Part 7

10.9K 270 4
                                    


THEY were side by side. At hindi magawang bale-walain ni Guinevere ang pagkiskis ng braso ni Charlie sa kanyang braso. Gumagawa iyon ng sparks at sa huli ay nagdudulot ng kakaibang init na nanunulay na yata sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Sure, dumaan na siya sa mga relasyon. Ang huli pa nga ay minahal niya. Pero sa mga nagdaan niyang relasyon ay wala siyang naramdaman na katulad ng nararamdaman niya kay Charlie. Aminado siyang malakas ang sexual tension sa pagitan nila. Para silang magnet na magkaiba ng polar dahil tila hinihigop nila ang isa't isa.

"May bayad 'yan," narinig niyang wika ni Charlie.

"H-ha? Ah..." Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. Sigurado siyang hindi pera ang sinasabi nitong kabayaran.

Ipinamulsa na ni Charlie ang telepono nito. She wondered, binura kaya nito ang litrato niya pagkatapos maipadala iyon sa kanya? "Samahan mo naman akong kumain. Hindi ako nag-almusal, eh."

Walang restaurant sa Ro-Ro, sa halip ay maliit na canteen lamang ang naroon. At wala iyong ibang tinda kundi mga cup noodles at sandwiches. Kunsabagay, cowboy nga pala ang mga Valencia. Hindi maseselan. At least, iyon ang kuwento sa kanya ni Febe.

"Cup noodles at sandwich. Okay lang ba sa 'yo?" anito.

"Sure." Napamata na lang siya sa binata nang kunin nito ang backpack niya na nasa bench at isukbit iyon sa balikat nito. Kumunot ang kanyang noo. Paano nito nalaman na sa kanya iyon?

Hanggang sa magulat na lang siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at bahagya siyang hinila nang sa gayon ay mapasunod na siya sa binata. "Let's go."

Hindi alam ni Guinevere kung ano ang sasabihin. Big deal kaya iyon sa binata o natural na nitong ginagawa sa bawat babaeng nakakasama nito? Magpapakaipokrita siya kung sasabihing hindi niya iyon nagustuhan. She liked it. She loved it. Tila sadyang inihulma ang palad niya para sa palad nito. At siyempre pa, hayun na naman ang tila mahikang pakiramdam na iyon. Animo may nagbibigkis sa kanilang dalawa.

Pumasok sila sa loob ng barko. Madali naman nilang nakita ang maliit na canteen. "Seafood flavor sa akin. Ikaw?"

"Ga—" Natigilan si Guinevere sa pagsagot nang walang ano-anong hinawi ni Charlie ang mga nakalaylay na buhok sa mukha niya at iniipit iyon sa likod ng kanyang tainga. Nangilabot siya. It was so goddamn intimate for her. And for the life of her, he was still holding her hand.

"G-ganoon na rin lang. Seafood."

"Okay."

Nag-iwas siya ng tingin. Pakiramdam ni Guinevere ay lalabas ang kanyang puso mula sa rib cage niya sa sobrang lakas ng pagtambol niyon. Kailangan niyang kalmahin ang sarili. "Ahm, Charlie..." tawag-pansin niya.

Lumingon si Charlie. Nakangiti ito at ang isang kilay ay bahagyang nakaangat na para bang nagsasabi ng "bakit?"

My goodness! Lihim na napabuntong-hininga na lang si Guinevere sa ka-cute-an ng binata. Cute? No, hindi cute si Charlie. Understatement ang matawag na cute ang binata.

Tumikhim siya. "Sasaglit muna ako sa comfort room. Would you mind kung ikaw na lang muna ang um-order?"

"Okay."

"Okay," pag-ulit niya.

Nang hindi pa rin siya umaalis ay muli siyang binalingan ng binata. "Do you want me to come with you? I mean, hindi mo ba alam ang way?" And he looked more than willing to do that.

"No, no. I'm fine. Alam ko rin kung nasaan ang comfort room dahil nakita ko na kanina. Kaya lang..." Nangingiting inginuso niya ang kamay. "Can I have my hand back, please?" Hindi napigilan ni Guinevere na hindi lagyan ng panunukso ang tinig niya.

"Oh!" gulat na wika ni Charlie. Pinakawalan na nito ang kamay niya. Hinagod ng binata ang sariling buhok. He looked like he was far from being embarrassed, though. He was more like amused. "Sorry," nangingiting usal nito.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon