Part 46 (Epilogue cont.--Ending)

15.4K 465 78
                                    


Nasa basement sila ng grand villa. Sa isang pribadong silid na nagtatala ng kasaysayan ng pamilya sa isang marmol na pader. Ang nakikita niya ay isang family tree ng mga Valencia. Hindi niya alam kung ilang henerasyon na iyon pero napakaraming pangalan. Nakakalula, nakakamangha. What was engraved on the stone is a history.

Tumaas ang nanginginig na palad ni Guinevere at hinaplos ang partikular na mga letrang nakaukit sa pader. Charlie Valencia. Sa tabi niyon ay nakasulat ang Guinevere Mercado. Hindi maipagkakaila na bagong ukit lamang iyon. Sa katunayan ay naiiba pa iyon sa lahat dahil tila hindi propesyonal na kamay ang umukit niyon. Si Charlie ang may gawa niyon. That made it more special.

Lalong bumukal ang mga luha ni Guinevere nang bahagyang bumaba ang daliri niya at humaplos sa pangalang Clara M. Valencia. Konektado ang pangalan ni Clara sa pangalan nila ni Charlie sa paraang nagsasabi na anak nila ito. "Oh, God!"

Mula sa likuran niya ay yumakap sa kanya ang binata. "So, love, will you marry me?"

Humarap siya kay Charlie. Gusto niyang magsalita pero yumakap na lang siya sa binata nang mahigpit habang umiiyak pa rin.

"Hush, love, no more tears please. Pati ako, napapaiyak, eh. We'll tell Clara the truth as soon as possible. 'Tapos, kakausapin ko ang family mo at ang family ko. Sinisiguro ko sa 'yo na walang magiging problema sa pamilya ko. I want Clara to bear my name. Gagawin nating legal ang lahat. Of course, hihingin natin ang approval ni Clara—ng anak natin."

Napasigok na naman siya. "Why are you so wonderful, love?"

Natawa si Charlie. "Reklamo ba iyan?" Tinuyo nito ang mga luha niya, hinawi ang mga hibla ng buhok palikod. Then he lovingly stared at her.

She pouted. "Mahal kita, Charlie, mahal na mahal. Alam mo ba, noon pa man ay ikaw na ang kasama ko sa pagharap sa multo ko."

"How's that?"

"Dati kasi, dinadalaw ako ng masasamang panaginip. You may think I'm crazy pero 'yong mga magazine clippings mo, inilalagay ko sa ilalim ng unan ko. That way, umaasa ako na sana ikaw na lang ang mapanaginipan ko at hindi ang... ang nangyari noon. And guess what, it was effective."

Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkislap ng mga mata ni Charlie at ang pagluwang ng ngiti. Kunwari ay sumimangot siya. "Yeah, I've been dreaming of you. Now tease me!"

"Mas gusto kong hagkan ka kaysa tuksuhin." Agad nga nitong naangkin ang kanyang mga labi. His tongue invaded her mouth and found all the secret places he had not discovered yet. Awtomatiko rin naman ang naging pagtugon niya. Ang mga kamay niya ay tumaas at animo nakakita ng mas magandang posisyon sa buhok ng binata. Ang hindi mapalagay na mga kamay naman nito ay humaplos sa kanyang hita habang ang isa pa ay nasa likod niya at gumagawa ng mga erotikong ritmo ng paghaplos.

Guinevere shuddered at the intensity of heat that was consuming her. Heat unfurled in the pit of her stomach, down to the core of her beings. One glance, one touch, one kiss was enough to set them on fire.

Ang mga tuhod ni Guinevere ay tila bibigay ano mang sandali. She was already los in the sensation he was giving her. Pakiramdam niya ay nilalagnat na siya. The pleasure was overwhelming and exciting at the same time. Only from Charlie's kisses and touches. Si Charlie lamang ang may kayang magdala sa kanya sa lugar na walang ibang mahalaga kundi ang kasiyahang dulot nila sa isa't isa.

Naghiwalay lamang ang mga labi nila nang pareho na silang pangapusan ng hininga. "Hindi mo pa ako sinasagot," anang binata habang naghahabol ng hininga. "Marry me."

She smiled. "With all my heart," sagot ni Guinevere bago hinapit ang ulo ni Charlie upang muling magtagpo ang kanilang mga labi.

With all their heart. Pagsasaluhan nila ang pag-ibig na mayroon sila nang buong puso. Walang madilim na kahapon na magmumulto. At kung may panibagong pagsubok mang dumating, alam niya na hindi siya bibitawan ng binata. Charlie's love is one in a million. She will be forever thankful for his big unselfish heart. Oh, she knew Charlie isn't perfect. Seloso ito at possessive. But it was all right because she loved him dearly. Isa pa ay ganoon din naman siya rito. And they will live happily ever after...

•••Wakas•••


Thank you so much for reading. Sa mga gustong mabasa ang iba pang kuwento ng Valencia Series, pwede mo kayong bumili ng kopya sa mga book stores. Published na hanggang book 9. I think ipa-publish din ngayong January 2018 ang Book 10. Salamat. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon