Part 19

8.7K 218 0
                                    

"Dammit!" hindi na napigilang usal ni Charlie, sabay pukpok sa manibela. Napatingin sa kanya si Gwen.

"Antonio, hold on a second." Tinakpan ng dalaga ang mouthpiece ng telepono. "Ano'ng problema, Charlie?"

"Wala."

"Sure?"

Anak ng tipaklong, o! Bago pa makapag-isip si Charlie ay naitabi na niya ang sasakyan at walang sabi-sabing kinuha niya ang telepono mula rito at pinatay iyon.

"Charlie!" nanlalaki ang mga matang saway ng dalaga. "Ano ba'ng problema mo, ha? Bakit mo ginawa—"

Kinabig ni Charlie ang dalaga at siniil ng halik. He kissed her hard. Doon niya inilabas ang frustrations niya. Guinevere stiffened. At noon na-realize ni Charlie kung ano ang ginagawa niya. Humiwalay siya sa dalaga. Nasabunutan na lang niya ang sariling buhok.

Shit! This jealousy thing is going too far. "I'm sorr—"

Umigkas ang kamay ng dalaga at tumama iyon sa pisngi niya. It stung.

"I deserved that," aniya.

"Look, Charlie, kung ano man ang problema mo, huwag mo akong idamay. What you did was so rude. Hindi ko inakalang magagawa mo 'yon." Namumula pa rin ang mukha nito sa inis.

Yeah. Ako man, hindi ko rin inakalang magagawa ko iyon. In the first place, hindi ko nga inakalang capable pala ako ng ganitong emosyon. "I'm really sorry, Gwen."

Tumango si Guinevere. Malambot na ang ekspresyon ng mukha. Hindi niya inasahan nang hawakan nito ang braso niya at bahagyang haplusin iyon na para bang kinakalma siya. "Are you okay, Charlie? Kanina ka pa ganyan, ah? You seem upset. Kung gusto mo, ako na ang magmamaneho. Magpahinga ka na lang."

"I'm okay. Pasensiya ka na. I... I'm really sorry." Hinuli niya ang kamay nito at ipinaloob iyon sa mga kamay niya. Guinevere, how shall I open my heart to you?

Tinangkang bawiin ni Guinevere ang kamay nito pero hindi niya iyon binitiwan bagkus ay hinawakan nang mas mahigpit. "Charlie..." Nagtatanong ang mga mata nito.

Bumaba ang kanyang mga mata sa mga labi ng dalaga. Hindi na nagulat si Charlie nang pumuno na naman sa dibdib niya ang kagustuhang mahagkan ito. The urge was just so strong, lalo na at natikman na niya ang labing iyon. Sa ilang minutong lumipas ay hinahanap-hanap na agad niya iyon. It was so sweet, like honey. Matamis pero hindi nakakaumay.

"Gwen..." bulong niya. Tama ba ang nababasa niya sa mga mata ng dalaga? Na pareho sila ng gustong mangyari? Bahagya niyang iniabante ang kanyang mukha. Ganoon na lang ang saya niya nang makitang bahagya siyang sinalubong ng dalaga. Then her lips parted slightly as if she was welcoming him. He made another move, ganoon din ang dalaga, hanggang sa halos nagpapalitan na sila ng hininga. Nang ipikit na ng dalaga ang mga mata ay tuluyan na niyang tinawid ang natitirang distansiya. He claimed her lips and kissed her slowly but passionately.

Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon