Part 36

7.9K 186 0
                                    

ILANG beses na huminga nang malalim si Guinevere bago siya lumabas ng silid. Si Charlie ay agad nakatayo at mabilis na nakalapit sa kanya. Before she knew it, nakabig na siya ng binata at nayakap nang mahigpit.

"Oh, love! I'm so sorry." Saglit itong humiwalay sa kanya para lamang dampian ng halik ang kanyang noo, pagkatapos ay muli siyang niyakap. Naipikit niya ang mga mata. She loved this man too much. Si Charlie ang isinisigaw ng puso niya sa bawat pagtibok niyon. Pero maiintindihan at matatanggap kaya siya ng binata?

Hindi na pinigilan ni Guinevere ang sarili, iniyakap din niya ang mga braso kay Charlie. Maaaring iyon na ang huling pagkakataon na yayakapin siya ng binata. At marahil iyon na rin ang huling pagkakataon na mayayakap niya ito. Halata ang tuwa ni Charlie sa naging pagtugon niya. Ikinulong ng binata ang kanyang mukha sa mga kamay nito. Gusto niyang iwasan ang mga mata nito pero hindi niya magawa. Sinalubong niya iyon. As a result, she just can't breath. Hindi siya makahinga sa emosyong nasa mga mata nito. That look. That distinct look of his undying love for her. Kung sana ay maging mabait sa kanya ang tadhana at pagkatapos ng magiging pag-uusap nila ni Charlie ay makikita pa rin niya iyon sa binata. But things might change...

"'Sabi ni Clara, hindi ka daw kumakain nang maayos. Papatayin mo ba ako sa pag-aalala?" nanenermon na wika nito ngunit naroon ang pag-aalala.

I love you, Charlie! I really do. Nag-iwas si Guinevere ng tingin. Sinikap niyang makawala sa mga bisig nito. Charlie hesitantly let her go. Naupo siya sa single-seater sofa.

"Gwen..." anang binata. Ang sayang nababanaag niya rito ay nabahiran uli ng takot.

Kaya ko 'to. Kakayanin ko... Sasabihin ko sa kanya ang totoo. Ako ang magsasabi sa kanya. Hindi ako tatakbo. Hindi ako tatakas. Ibibigay ko sa kanya ang desisyon sa kahihinatnan ng relasyon namin. Oh, God! Paano kapag hindi niya matanggap? Kakayanin ko ba?

Nakagat ni Guinevere ang labi. Kaya ko nga ba? Kakayanin ko nga ba? "Kailangan nating mag-usap. Please, maupo ka." Iminuwestra niya ang katapat na upuan.

"Okay. I think kailangan talaga nating mag-usap. It's essential in a relationship, right? I mean the talking... Pero puwede bang makiusap na kumain ka muna? Please, love?"

Umiling si Guinevere. "Please, maupo ka, Charlie. Hindi ko na maipagpapaliban pa ang gusto kong sabihin. Baka hindi na ako makahanap ng sapat na lakas ng loob kapag pinalipas ko pa ang pagkakataong ito. Mag-usap tayo, Charlie."

Others had secrets, too. Iyong iba ay ginagawa ang lahat manatili lamang na nakatago ang sekreto at ang iba ay gumagawa ng paraan para kamuhian sila ng taong mahal nila just to keep them away from the truth. But she knew better. Magiging mas komplikado lamang ang lahat kapag tumakas siya sa katotohanan. Hindi niya hahayaan na sa iba pa iyon malaman ni Charlie. Magiging matapang siya. Hindi siya tatakbo sa katotohanan.

"Now, you're really making me nervous, Gwen." Naupo rin naman ito.

Now, this was the moment.


Valencia Series Book 5: Charlie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon