Part 42

8.7K 198 1
                                    


TILA lumukso ang puso ni Guinevere nang muling may mag-doorbell. Umaasa siyang bumalik si Charlie. Na sasabihin nito na nauunawaan at hindi siya huhusgahan.

Mabilis niyang pinahid ang mga luha at lumabas ng silid. Binuksan niya ang pinto. Subalit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang pagsilip niya sa peephole ay si Clara ang nakita. Mabilis niyang pinahid ang mga luha at inayos ang sarili. Subalit alam ni Guinevere na hindi na maitatago ang kamiserablehan sa hitsura niya. Binuksan niya ang pinto.

Clara stared at her. Kumibot ang mga labi nito na animo iiyak ano mang sandali. "Okay ka lang?"

Gusto niyang tumango at sabihing "oo" pero awtomatikong tumulo ang kanyang mga luha.

"Oh, Ate." Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ni Clara. Niyakap siya nito. "Sabi ko na nga ba, eh. Malakas talaga ang kutob ko na hindi ka okay kaya nagpilit akong umuwi."

Anak niya si Clara. Ito ang naging bunga ng kalapastanganan sa kanya noon. Pero hindi nito alam ang totoo. Para kay Clara, siya ay mapagmahal na ate lamang na sobra-sobra itong mahal.

The incident devastated her. Napakabata pa niya noon. Ang totoo ay nawalan na siya ng ganang mabuhay. Pakiramdam niya ay napakarumi na niya. Itinigil niya ang pagpasok sa school. She locked herself in her room. Kumain-dili siya. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil pakiramdam niya, lahat ng tao ay titingin sa kanya nang may panghuhusga ang mga mata. She even tried to end her life. Sa kabila niyon ay hindi siya sinukuan ng kanyang mga magulang. Sinubukan nila ang hypnosis. Pero pansamantala lamang pala. Her memory of that incident returned when she discovered she was pregnant.

Nagplano ang mga magulang ni Guinevere. Dahil napakabata pa niya noon at hindi alam ang gagawin ay nagpatianod na lang siya. Noon gumawa ng palabas ang kanyang mama. Lumalabas ito ng bahay nila na nakasuot ng padding sa tiyan para magmukha itong nagdadalang-tao. She was really exposing herself. Kapag may nagtatanong kung buntis ba ito ay sinasagot nito ng "oo." Ang papa naman niya ay inasikaso ang papeles nilang tatlo para makalabas ng bansa. They went to Chicago and got settled there. Doon lumaki ang tiyan niya. Pakiramdam niya, araw-araw ay nasa impiyerno siya. She hated the child. She hated the world. Ang totoo ay gumagawa siya ng mga bagay na maglalagay sa kanya sa peligro nang sa gayon ay makunan siya para mawala na ang bata.

Pero hindi siya nagtagumpay. Hanggang sa manganak siya. Ipinarehistro si Clara bilang Mercado, anak ng mga magulang niya at kapatid niya. Hindi naging madali ang lahat. Pero sa tulong pa rin ng kanyang mga magulang at kamag-anak ay nagawa na niyang tanggapin ang lahat. She went to the shrinks. She went to the counselors. She went to church. Nagawa niyang tanggapin ang lahat. And as the years passed by she learned to love the child, her child. Bumalik sila sa Pilipinas after two years. And her life went back to normal.

"Ate..." anang nag-aalalang tinig ni Clara na nagpabalik sa naglalakbay niyang kamalayan. "Tama na, please..."

Pinahid ni Guinevere ang kanyang luha bago hinawakan ang magkabilang balikat ni Clara. Tinitigan niya ang anak. Kinapa niya ang damdamin para sa anak. Wala na talaga ni katiting na galit para kay Clara, walang paninisi. Ang naroon na lamang ay ang panghihinayang na hindi siya kilala ni Clara bilang ina nito. At siyempre, ang pagmamahal niya sa bata.

Kinabig niya si Clara at niyakap nang mahigpit. Ipinikit niya ang mga mata. Hinaplos naman ni Clara ang likod niya. "Ate..."

Mahal kita, Clara, anak ko... Hindi nakatulong ang nakapikit niyang mga mata para hindi makatakas ang kanyang mga luha. Patuloy iyong namamalisbis sa kanyang mga pisngi. Puwede na rin kaya niyang ipagtapat dito ang totoo ngayon mismo?

Bumitiw siya. "C-Clara, pa—"

"Dinalhan kita ng pagkain, Gwen. Sabi kasi ni Clara, hindi ka pa kumakain mula kagabi," putol sa kanya ni Febe, na hindi niya namalayang naroon din pala. Binigyan siya ng pinsan ng nagbababalang tingin. It's not the right time. Iyon ang mensahe ng mga mata nito.

She closed her eyes and bit her tongue. Agad din naman siyang nagmulat. "Thank you, Ate Febe."

Nakapagdesisyon na kasi siya na iaayos na niya ang lahat. Mula sa birth certificate ni Clara hanggang sa pagtatapat dito ng lahat. Sang-ayon naman ang mga magulang niya at kamag-anak. Iyon lamang, ayon sa mga ito ay huwag muna ngayon.

Actually, hindi na nga siya nakapaghintay na malagay sa birth certificate ni Clara ang pangalan niya bilang ina nito. Kinausap na niya ang isang abogadong pinsan, si Bernadeth, para pasimulan na ang legal papers. Kaya lang, napurnada dahil nalaman ng parents niya. Sampung taon pa lang si Clara. Hayaan muna diumano niya na magkaedad at mag-mature pa ang anak nang sa gayon ay madali nitong maunawaan at matanggap ang lahat.


Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon