Prologue

426 16 2
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Paalala:

Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda at hindi ito hinango sa totoong buhay. Anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, lugar, at mga pangyayari sa kwentong ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala, at gamitin ninuman sa anumang kaparaanan o dahilan nang walang pahintulot ng may-akda.

Noong taong 1699 may nabuong sakit. Isang sakit na hindi nakakamatay sa halip ay maaari kang mabuhay ng napakatagal.

Tinatawag itong Vampire Disease dahil magkatulad ang mga symptomas nito sa mga kayang gawin o mga abilidad ng mga bampira.

1. Takot sa araw
-takot silang masinagan ng araw dahil napapaso ang balat nila dito kaya tuwing gabi lang sila lumalabas. Ngunit kalaunan din ay nagkaroon ng isang medisina na nagpapataan sa kanilang makalabas ng ilang oras sa ilalim ng mainit na araw.

2. Allergic sa bawang
-pumupula at lumalaki ang bibig nila sa tuwing kumakain ng bawang. Nasusuka din sila dahil sa baho nito. Kaya hangga't maaari... iniiwasan nila ito.

3. Healing Ability
-kusang naghihilom ang mga sugat na natatamo nila dahil mas dumadami ang platelets sa kanilang katawan dahil sa sakit na ito.
4. Mind Tricks
-kaya nilang maghipnotismo ng isang tao at kaya din nilang burahin ang mga alaala nito. (Ngunit iilan lang ang may kakayahang gawin ito)

5. Nauuhaw sa dugo
-hindi sila madalas kumakain ng mga pagkaing nakasanayan ng isang tao dahil mas nabubusog sila sa dugo ng tao. Kalaunan ay nagbago sila at mas gusto nilang inumin ang dugo ng mga hayop kesa sa tao.

6. Immortality
-pinapahinto man nito ang puso nila ngunit ang sakit na ito ang nagpapabuhay sa kanila. Hindi man tumitibok ang puso nila pero gumagana pa naman ang kanilang utak.

Wala pang lunas sa sakit na ito kaya nais ko sanang ako ang makahanap ng lunas dito.

Isa ako sa mga nahawa ng sakit na iyon. Iilan lang kami pero kalaunan ay hindi ko na nakikita ang iba ko pang mga kasamahan.

Maaring nakahanap na sila ng lunas ngunit maaari din na matagal na silang namatay. Kung totoo man iyon, nais kong malaman kung papaano nila nagawang patayin ang sarili nila.

Nasubukan ko na ding magpakamatay ngunit parati itong pumapalpak. Sinubukan ko nang maglaslas ngunit parating humihilom ang mga sugat ko.

Sinubukan ko ding uminom ng napakaraming capsula ng gamot pero hindi din ito gumagana. Sinubukan ko na ding magpakalunod, mahulog sa napakataas na building, at talian ng lubid ang leeg ko pero lahat ng iyon ay hindi gumana.

Maaaring may rason pa... may rason pa para mabuhay ako sa mundong ito. At sa tingin ko alam ko na ang rasong ito.

"Nahanap ko na po siya" magalang na sabi ng isa kong alagad.

Dahan dahan akong napalingon sa kanya habang hawak hawak ang isang wine glass na naglalaman ng dugo ng baboy.

Para sa akin.. mas gusto ko ang dugo ng manok dahil mas masarap ito ngunit parating pumapalpak ang mga kasambahay ko sa pagkuha nito. Gusto ko silang batukan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Saan?" Tanong ko at napalingon sa isang painting na ginawa ko noon. Nakalagay ito sa harap ng sofa sa office ko. Nakadikit ito sa pader at may nakalagay na lamesa sa ilalim nito. Maraming mga gumamela ang nakalagay doon sa lamesa kaya inamoy ko ito.

Napatitig ako sa babaeng nasa painting. Nakaupo siya sa isang upuan habang suot suot ang kulay puti at ginto niyang baro't- saya. Nakapusod ang kulay brown niyang buhok na bumagay sa morena niyang kompleksiyon. Matangos ang ilong nito at mapula-pula ang labi. Nakakaagaw pansin ang kulay amber niyang mata, Ang mga matang bumihag sa puso ko noon hanggang ngayon.

Biglang bumilis ng tibok ng puso ko dahil doon. Napangiti nalang ako dahil hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ng puso ko.

"June 16, 1975 isang sanggol ang ipinanganak sa St. Agustine Hospital. Ang mga magulang niya ay si Richard Yu at Hera Yu. May kapatid siyang babae at ang pangalan nito ay Astraea Y ---"

"Ano ang pangalan ng sanggol?" Kabado kong tanong kaya napahinto siya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang mahigpit kong hinawakan ang basong hawak ko.

Nais kong makumpirma na siya nga iyon dahil halos tatlong siglo na akong naghihintay sa kanya. Minsan gusto ko ng sumuko pero parati ko pa ding naaalala ang mga sinabi niya sa akin noon.

"Hintayin mo ako"

"Artemis Yu"

Biglang nanghina ang paa ko at nabitawan ang basong hawak. Artemis.. dumating ka na din sa wakas...

"Simula ngayon.. bantayan niyo siya hanggang sa dumating ang ikalabing-walo niyang kaarawan." Sabi ko kaya napatango siya.

"Masusunod po" sabi niya at nagbigay galang bago umalis sa aking silid.

Napatingin akong muli sa painting na nakasabit sa pader.

Dumating na din ang araw na pinakahinihintay ko. Binigyan ulit ako ng tadhana ng pangalawang pagkakataon. Ikalawang pagkakataon kung saan maaari kong baguhin ang lahat.

Let me love you one last time Artemis.. 

◇◇◇♢◇◇◇

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N:

Hindi ko pa po na-eedit ang storyang ito kaya pagpasensyahan niyo muna kung may makikita kayong maling grammar, maling spellings at iba pa.

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon