ang alis mo. Akala ko, titigil ka pa sa hacienda," wika nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. "Natakot ako nang malaman kong umalis ka na. Hindi mo pa alam ang damdamin ko, so, baka 'kako isipin mong sinasamantala kita. 'Tapos, pinatay mo pa ang telepono mo. 'Sabi ko, hindi ako papayag na makaalis ka sa bayan ko na hindi ako nakakapagtapat. Mabuti na lang at mabait si Ate Febe. Nalaman ko na dito ka sa condo nila tutuloy bago ka umuwi sa Iloilo. So, here I am." Inilapit uli nito ang mukha sa mukha niya para muling angkinin ang kanyang mga labi. Naaakit siyang tanggapin ang halik nito pero sa huli ay nagawa niyang mag-iwas ng mukha.

Kumawala siya kay Charlie.

"Gwen..." nagtatakang usal nito. Hindi itinago ang sakit sa tinig.

"Hindi ito tama, Charlie," aniya bago tumalikod at kinagat ang labi.

Naramdaman ni Guinevere ang paglapit ng binata sa likuran niya. She held her breath. Pagkatapos ay napapikit na lang siya nang ipulupot nito ang mga braso sa katawan niya. She was in trouble, big trouble. Dahil hindi lamang niya ito basta mahal. She also desired him. Tila naging pamilyar na agad ang katawan niya sa katawan nito. Ramdam agad niya ang singaw ng init ng katawan nito. At pumupuno sa dibdib niya ang kagustuhang isandig pa rito ang kanyang likod.

Ipinatong ni Charlie ang baba nito sa balikat niya. "Narinig mo ba 'yong sinabi ko kanina sa pier?" bulong nito. "Hindi ko inisip na sa ganoong paraan ako magtatapat ng pag-ibig kaya lang ay hindi ko napigilan ang aking sarili."

Hindi sumagot si Guinevere. She was fighting so hard to gather her wits. Hindi pa siya kilala ni Charlie, hindi nito alam kung ano ang nangyari sa kanya. Maaaring sekreto nga ang bagay na iyon pero walang sekreto na hindi nabubunyag, hindi ba? Sooner or later, alam niyang malalaman ng binata ang kanyang sekreto at baka kamuhian pa siya.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon