Part 6

12K 267 14
                                    


PALIHIM na sinulyapan ni Charlie si Guinevere. Ang mga mata ng dalaga ay nagniningning sa tuwa. Mas maganda ito sa malapitan. Ang balat na bagaman morena ay flawless naman. And he loved how she carries herself, confident pero hindi nagyayabang. That made her more beautiful. Ang ilong ng dalaga ay maliit pero matangos. And she possessed a swan-like neck that he was strongly tempted to caress. Tumuon ang paningin ni Charlie sa mga labi ni Guinevere. They looked soft, pliant, sensual, and very tempting. Noon din mismo ay gusto niyang kabigin at angkinin ang mga labi ng dalaga. He wanted to crash his lips against hers and kiss her to his heart's content. Lihim siyang napaungol. The thought wreaked havoc on his mind and body. Ang masama pa ay nakikini-kinita niya ang dalaga sa kanyang kama, worshipping her. Was he lusting over her?

For God's sake, Charlie, pinsan siya ni Ate Febe! saway niya sa sarili.

So? kontra naman ng kabilang bahagi ng isip niya.

In the first place, iyon nga ba ang nararamdaman niya? Lust? Kung pagnanasa lamang ang nararamdaman niya, paano niya ipapaliwanag ang nangyari kanina? Ang slow-motion effect at ang tila magnet na paghigop ng dalaga sa presensiya niya? At higit sa lahat, bakit pakiramdam niya ay may nabago sa kanya? Hindi lamang niya matukoy kung ano iyon. But the change was undeniable. It felt like he was soaring.

Muling ibinalik ni Charlie ang tingin sa karagatan. Funny, pero hindi pa rin nawawala ang mga paruparong nagliliparan sa kanyang sikmura. Maging ang tibok ng puso niya ay mas mabilis pa rin kaysa sa normal na tibok. Really, what did it mean? Hindi alam ni Charlie ang sagot dahil kung alam niya ay hindi sana siya naguguluhan ngayon. Bago ang pakiramdam na iyon. It felt out of this world yet at the same time it also felt right.

Kumunot ang noo ni Charlie nang may mamataan siya sa banda roon. "Gwen, look! Over there!" Itinuro niya ang lugar.

Bumaling naman doon ang dalaga. Ayaw niyang ipikit ang mga mata nang sa gayon ay makita niya kung paano magre-react ang dalaga sa tanawing iyon.

Guinevere held her breath. "Dolphins..." anito bago sumilay ang excitement sa mukha.

Natigilan si Charlie. Pumiksi ba ang puso niya sa ngiting iyon?

Puso. Puso. Nanlaki ang mga mata niya nang may pumasok na ideya sa kanyang isip. Posible nga kaya? Is it really possible that Guinevere had my heart at first sight? Am I in love with her? At first sight, really? Jesus!

Biglang humawak ang dalaga sa braso niya, na para bang ibinabahagi nito ang karanasang iyon sa taong malapit dito, malapit sa puso nito. "Meron din dito, Charlie, look!" anito bago itinuro ang mas malalapit na dolphins. Sumusunod ang mga iyon sa barko.

Marahil ay nakita rin ng ibang pasahero ang dolphins kaya nagsipuntahan na rin ang mga ito sa railing at nanood. Pero wala na roon ang atensiyon ni Charlie. Wala rin sa mga dolphin. Dahil hindi niya magawang alisin ang kanyang mga mata sa dalaga at panoorin ang pagdaan ng katuwaan doon. Ang dibdib niya ay para bang napakagaan. Nakakaramdam siya ng kakontentuhan.

Hanggang sa dumiin ang pagkakahawak ni Guinevere sa braso niya nang magsimulang tumalon ang mga dolphin habang ang ilan ay nagbubuga pa ng tubig. Napatingin si Charlie sa kamay ng dalaga na nakakapit sa braso niya. That simple act, without her knowing, gave him happiness. At nakaramdam siya ng kahungkagan nang bawiin na ng dalaga ang kamay nito at sa halip ay ihawak na lang iyon sa railing.

"Amazing!" bulalas pa nito.

Natagpuan na lang ni Charlie ang sarili na kinukuha ang cell phone sa kanyang bulsa. Bahagya siyang lumayo. "Gwen," tawag niya.

Lumingon ang dalaga. Sinamantala niya iyon at kinuhanan ito ng picture. "Hey," protesta nito.

"Para may remembrance ka sa mga dolphin. Tingnan mo, o." Lumapit siya kay Guinevere at ipinakita ang kuha niya. The picture spoke a thousand words. Napaka-candid ng paglingon ng dalaga kaya naman nakuha ng camera ang ngiti nito, ang kislap ng mga mata habang ang ilang hibla ng buhok ay inililipad ng hangin. She was just so breathtakingly beautiful. Ang background nito ay ang malawak na karagatan at ang mga dolphin na eksaktong tumalon at na-freeze sa ere. "Akina ang phone number mo para maipadala ko sa 'yo ang picture."

Ibinigay nga ng dalaga ang numero. Agad naman niyang naipadala ang picture nito.

"Thank you," she mouthed. At hayun na naman ang pagragasa sa dibdib niya ng kagustuhang ikulong ang dalaga sa kanyang bisig at angkinin ang mga labi nito—tuklasin kung gaano iyon katamis. Lihim siyang napaungol. Bukod sa hindi niya type ang mga morena, hindi rin siya ganoon kadaling ma-attract. Kadalasan pa nga ay saka lang siya nagkakagusto sa isang babae kapag nakikilala na niya ang ugali nito. Pero ngayon ay hindi iyon ang nangyayari sa kanya. Malakas ang atraksiyong nararamdaman niya sa dalaga. Sa tindi ng damdaming iyon ay wala na siyang ibang maisip kundi ang mahagkan ito. At higit pa roon.

Normal pa ba ako? tanong ni Charlie sa sarili.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon