◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 25: Part I Ending
Artemis' POV
Iminulat ko ang aking mata at napapikit muli dahil sa sinag ng araw. Nakahiga ako ngayon sa damuhan at napakunot ang noo ko dahil duguan pa din aking ang damit.
Dali dali akong napabangon noong maalala ang huling pagkikita namin ni Edward. Ngunit... ano ba ang nangyari pagkatapos nun? Nahimatay ba ako?
Si Prof Arthur nandoon pa din ba sa tabi ng batis?
Dali dali akong tumayo at napakunot ang noo ko dahil napansin kong tila ba may nag-iba sa Paraiso del Arte.
Nasaan ang napakalaking narra na parati naming tinatambayan ni Edward? Naglakad ako papalapit sa batis ngunit hindi ko nakita si Prof Arthur.
Ngayon ko lang napansin na nakapaa pa din pala ako hanggang ngayon. Suot ko pa din ang kulay blue na tank top ko na may kapares na kulay pink na flannel at maong na shorts.
Napakatahimik ng lugar kaya mas lalo akong nalito.
Napansin kong may paparating kaya inayos ko ang aking pagkakatayo. Dahan dahang naglakad ang isang babae habang may hawak hawak na basket. Napakunot naman ang noo ko noong mapansin ang damit na sinusuot niya.
"Lyza?" Kunot noo kong tanong. Gulat naman siyang napalingon sa akin.
Nakapusod ang mahaba niyang buhok at nakasuot siya ng kulay asul na baro't saya. Suot niya pa din ang kwintas niyang may nakaukit na Eunice ngunit... bakit siya nakasuot ng baro't saya?
Nabitawan niya ang kanyang basket kaya nahulog ang mga baro't sayang nasa loob nito.
"Hindi Lyza ang pangalan ko ngunit..." sabi niya at dahan dahang napatingin sa akin.
"Ngunit hindi ito ang panahon mo.." sabi niya kaya mas lalong napakunot ang noo ko.
"Paano ka nakapagtime travel?" Kunot noo niyang tanong kaya napataas ang kilay ko.
Time travel? A-anong pinagsasabi niya?
"I see... ipapakilala ko muna ang aking sarili upang hindi ka malito. Ako nga pala si Eunice. Isang time traveler mula sa taong 2041 at naparito ako dahil sa isang misyon" sabi niya kaya mas lalo akong naguluhan.
Eunice? Kaya ba Eunice ang nakaukit sa kwintas niya? Ngunit bakit Lyza ang ginamit niyang pangalan sa panahon ko?
"H-huwag mo nga akong binibiro Lyza" nauutal na sabi ko ngunit mas lalo lang napakunot ang noo niya.
"Hindi nga ako si Lyza. Ang pangalan ko sa panahong ito ay Linda at teka.. kilala mo ba ako? Sa panahon mo?" Sunod sunod na sabi niya kaya napatango ako.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Science FictionIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]